Share

Chapter 51

MULING lumabas ng kuwarto si Monica kasunod si Federico na itim na boxer lang ang suot. Dumating na ang kan’yang tiya na namalengke pala. Hindi rin nito kasama si Kenji.

“Ano’ng problema, Monica?” balisang tanong ng ginang.

“Si Kenji po, nawawala!” aniya.

“Ha? Narito lang siya kanina, ah. Bago ako umalis, lumabas ng kuwarto n’yo si Kenji. Pinainom ko siya ng gatas. Tapos pinapasok ko rin siya ulit sa kuwarto kaso sira ang lock ng pinto kaya hindi naisasara maigi.”

“Eh, nasaan na siya?” Hindi na siya mapakali.

Lumabas pa ng bahay si Federico at kinausap ang tauhan. “Hindi naman daw lumabas si Kenji,” sabi nito nang makabalik, balisa na rin.

Mayamaya ay may humilagpos na kung ano mula sa loob ng tindahan ng kan’yang tiya. Sabay pa silang tumakbo ng ginang patungo sa tindahan. Hindi nakasara maigi ang pinto nito kaya itinulak lang niya.

Pagpasok nila ay namataan nila ang batang namutakti ng chocolate ang mukha. Kandong pa nito sa mga hita ang plastic na garapon na lalagyan ng stic
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status