Share

Kabanata 73

Pinaimbestigahan kaagad ni Karlos ang isang pirasong mata na natanggap niya mula sa box na pinadala sa kaniya.

Pinasuri rin niya sa mga empleyado niya ang cctv monitoring room pero laking gulat na lamang niya nang mapagtanto na may nagbura ng cctv file record nila kung kaya't hindi nila natukoy ang tunay na pagkatao nung lalaking naghatid sa kaniya ng package.

Pabagsak na lang napaupo si Karlos sa swivel chair niya habang tulala siya at may malalim na iniisip.

Paulit-ulit niya inaalala ang lalaking nakausap niya at nagdala sa kaniya ng package. Malakas ang kutob niya na may kinalaman ang lalaking ito sa pagkamatay ng dalagang si Nara, lalo na nang makumpirma ng mga owtoridad na ang bahaging matang natanggap niya ay nanggaling mismo sa labi ng dalaga na si Nara.

Laking pagtataka nila kung papaano ito nakapasok sa loob ng morgue, gayung mahigpit ang seguridad nila at may mga nakabantay naman sa labas.

Hinihinala nila na isa sa mga pulis doon
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status