Share

Chapter 59

Nakaabang ako sa labas ng unit ni Drake. Hindi ko alam, na may ground floor pala iyon. Doon ipinapasok ang ibang sasakyan, at isa na doon ang sasakyan ni Drake. Sumubok akong pumasok doon, subalit nakita ako ng guard.

"Ikaw na naman miss? bakit ba bumabalik ka dito?" sita niya sa akin.

"Makikipark lang eh, ang suplado mo naman,"sagot ko sa kanya.

"Miss, hindi maaaring makipark diyan, exclusive lang yan sa mga unit owners. Saka, may ini scan yan, kapag nagpumilit ka, hindi rin bubukas ang harang na yan, at mag aalarm yan, baka makulong ka pa," sagot niya sa akin, "hindi ako nagsusuplado, ginagawa ko ang trabaho ko. Isa pa, hindi ako basta gwardiya ma'am, pulis ako."

Napalunok ako sa sinabi niya, saka ako bumuntong hininga, "gusto ko lang namang makausap si Drake," sabi ko sa kanya, "masama ba yun?"

"Fan ka niya?" nagulat pa siya.

"Hindi, may unfinished business lang kasi kami. Hindi ko kasi siya mahagilap." naisagot ko na lamang.

"Miss, bukas, alas singko, nagdajogging na siya doon sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status