Share

Chapter 6: i help you

SINAPO ni Gianna ang labi niya at marahan iyong hinimas habang bumabalik sa kaniyang isip ang halik na pinagsaluhan nila ni Gabriel sa loob ng sasakyan nito. Hindi na niya namalayan ang sariling nakangiti dahil sa hindi niya malamang dahilan. Sa kabila ng lamig na bumalot sa kaniya, naramdaman niya ang init na hatid nito sa kaniya. Ang malalambot nitong labi at ang paraan ng paghalik nito ay hindi niya maikakailang nagustuhan niya.

"A-anak, ano'ng nangyari sa iyo?" 

Napapitlag siya nang marinig niya ang kaniyang ina na si Nora. Tila nagising siya mula sa mahabang pag-iisip. Agad niyang inayos ang sarili at pinawi ang ngiti.

"Oh my god! What happened to you? Bakit basang-basa ka?" Lumapit ito sa kaniya at inalalayan siya. "'Ya, can you get me a towel," sigaw nito na bakas ang pag-aalala. "Maligo ka at magpalit. Magkakasakit ka sa ginagawa mo, eh."

"Ma'am, ito na po ang towel." Inabot ni Beth ang towel, ang katulong nila. Agad iyong binalot ng kaniyang ina sa kaniya.

Ngumiti si Gianna. "Mom, I'm fine. I'm strong enough at alam niyo 'yan. Hindi ako magkakasakit dahil lang sa ulan," aniya. 

"Bakit kasi ayaw mong magdala ng kotse?"

"Mom, hindi na kailangan. Bukas o makalawa, mawawala na rin naman sa atin ang lahat, 'di ba?" Muling nabuhay ang lungkot sa kaniyang mga mata. Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng bahay. "Magbabago na rin ang lahat, ang buhay natin and I think I need to get use to it habang maagap pa, para hindi ako mahirapan when the times come na mawala ang lahat sa atin." Hindi na niya napigilan ang luha sa kaniyang mga mata dahil sa katotohanang iyon.

Umiling si Nora. "No, it won't happen, Gianna. We won't let it happen. Makakabangon din tayo. Malalampasan din natin lahat ng ito." Nakisabay na rin ang luha ng kaniyang ina. 

Nasasaktan siya na makitang nahihirapan ang mga ito at mas lalong mahirap para sa kaniya dahil wala siyang magawa at alam niyang siya ang dahilan ng lahat.

"Mom, I'm so sorry! Hindi niyo man iniisip na kasalanan ko, alam ko sa sarili ko na ako ang dahilan ng lahat. Kung sana...k-kung pumayag lang ako sa gusto —"

"No, anak hindi tayo magpapadala sa Oliver na 'yan. We will fight whatever happens at hindi ako papayag na ibibigay mo ang sarili mo sa kaniya. Hindi mo dudumihan ang sarili mo. Hindi mo ibababa ang pagkatao mo para lang sa kaniya. He's a devil and he don't deserve you." Bakas ang labis na pag-aalala kasabay ng galit sa mukha ni Nora. Niyakap siya nito kahit basang-basa siya.

"I'm sorry, mom!" Hindi na niya maiwasang humagulhol dahil wala siyang magawa at hindi niya alam kung paano makakatakas sa panggigipit ni Oliver sa pamilya niya.

"Shh! Don't say sorry, anak dahil hindi mo kasalanan. It's all Oliver's fault at wala tayong ibang sisisihin kung hindi siya."

"HOW's your feeling?"

Napakunot si Gianna nang mabasa niya ang text message na iyon mula sa unregister number. Napakiling siya habang nakahiga sa kama.

"Who's this?" she replied.

Naghintay siya sa reply nito at ilang sandali lang ay mag-vibrate ang cellphone niya.

"Have you forgot me already after you kissed me?"

Napakunot lalo ang noo niya nang ma-realize niya kung sino ang may-ari ng number na iyon. Napabuntonghininga siya at napangiti.

"How did you get my number?"

"Well, it's not hard for me to get your number. I have connection. Kilala mo ako."

"Yabang!" pabulong niyang sabi. Magta-type na sana siya nang bigla siyang napa-hatsing. Suminghot siya. Kanina pa ngang sumasakit ang ulo niya dahil sa sipon at ubo na nakuha niya dahil sa ulan.

"So, how are you?"

Concern ba ito sa kaniya o sadyang may kind side lang si Gabriel sa mga tao? Hindi niya namalayan na sinasagot na niya ang bawat text nito. May umusbong na saya sa puso niya dahil sa concern na pinaramdam nito sa kaniya.

"DAD, I'm sorry," naiiyak na sabi ni Gianna habang hawak niya ang kamay ni si Jose, ang kaniyang ama. Dinalaw niya ito sa kulungan. Ilang linggo na simula nang arestuhin ito dahil sa 'di umano, pagtakbo nito sa investment na inalok ni Oliver. Maraming naniwala at nag-invest sa pamamagitan ng kaniyang ama at lahat sila, ito ang hinahabol sa malaking perang nawala sa mga ito.

"Shhh! Wala kang kasalanan, anak. Don't say sorry." Bahagyang kumiling si Jose. "Ako dapat ang humingi ng tawad sa inyo ng mommy mo dahil sa maling desisyon ko na tanggapin ang alok ni Oliver. I was so stupid at hinayaan kong mangyari 'to sa pamilya natin." Bumuga ng hangin ang kaharap niya at pasimpleng pinahid ang luha sa gilid ng mga mata.

"Dad, wala kang kasalanan. G-gusto mo lang naman na maging maayos ang family natin, 'di ba? You were just desperate and Oliver used it to destroy our reputation. Siya, siya ang may kasalanan ng lahat ng ito. Siya ang dahilan kung bakit naghihirap tayo ng ganito." Hindi na niya napigilan ang luhang pumatak sa kaniyang mga mata.

"I'm sorry!" 

"Dad, this is not your fault. Wala kang kasalanan."

"P-pero bilang padre-de-pamilya, ako dapat ang gagawa ng paraan para makaahon tayo, para makabangon pero ako pa ang naging dahilan kung bakit tayo naghihirap ng ganito."

Pinahid niya ang luha. "Dad, this time ako naman. I'll do everything para makalaya ka, para makawala tayo sa kahihiyang ginawa ni Oliver." Niyakap niya ang kaniyang ama. Naaawa siya rito dahil pinagbabayaran nito ang kasalanang hindi nito ginawa.

Matapos niyang dumalaw sa kulungan, nagpasiya siyang dumeresto muna sa isang cafe para doon magpalipas ng oras. Kailangan niya ng coffee para kahit pa paano gumaan ang loob niya.

Mayamaya'y nag-vibrate ang cellphone niya. Kinuha niya iyon at binasa ang text.

"Hoy, Gia kailan mo balak pumasok?" Text ni Lucy ang katrabaho niya sa isang company kung saan siya nagtatrabaho bilang marketing manager.

Bumuntonghininga siya at mas piniling hindi na lang reply-an ang katrabaho. Kung mawalan man siya ng trabaho, ok lang dahil mas kailangan niyang mag-focus sa problema ng kaniyang pamilya.

"You're here."

Nagulat siya nang bigla na lang lumitaw si Gabriel sa harap niya. Seryoso itong nakatingin sa kaniya.

"Gabriel, i-ikaw pala," aniya. Naalala na naman niya ang halik na pinagsaluhan nilang dalawa. Umiwas siya ng tingin.

"Drinking coffee alone is boring, you want me to join you?"

"Huh?" gulat niyang reaction. "I mean, sure kung gusto mo since wala naman akong kasama."

"Well, that's good." Pumihit ito patungo sa counter at bumili ng kape bago bumalik sa table.

"Paanong nagkita tayo rito?" nagtataka niyang tanong nang makaupo si Gabriel.

Kumunot ang noo nito. "Maybe it's destiny, Gianna." Natigilan siya ng saglit bago alangang ngumiti. "I often drink coffee here and it's happen na nandito ka rin."

Tumango lang siya bilang tugon. Saglit na katahimikan ang namayani bago nagsalita ulit si Gabriel.

"How's your dad? The case?"

Sumilay ang lungkot sa kaniyang mga mata. "I don't know, Gabriel. H-hindi ko na rin alam ang gagawin. Hindi ko na alam kung kanino lalapit para humingi ng tulong." Nararamdaman niya ang pag-init sa gilid ng mga mata niya.

"Well, Oliver won't let your dad out of this. Maimpluwensiya siyang tao and he can manipulate anyone. Hindi mo siya kilala kahit pa nagsama kayo ng mahabang panahon."

Yumuko siya. "Ano'ng gagawin ko, Gabriel?" Puno ng lungkot na tanong niya.

"I want to help you, Gianna pero hindi ko alam kun

g hanggang saan ang kaya ko."

"Thank you, Gabriel pero paano mo ako tutulungan?"

"I hired a lawyer."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status