Share

Chapter 13: i give up

"A-ANONG gingawa mo rito?" gulat na tanong niya nang bigla na lang pumasok si Oliver sa silid kung saan naka-admit ang kaniyang ina sa hospital.

"I'm here to witness your downfall, Gianna." Kumurba pa ang ngiti sa labi nito.

Wala na ba talagang puso si Oliver? Napakahayop nito para maging masaya sa pinagdadaanan nila.

"At ano? Masaya ka na? Satisfied ka na ba sa nakikita mong paghihirap ng pamilya namin? Napakahayop mo, Oliver!" puno ng galit na sabi niya.

"Hayop? Sige, hayop na kung hayop pero hindi lang ako ang hayop dito, Gianna pero at least ako, hindi nagpapanggap sa harap mo," makahulugang sabi nito.

Mas naging matalim ang tingin niya kay Oliver. Hindi niya maunawaan ang ibig sabihin nito.

"Kung wala ka nang ibang sasabihin, umalis ka na. Umalis ka na lang kung ipapamukha mo lang sa akin kung gaano ka-miserable ang buhay ko ng dahil sa iyo!" pagtataboy niya rito kasabay ng pagtulo ng kaniyang luha.

"You're blaming someone where in fact all of these are happening because of your
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status