Share

Mr. Gabriel Bought Me
Mr. Gabriel Bought Me
Author: Unknown

Chapter 1: wrong kiss

SUMASABAY sa bawat pintig ng masayang awitin ang katawan ni Gianna na nagbibigay sa kaniya ng satisfaction at sayang kailangan niya. Gusto niyang maglibang, aliwin ang sarili at maglasing. Nalaman kasi niyang ikakasal na ang ex-boyfriend niya sa taong tinuring niyang kaibigan.

Nang mapagod siya, naglakad siya palayo sa gitna ng dance floor at dahil sa tama ng alak, hindi na niya maintindihan ang paligid. Naglakad lang siya nang biglang nawalan siya ng balanse at umasang babagsak sa matigas na sahig pero naramdaman niya ang brasong pumulupot sa baywang niya. Nanliit ang mga mata niya at napakapit sa dibdib ng ekstrangherong iyon.

"F*ck!" aniya. Nag-angat siya ng tingin. "Y-you saved me Mr. handsome." Kahit nahihilo na siya, gwapo pa rin ang tingin niya sa binata. "Ikaw ba ang ex-boyfriend ko? Nandito ka ba para sunduin ako and to get back at me?" Ngumiti pa siya habang sinusundot ng daliri niya ang makinis at malambot na mukha ng binata.

"You're drunk, Ms. Fajardo."

"I know b-but not too much. I-I can handle myself."

Napailing ang binata habang nararamdaman nito ang bigat niya dahil sa pagsandal niya sa matipuno nitong katawan. Mas dinikit pa niya ang katawan niya rito. Nasa bahaging gilid sila ng silid at wala namang may paki sa kanila dahil lahat ng tao roon ay abala rin sa pagsayaw at sa pakikipag-usap.

"Nandito ka ba para sa akin? Are you still worried about me?" umaasa niyang tanong.

"Ms. Ginanna I'm not—"

Hindi natuloy ng lalaki ang sasabihin pa sana nito dahil agad niyang tinapalan ng labi niya ang labi nito. Gumalaw siya habang natigilan ito. Kumurap pa ito pero 'di kalaunan ay gumanti sa halik niya.

"Are you sure you want us to do it here?" tanong ng binata.

"I-I don't care," pabulong niyang balik.

Nagustuhan niya ang bawat halik ng lalaki. Ang bawat haplos ng mga palad nito sa kaniyang braso ay lalong nagpapalundag sa nararamdaman niya. She wants more from him.

Napapikit siya at mas siniksik pa ang katawan sa binata pero kapagkuwa'y napakurap siya ng ilang beses. Ang mga labi nito at ang paraan ng paghalik nito ay hindi katulad ng sa kaniyang ex-boyfriend.

Agad siyang bumitaw sa halik na iyon at tiningnan ang mukha ng lalaking kaharap niya. Nang dahan-dahang naging malinaw ang mukha nito, natigilan siya at nagulat nang makilala ang lalaki.

Sino ba namang hindi makakakilala kay Gabriel Esguerra? Ito lang naman ang kilala ng lahat dahil sa pagiging successful nito sa iba't ibang larangan ng negosyo sa murang edad nito. Pantasya ito ng lahat dahil sa pagiging gwapo nito.

"You look surprised, Ms. Fajardo? Alam kong kilala mo kung sino ako but why did you kissed me?"

Napalunok si Gianna at umiwas ng tingin sa gwapong binatang nasa harap niya. "I-I'm sorry, Mr. Esguerra nakainom ako," sabi na lang niya.

"Well I guess, you're right pero kahit lasing ka alam kong nagustuhan mo ang halik na iyon," panunuya nito.

Nakagat niya ang pang-ibabang labi. "I-I need to go. I'm sorry again." Tatalikod na sana siya nang mag-ring ang cellphone niya. Sinagot niya ang tawag.

"Gianna, nasaan ka? Please come home," bungad agad ni Nora ang kaniyang ina.

Kinakabahan siya sa narinig at tila tinakasan siya ng alak sa katawan. "Ok, mom." Binaba niya ang cellphone at nilingon ulit si Gabriel. "I'm sorry again for what happened."

"Ganoon na lang ba 'yon? You kissed me and you'll levae me hanging here? Pwede nating ituloy sa bahay niyo? Sa bahay ko?" Seryoso ba ito o gusto lang siyang asarin ng lalaking nasa harap niya. "I'm not Oliver but admit it I'm more good kisser than him."

Nanliit ang mga mata niya. Bumuntonghininga siya. "Siguro, hindi na dapat pa tayong magkita Mr. Esguerra dahil ang nangyari ngayon ay dala lamang ng alak sa katawan ko." Seryoso niya itong tiningnan at tumalikod na pero nagsalita ito.

"Ihahatid na kita."

"No, hindi na kailangan."

Pumihit na siya at naglakad palabas sa maingay na silid. Naisuklay niya ang daliri sa sariling buhok. Ano ba kasing nasa isip niya at bigla na lang siyang nanghahalik ng lalaki sa bar?

Paglabas niya ng bar bigla na lang may humila sa braso niya.

"Ihahatid na kita, you're drunk at baka kung sino pang lalaki ang halikan mo sa daan."

Hindi agad siya nakaimik dahil sa gulat sa ginawa ni Gabriel.

"H-hindi na nga—"

"I insist."

Wala na siyang nagawa kung 'di sumakay sa sasakyan ng binata. Bakit ba ang tigas ng ulo nito? Sabing hindi na kailangan dahil kaya naman niya ang kaniyang sarili.

Katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan habang lulan silang dalawa. Mas lalo lang naging awkward sa kanilang dalawa ang pagitan nila o baka dahil sa nangyari kanina sa loob ng bar.

Huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay nila. Pinagbuksan pa siya ni Gabriel ng pinto ng sasakyan.

"T-thank you," nahihiya niyang sabi.

"Are you still affected to Oliver?" he asked suddenly.

Natigilan siya. Bakit naman biglang natanong nito iyon?

"Do I need to answer that?"

Ngumiti ito at saka pumamulsa. "Base sa ginawa mo sa bar kanina, mukhang hindi ka pa rin nakakawala sa nakaraan ninyo kahit alam mong ikakasal na siya sa pinsan ko."

Saglit siyang yumuko. "Mr. Esguerra kung ano man ang ginawa ko sa bar kanina, I'm sorry I'm too drunk." Bumuntonghininga siya. "Salamat sa paghatid at kung ano man ang totoo, it's none of your business." Tumalikod na siya at naglakad papasok sa bahay.

Nadatnan niya ang kaniyang ina na nasa living room na tila kahina pa siyang hinihintay.

"Ano'ng nangyari, mom?" agad niyang tanong.

"You're dad."

"Huh? What happened to him?"

"Sinisingil na siya sa malaking utang niya sa kompanya ni Oliver at kapag hindi niya iyon nabayaran, walang magagawa ang daddy mo kung 'di ibenta lahat ng shares niya sa kompanya at kapag nagkataon iyon, mapapatalsik siya sa posisyon niya," naiiyak na pagkwekwento ng kaniyang ina.

Natigilan siya. Utang? Paanong nagkautang ang kaniyang ama kay Oliver?

"H-hindi ko maintindihan, mom. P-paanong...paano nagkautang si dad sa kaniya?"

Bahagyang yumuko ang kaniyang ina. "Dahil sa naluging negosyo ng dad mo kaya inalok siya ni Oliver ng isang investment and he offer a money to him. Nagtiwala siya kay Oliver."

Natulala ako. Ano'ng gusto ni Oliver sa pamilya niya?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status