Share

Chapter 2: help me

"HOW could you do this to my family, Oliver?" galit na sabi ni Gianna mula sa kabilang linya nang sagutin ni Oliver ang tawag niya.

"Oww! Hindi mo man lang ba ako kukumustahin? Aren't you miss me?"

Nakikita niya sa isip ang ngisi nito na mas lalong nagpapagalit sa kaniya.

"F*ck, Oliver! Don't play around dahil matagal na tayong wala so please let my family go. Alam kong pakana mo ang investment scam na iyon para isisi kay daddy ang lahat and what? What do you want from me?" Nasuklay niya ang kaniyang buhok.

Narinig niya ang pagtawa ng nasa kabilang linya. "I lost millions, Gianna at hindi pwedeng walang gawin. Your dad will pay me or he will go to jail," banta nito.

Nakagat niya ang pang-ibabang labi. "He's innocent, Oliver at alam mo 'yon. You, ikaw ang pumain para kagatin ni dad ang pinahiram mong pera for what? For you to control him? To control me?"

"I was just being kind to your family, Gianna. Your family needs money at binigyan ko kayo out of my kindness."

"No, Oliver you did that on purpose, para mahawakan mo kami sa leeg."

"Sige, ganito na lang. I will let your family go just be with me for five years. It means, akin ka for five years at walang ibang magmamay-ari sa iyo kung 'di ako and you will do everything I want."

Napaawang ang bibig niya at napasinghap. "F*cking no, Oliver. I will never ever your mistress."

"You will beg for me, Gianna and I'll wait you to do that."

Saka binaba niya ang tawag.

Nagpupuyos sa galit na umupo siya sa couch habang nakakuyom ang kamao.

"He's ruthless! Wala siyang puso." Nangalit ang mga ngipin niya.

"Kahit ano'ng mangyari hindi tayo papayag na sirain ka niya and your reputation, Gianna. We'll find a good lawyer para sa daddy mo," sabi ni Nora.

Bumuntonghininga siya. "Ngunit paano tayo? Ang kompanya? Kapag nawala si dad sa posisyon niya, saan tayo pupulutin?" naiiyak niyang sabi.

"Napakawalang puso ng lalaking 'yon. Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sa kaniya, ng pamilya natin nagawa pa rin niya tayong lokuhin." Dama niya ang galit ng ina. "What if lumapit tayo kay Gabriel? Alam kong he knows someone to help us."

Napalunok si Gianna. "Sa tingin mo, mom? Pero si Gabriel ay pinsan ng fiance ni Oliver kaya paano niya tayo tutulungan?"

"Subukan natin for your dad," malungkot na sabi ni Nora.

Bumuntonghininga si Gianna. "I know him, mom. Gagawa ako ng paraan to talk to him para tulungan tayo." Ngumiti siya na may halong lungkot.

HINDI alam ni Gianna kung tama bang lapitan si Gabriel gayong alam niyang pinsan ito ng fiance ni Oliver at may mukha pa ba siyang maihaharap matapos niyang halikan ito sa bar?

"Good afternoon, Miss nandiyan ba si Gabriel Esguerra?" tanong niya sa secretary ng binata nang makarating siya.

"Sorry, miss pero may appointment po ba kayo sa kaniya?"

Alangan siyang ngumiti. "Sorry pero kailangan ko lang talaga siyang makausap."

"Sorry din, miss pero kailangan mo munang magpa-appointment para makausap si Sir Gabriel—"

"No, let her in."

Kapwa sila nagulat ng secretary nang marinig nila ang boses ni Gabriel. Lumingon siya at nakita niya itong nakatingin sa kaniya na walang emosyon habang nakapamulsa. He's f*cking hot and handsome at hindi niya madi-deny iyon. Kaya siguro maraming kababaihan ang nagpapantasya sa kaniya at marahil marami na rin itong nakuha sa kanila. It's man's nature anyway.

Nauna nang pumasok si Gabriel sa loob ng opisina nito at sumunod siya. Kinakabahan siya.

"Akala ko ba ayaw mo nang magkaroon tayo ng connection?" bungad ni Gabriel ng umupo ito sa swivel chair sa table nito. "So, nagbago na ang isip mo para sa ating dalawa? You want connection?" Ngumisi ito.

"I-I'm sorry to bother you, Gabriel pero nagbabakasakali lang ako na...na b-baka matulungan mo ako," nahihiya niyang sabi habang hindi makatingin sa lalaki.

Ang seryosong mukha ni Gabriel, kumurba ang ngisi. "Seriously, Gianna you asked my help? I know what happened to your dad and to Oliver. Alam kong hindi rin naman lingid sa kaalaman mo na pinsan ko si Madison ang fiance ng ex-boyfriend mo kaya paano mo naisip na tutulungan kita for your case?"

Bakit nga ba niya naisip na si Gabriel ang tutulong sa kaniya?

"Because I know your connection, Gabriel. Alam kong ikaw lang ang kilala kong makakatulong sa akin to find great lawyer to fight for my dad." Umaasa siyang tutulungan siya nito.

"Great lawyer? Sa tingin mo kahit mag-hire ka ng mahusay na lawyer mananalo ang daddy mo sa kaso?" balik niya.

Saglit siyang natigilan. "H-hindi ko alam pero gusto kong umasa and I know you can help me with this."

"I'm sorry pero ayaw kong makisali sa kung anong mayroon kayo ni Oliver and besides magiging parte na siya ng pamilya namin and it's not good for me to intervene with his issues," dahilan nito.

Sumilay ang lungkot sa mga mata niya dahil alam niyang hindi siya nito tutulungan kahit ano'ng sabihin niya. Naiintindihan naman niya ito at wala siyang magagawa roon.

"I'm sorry again for bothering you, Gabriel."

BAGSAK ang balikat na umupo si Gianna sa sofa nang makarating siya sa bahay. Mayamaya'y lumabas ng silid si Nora na halata ang labis na pag-aalala sa nangyayari sa kanilang pamilya.

Malungkot siyang tumingin sa kaniyang ina. "I'm sorry, mom pero hindi ko nakumbinsi si Gabriel na tulungan tayo." Yumuko siya para itago ang lungkot.

Umupo ang kaniyang ina sa kaniyang tabi. "We can find another way to help your dad out from this situation, Gianna." Marahan nitong hinaplos ang likod niya.

"Maraming connection si Oliver at walang gustong kumalaban sa kaniya dahil sa pera at kaya niyang gawin. Paano tayo lalaban?" natatakot niyang sambit.

"Hindi tayo pwedeng sumuko, anak dahil ngayon tayo mas kailangan ng daddy mo."

Hinarap niya ang kaniyang ina at niyakap ito. Tumulo ang luha niya pero agad niyang pinahid iyon. Ngayon niya kailangan magpakatatag para sa pamilya niya.

"Ilalaban natin si daddy, mom. Gagawin ko lahat para makatakas tayo sa walanghiyang si Oliver."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status