Share

Chapter 4: don't you dare to date her

TINITIGAN ni Gianna ang hawak niyang calling card saka binalingan ang building kung saan nandoon ang law firm ni Atty. Charles Benitez. Wala siyang ideya kung sino ang atty na iyon pero gusto niyang magbakasali dahil si Gabriel naman ang nag-introduce niyon sa kaniya.

Bumuntonghininga siya bago tuluyang pumasok sa gusali. Dumeresto siya sa elevator. Kinakabahan siya dahil hindi rin sigurado na papayag ang atty na ni-recommend ni Gabriel sa kaniya.

Bumukas ang elevator at agad siyang dumeresto sa law firm ni Charles. Nadatnan niya roon ang secretary ng lalaki.

"Nandiyan po ba si Atty. Charles Benitez?" tanong niya.

"Sino po sila?" nakangiting tanong ng babae.

"Gianna Fajardo," aniya. Kinakabahan siya dahil baka hindi siya papasukin. Kailangan na niyang makakuha ng abogado para sa kaniyang ama.

Mas lumawak ang ngiti ng magandang sekretarya matapos nitong tiningnan ang isang record. "Pwede na po kayong pumasok."

"Thank you," aniya at bahagyang yumuko.

Bumuntonghininga muna siya bago tuluyang pumasok sa silid. Nadatnan niya ang isang lalaking abala sa pagtingin sa hawak nitong record. Gwapo ito at halatang hindi nalalayo sa edad niya.

"Excuse me, atty," pukaw niya.

Naagaw niya ang atensyon nito. Nag-angat ito ng tingin sa kaniya at pinasadahan siya ng tingin.

"Ow! You're Miss Fajardo, right? Please come in and have a sit," anito.

Ngumiti siya at umupo sa bakanteng upuan sa harap ng table nito. Marahil sinabi na ni Gabriel kung sino siya at ang pakay niya roon dahil hindi naman niya ito kilala at alam niyang ito rin.

"Thank you, atty."

"Gabriel told me you're coming today kaya expected kong darating ka," masayang sabi nito. "Well, since I'm not busy today nahintay pa kita."

Nahihiya siyang ngumiti. "Sorry sa abala, atty. pero kailangan ko po talaga ng lawyer for my father."

"Gabriel told me everything, Gianna. Sinasabi mong real estate investment ang in-offer ni Oliver sa daddy mo, tama?"

Tumango siya.

"Well, this kind of case is not easy, Gianna lalo't wala tayong ebedensiya na scam ang investment na in-offer ni Oliver dahil pwedeng ang company where he invested went bankrupt."

Bumakas ang lungkot sa mukha niya. "P-pero nakakapagtaka naman na ang investment na in-offer ni Oliver magiging parang bula na naglaho. We lost millions at galing 'yon kay Oliver. Malakas ang loob ko na isang frame up iyon. And everyone who invested in that investment fraud blaming dad. Si Dad ang sinisingil nila habang si Oliver naman ang nagpakilala niyon sa mga tao," giit niya.

"Well, if that's the case you must file a solid evidence to prove your dad's innocent." Bumuntonghininga si Charles. "But I'm not expert in that kind of case, Gianna. I know, Oliver because h-he's good friends of mine."

Parang nalaglag ang kisame kay Gianna nang marinig ang sinabi ni Charles. Seriously? Pinaglalaruan ba siya ni Gabriel para i-recommend sa kaniya ang isang Lawyer na kaibigan ni Oliver?

Bagsak ang balikat na lumabas si Gianna ng gusali. Gusto niyang umiyak dahil pakiramdam niya pinaglalaruan siya ng lahat.

"Gianna is that you?"

Napalingon siya sa nagsalita at nakita niya si Rowan Tiu, ang isa sa mga kaibigan ni Oliver.

"Rowan," sabi niya saka ngumiti para maging approachable naman siya sa harap nito.

"What are you doing here?"

"May pinuntahan lang ako," dahilan niya.

"Can we eat somewhere?"

Pumayag na lang siya sa binata. Mabait naman kasi ito, hindi kagaya ni Oliver na isang demonyon sa kaniyang mga mata.

Sumakay siya sa sasakyan nito. May pinuntahan daw kasi si Rowan diyan sa malapit at saktong nagkita sila.

Huminto sila sa isang high class restaurant. Hindi naman nakakapagtaka dahil mayaman din ang pamilya ni Rowan. Pinagbuksan pa siya nito ng pinto at in-escort-an papasok ng gusali.

"So, kumusta ka na? Matagal-tagal na rin simula nang huli tayong magkita," ani Rowan matapos nilang um-order ng pagkain.

"I-I'm good," pagsisinungalin niya kahit hindi naman totoo.

"I heard what happened to your dad and to Oliver. I'm sorry for that."

"No, hindi mo kailangang mag-sorry. It's all because of Oliver," aniya na hindi naitago ang galit niya sa binata.

"So, mukhang hindi tatantanan ni Oliver ang family mo. I know you, Gianna at alam kong you're strong enough to fight for your dad." Marahan nitong hinawakan ang kamay niya at pinsil iyon. "Kung may maitutulong ako, you can tell me."

Bahagya niyang binawi ang kamay niya dahil naging uncomfortable siya bigla.

"T-thank you, Rowan but I'm fine."

"I'm just offering you a help but you can still refuse if you don't want to."

Ngumiti siya. Pasalamat na lang si Gianna at dumating na ang order nila. Nagsimula silang kumain. Sa mahabang relasyon nila ni Oliver, isa si Rowan sa malimit niyang makausap dahil nga friendly naman ito.

Habang kumakain siya, napatingin siya sa dalawang taong pumasok sa loob ng restaurant. Natigilan siya. Muling nabuhay ang galit niya.

"Hey, you ok?"

Hindi siya umimik at nanatili ang mga tingin kay Oliver habang nakakapit sa braso nito si Madison, ang fiance nito..

"What they're doing here?" nausal niya.

Lumingon si Rowan sa tinitingnan niya at nagulat din ito nang makita ang dalawa. Huli na dahil nakita na rin sila ng mga ito.

Naglakad ang dalawa palapit sa kanila. Napalunok siya. Hindi siya handa. Pinangarap din naman niyang maging fiance si Oliver dahil akala niya mahal na mahal siya nito pero noon na iyon. Nagpapasalamat na nga siya na hindi natuloy iyon.

"Rowan are you dating her?" bungad ni Madison na tila hindi natutuwa.

"Huh? I mean, if she accept me, why not," sagot ni Rowan.

Ramdam naman niya ang matalim na tingin ni Oliver sa kaniya. Galit ba ito o sadyang ganoon ito tumingin sa kaniya?

"We're not dating. Nagkataon lang na nagkita kami and we decided to eat here," paliwanag niya.

"Ow! Sayang naman, feeling ko pa naman bagay kayong dalawa," ani Madison.

Sadya ba talagang mapaglaro ang tadhana para kung nasaan siya, nandoon din si Oliver?

"You think so, Madison? Thank you," masayang sabi ni Rowan na tila hindi kinatutuwa ni Oliver.

"Are you crazy, Rowan? Ide-date mo si Gianna, she's ny ex," madiing ani Oliver.

"Why not? Ikaw na ang nagsabi na ex mo na siya, so you don't have a right to stop her from dating someone," balik ni Rowan na mas nagpatalim sa tingin ni Oliver.

"Are you insane? Rowan, don't you dare to date her," napataas na ang boses ni Oliver.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status