HUMINGA ng malalim si Gianna at inayos ang sarili bago tuluyang pumasok sa isang mamahaling restaurant kung saan magkikita sila ni Gabriel at ng abogadong hi-nire-d nito para humawak ng kaso ng kaniyang ama. Umaasa siyang mtutulungan nito na makalaya si Jose.
Pagpasok pa lang niya, natanaw na niya si Gabriel sa bahaging gilid ng malawak na restaurant. Napakagara ng disenyo ng silid at masasabi niyang expensive nga ang lugar at maging ang mga pagkain doon.
Ngumiti siya kay Gabriel. Iginiya pa siya nito sa bakanteng upuan.
"Order your food first, Gianna," aniya.
Ngumiti siya at kinuha ang menu. Nanlaki ang mga mata niya sa presyo ng mga pagkain doon. Sa state ng pamumuhay niya ngayon, hindi na niya afford ang ganoong ka-expensive na pagkain.
"Don't mind the price, just order the food you want," untag ni Gabriel. Alangan siyang ngumiti sa binata at binalik ang tingin sa menu.
Dahil nahihiya na rin siya, 'yong pinakamurang pagkain na lang ang in-order niya pero itong si Gabriel, dinagdagan pa iyon.
"Ang dami mo nang naitulong sa akin, Gabriel," nahihiya niyang sambit.
"Naniningil na ba ako?" seryosong tanong niya.
"Hindi ko nga alam kung paano ko mababayaran lahat ng naitulong mo sa akin. You helped mo so much at nahihiya na nga ako sa iyo. Hindi naman tayo masyadong magkakilala and yet you still choose to help me. Bakit, Gabriel?"
Ngumiti ito. "You want my answer? Gianna, the truth is I don't know too. Hindi ko alam pero gusto kitang tulungan and I believe that your dad is innocent." Bahagya itong kumiling. "I know the feeling, na pagbintangan at idiin sa kasalanang hindi mo naman ginawa." May bahid ng lungkot sa mga mata nito.
Kumunot ang noo niya sa narinig. "Have you experienced the same?"
"I don't want to talk about it." Seryoso itong tumingin sa kaniya.
Alangan siyang umiwas ng tingin. Kahit gusto pa niyang magtanong, hindi na lang niya ginawa. "Thank you, Gabriel. Pangako, kapag nakalaya na kami sa sitwasyong ito, kapag ok na ang lahat, babawi ako."
"Ok, I'll wait that to happen."
"Siya nga pala na-send mo na ba kay Atty. Robert ang files na binigay ko?" pagbabago niya sa usapan.
Tumango si Gabriel pagkatapos nitong uminom ng tubig. "I already sent the file to him. Pag-aaralan na lang niya lahat ng pwedeng magamit na ebedensiya to counter the accusations of others investors."
"Salamat talaga, Gabriel. You're angel sent by God."
Natawa ito. "Stop saying thank you, Gianna. Once is enough and I appreciate you."
Nahihiya siyang ngumiti.
"Habang wala pa ang pagkain, magre-rest room lang muna ako. Just wait me here. Nag-text na rin si Atty. Robert, malapit na raw siya, na-traffic lang."
"Sige." Tumango siya.
Ilang saglit pa ay may lalaking lumapit sa table nila. Sa tingin ni Gianna, nasa mid-thirties na ang lalaki.
"Excuse me, are you Miss Gianna Fajardo?" tanong ng lalaki.
Tumango siya. "Kayo po ba si Atty. Robert?" Tumango ang lalaki at ngumiti. "Maupo po kayo. Nasa rest room pa ho si Gabriel." Umusbong ang pag-asa sa puso niya.
Mayamaya'y bumalik na si Gabriel at saktong dumating na rin ang pagkaing in-order nila. Nagulat pa siya dahil parang ang dami niyon para sa kanilang tatlo.
"Kumain muna tayo bago natin pag-usapan ang case," anunsiyo ni Gabriel.
Nagsimula silang kumain. Sa mahal ng presyo ng mga pagkain doon, akma naman pala iyon sa lasa ng mga pagkain. Napakasarap ng mga iyon.
"Atty. Robert, how's the case? Ano sa tingin mo ang pwedeng ilaban natin sa kaso?" simula ni Gabriel matapos nilang kumain.
Malungkot na tiningnan siya ni Atty. Binalot siya ng kaba. "I'll be honest with you, Gianna hindi madaling ipanalo ang kasong e****a laban sa daddy mo. I reviewed the files and all the documents are legal. Lahat ng contract na nandoon ay may pirma ng daddy mo at kapag dinala natin iyon sa korte, isang malinaw na ang daddy mo ang promotor ng investment scheme na iyon. Wala tayong solid evidence to prove your dad innocence, na biktima rin siya ng investment scheme na iyon. Kapag nag-file tayo ng counter affidavit, siguradong doon pa lang, wala na tayong laban because we don't have any evidence to counter the accusations," mahabang paliwanag ni Atty.
Ang pag-asang pinanghahawakan niya kanina, utay-utay naglaho. Nanlumo siya sa mga narinig. Paano siya kukuha ng evidence para ipaglaban ang daddy niya? Na kahit ano'ng sabihin niya sa korte, hindi siya paniniwalaan dahil wala siyang hawak na katibayang inosente ang kaniyang ama.
Kasalanan lahat ito ni Oliver. He framed up her dad to get what he wants. Nakuyom na lang ni Gianna ang kamao dahil sa mas tumitinding galit niya kay Oliver.
"A-ano'ng pwede nating gawin? B-baka may magagawa pa tayo para malaman ng lahat na inosente si Dad. Na na-frame up lang siya sa investment scam na iyon, na hindi siya ang nang scam sa mga tao." Nagsisimula na siyang maluha dahil pakiramdam niya ang konting pag-asa, maglalaho pa.
"Gianna, hanggat wala tayong solid evidence to prove that, wala tayong laban at kahit ilaban natin sa korte, matatalo at matatalo tayo. The court always look for the evidence at hindi lang sa accusations and own opinions," sabi ni Atty. Robert.
"So, ano? Isusuko ko na lang? Hahayaan ko na lang na mabulok sa kulungan si Daddy? O kaya naman magtrabaho ako buong buhay ko para bayaran ang mahigit ten million na nawawala sa lahat ng nag-invest? F*ck! Paano ko magagawa lahat ng iyon?" Hindi na niya napigilan ang maluha. Wala na siyang alam na pwedeng gawin.
"Gianna, please calm yourself. Hindi porket wala tayong evidence, wala na tayong gagawin. May paraan pa, may magagawa ka pa to save your dad. Please, calm down. Makakahanap ka rin ng evidence na pwede nating magamit laban sa kanila."
Naramdaman na lang niya ang palad ni Gabriel na humahaplos sa likod niya. Pinapakalma siya nito dahil nagsisimula na siyang mag-panic. Natatakot siya sa katotohanang wala siyang magagawa.
"P-paano ako kakalma, Gabriel? Paano na si dad? Ang negosyo niya? Ang p-pamilya ko? Hindi pwedeng walang paraan at mas lalong hindi pwedeng walang gawin. Hindi ko kayang panoorin ang pamilya kong nahihirapan." Nagsimula na siyang humagulhol. Wala na siyang pakialam kung nasaan man siya. Natatakot siya. Nababahala. Naubos na ang pag-asa sa puso niya at wala na siyang maisip na ibang paraan.
"I'm here, Gianna. I'm here by your side. Tutulungan kita kung saan ang kaya ko."
WALA nang maisip na ibang paraan si Gianna para iligtas ang kaniyang ama kung 'di ang magmamaawa kay Oliver. Kung kailangan niyang ibaba ang pride niya, ang pagkatao niya, gagawin niya para sa kaniyang pamilya.Dire-diresto siya sa building na pag-aari ng pamilya ni Oliver. Wala na siyang pakilam sa sasabihin ng ibang tao. Nilunok na niya ang kahihiyan at pride.Sumakay siya sa elevator at pinindot ang 11th floor kung saan nandoon ang opisina ni Oliver. Sa tatlong taong pagsasama nila, hindi na rin naman niya mabilang kung ilang beses na siyang nakarating doon."Nandiyan ba si Oliver?" bungad niya sa secretary ng binata."Bakit po? Ano pong kailangan nila?" usisa ng babae."Hindi mo na kailangang malaman. Papasukin mo na lang ako dahil kailangan ko siyang makausap," masungit niyang sabi."I'm sorry po, Miss pero kung wala po kayong appointment hindi po kayo pwedeng pumasok sa loob."Bumuntonghininga si Gianna at bahagyang kumiling. "Miss please, let me in. Sandali lang ako sa loob. Im
PARANG binuhusan ng malamig na tubig si Gianna habang laglag ang balikat niyang lumabas sa silid ni Oliver. Hindi niya kayang gawin ang gusto nito, hindi niya ibibigay ang sarili sa demonyong katulad nito. Patuloy sa pagtulo ang luha sa kaniyang mga mata habang lulan siya ng elevator pababa ng building. Gusto niyang humagulhol at sumigaw dahil hindi na niya alam kung paano ang gagawin. Wala na siyang ibang maisip na paraan.Bumukas ang elevator at nagulat siya nang bumungad si Madison sa harap niya. Agad niyang pinawi ang luha sa kaniyang mga mata.Tinaasan siya ng kilay ni Madison habang palabas siya ng elevator."What are you doing here?" mataray na tanong nito sa kaniya."M-may pinuntahan lang ako, Madison," dahilan ko habang pilit inaayos ang hitsura ko."Guess what, you went to Oliver, right? Bakit? Para magmakaawang balikan ka? Come on, Gianna kahit anong gawin mo, hinding-hindi na siya babalik sa 'yo. Alam mo kung bakit? Wala na rin naman siyang mapapala sa iyo. Your family co
PAGMULAT ng mga mata ni Gianna, sumalubong sa kaniya ang liwanag na nagmumula sa bintana. Napakurap siya at umiwas ng tingin doon. Binalingan niya ang pwesto ni Gabriel pero wala na ito roon."You're awake."Napapitlag siya sa gulat nang biglang lumitaw sa harap niya si Gabriel. Nandoon pa rin ito?"G-Gabriel?" "Bakit mukhang gulat na gulat ka? You're not dreaming, Gianna," seryosong sabi nito."Why you're still here?" "Bawal ba? Aalis na—""No, I mean bakit nandito ka pa rin? Hindi ka ba busy?" Umiwas siya ng tingin dahil sa hindi niya alam na dahilan bigla siyang nailang sa mga tingin nito."I'm not here now if I'm busy, Gianna." Hindi pa rin nagbago ang expression nito. "How's your feeling?" pagbabago nito sa usapan.Tipid siyang ngumiti. "I'm feeling better now. May konting kirot pa pero ok na ako," sagot niya."I prepared your food. Kumain ka at uminom ng gamot."Tumalikod si Gabriel at pumunta sa maliit na table. Hinawakan nito iyon at hinila palapit sa kama."Thank you, Gabri
HANGGANG ma-discharge si Gianna hindi pa rin mawala sa isip niya ang lahat ng sinabi ni Oliver. Pinili na lang niyang huwag iyon sabihin sa kaniyang ina at maging kay Gabriel. Sa totoo lang, napapagod na siya. Hindi na niya alam ang gagawin o kung may magagawa pa ba siya para sa kaniyang pamilya."Hey! You ok? Kanina ka pang walang kibo," untag sa kaniya ni Gabriel habang lulan sila ng sasakyan nito pauwi sa bahay nila.Pilit siyang ngumiti."O-ok lang ako, Gabriel iniisip ko lang ang mangyayari pagkatapos nito. Saan na kami pupulutin kung pati ang posisyon ni dad sa company wala na rin?" malungkot niyang sambit. Kusang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata.Ayon kasi sa kaniyang ina na pinatawag sa board meeting, naglagay ng bagong CEO ang kompanya."A-anak, Gianna I'm sorry!" ani ni Nora na nasa backseat. Umiiyak na rin ito. "W-wala na akong nagawa para ipagtanggol ang dapat sa atin. Wala nang board of directors na gustong magtiwala sa akin, sa pamilya natin para pamahalaan ang kompa
"W-WHY? why it's happening to me, Stella?" patuloy na daing ni Gianna sa kaibigan niya. Mas dinudurog pa siya ng mg nangyayari sa pamilya niya. Hindi pa ba tapos? Kung mayroon pa man, sana isang buhusan na lang para hindi na siya mangamba sa mga araw na darating. "M-masamang tao ba ako? May...m-may inagrabyado ba ang pamilya ko para mangyari sa amin ito?" Halos hindi na siya makapagsalita habang hawak niya ang kamay ng kaniyang ina na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.Naramdaman niya ang hagod ng kamay ni Stella sa likod niya para i-comfort siya. "H-hindi 'yon ganoon, Gianna hindi ka masama at lalong hindi ang pamilya mo. Hindi ibig sabihin na nangyayari lahat 'to dahil masama ang pamilya mo, nangyayari ito para maging mas strong ka pa. P-para maging mas matibay ka sa buhay, para subukin ka kung hanggang saan ang kaya mong gawin para sa family mo and I do believe you can make it. Malalampasan niyo rin ito, makakawala ka rin sa sitwasyong ito at magiging masaya ulit because that's
"A-ANONG gingawa mo rito?" gulat na tanong niya nang bigla na lang pumasok si Oliver sa silid kung saan naka-admit ang kaniyang ina sa hospital."I'm here to witness your downfall, Gianna." Kumurba pa ang ngiti sa labi nito.Wala na ba talagang puso si Oliver? Napakahayop nito para maging masaya sa pinagdadaanan nila."At ano? Masaya ka na? Satisfied ka na ba sa nakikita mong paghihirap ng pamilya namin? Napakahayop mo, Oliver!" puno ng galit na sabi niya."Hayop? Sige, hayop na kung hayop pero hindi lang ako ang hayop dito, Gianna pero at least ako, hindi nagpapanggap sa harap mo," makahulugang sabi nito.Mas naging matalim ang tingin niya kay Oliver. Hindi niya maunawaan ang ibig sabihin nito."Kung wala ka nang ibang sasabihin, umalis ka na. Umalis ka na lang kung ipapamukha mo lang sa akin kung gaano ka-miserable ang buhay ko ng dahil sa iyo!" pagtataboy niya rito kasabay ng pagtulo ng kaniyang luha."You're blaming someone where in fact all of these are happening because of your
HINDI mapigilan ni Gianna ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso dahil sa labis na kaba nang bumaba siya sa isang hotel na sinabi ni Oliver kung saan sila magkikita.Nanghihina ang tuhod niya nang humakbang siya papasok sa gusali. Hindi pa man siya nahahawakan ni Oliver, nandidiri na agad siya sa sarili dahil sa pagpayag niya sa kagustuhan nito kapalit ng paglaya ng pamilya niya sa eskandalong sumira sa kanila.Nang tumungo siya sa counter para magtanong kung saang room nandoon si Gabriel, agad na siyang nakilala ng receptionist kaya agad siyang iginiya patungo sa room. Nasa 3rd floor iyon ng building.Huminga siya nang malalim at pumikit bago hinawakan ang doorknob ng pinto. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya. Wala na ba talagang ibang paraan? Umaasa siyang sa isang segundo, makakaisip siya ng mas mabuting paraan para mailigtas ang kaniyang pamilya pero wala. Wala na siyang ibang maisip kung 'di ibenta ang sarili kay Oliver.Nangangatog ang mga tuhod niya nang pihitin niya a
MAHIGPIT na yakap ni Gianna ang sariling katawan habang bumubuhos ang tubig mula sa shower kasabay ng luhang pumapatak mula sa kaniyang mga mata. Pakiramdam niya'y ang dumi-dumi niyang babae habang naaalala niya ang kamay ni Oliver na humahaplos sa kaniyang katawan at ang mapupusok na mga halik nito.Dahan-dahan siyang umupo sa gilid ng bathroom na iyon habang wala siyang saplot. Hinayaan niyang bumuhos lang ang tubig sa katawan niya para kahit pa paano malinis niya ang sarili mula sa maduming pagnanasa ni Oliver sa kaniya.Hindi na niya napigilan ang sumigaw sa labis na galit, hinanakit, sama ng loob at awa sa sarili. Wala na siyang magawa sa puntong naging desperada na siya."G-Gianna, are you ok?" narinig niyang boses ni Gabriel mula sa labas ng bathroom. Kanina pa itong nag-aalala sa kaniya.Hindi siya umimik. Mas niyakap niya ang sarili. "Ang dumi-dumi ko!" sigaw niya habang tinitingnan ang sarili. Naging marahas siya at pinaghahaplos ang katawan, umaasang sa pamamagitan niyon, m