"W-WHY? why it's happening to me, Stella?" patuloy na daing ni Gianna sa kaibigan niya. Mas dinudurog pa siya ng mg nangyayari sa pamilya niya. Hindi pa ba tapos? Kung mayroon pa man, sana isang buhusan na lang para hindi na siya mangamba sa mga araw na darating. "M-masamang tao ba ako? May...m-may inagrabyado ba ang pamilya ko para mangyari sa amin ito?" Halos hindi na siya makapagsalita habang hawak niya ang kamay ng kaniyang ina na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.Naramdaman niya ang hagod ng kamay ni Stella sa likod niya para i-comfort siya. "H-hindi 'yon ganoon, Gianna hindi ka masama at lalong hindi ang pamilya mo. Hindi ibig sabihin na nangyayari lahat 'to dahil masama ang pamilya mo, nangyayari ito para maging mas strong ka pa. P-para maging mas matibay ka sa buhay, para subukin ka kung hanggang saan ang kaya mong gawin para sa family mo and I do believe you can make it. Malalampasan niyo rin ito, makakawala ka rin sa sitwasyong ito at magiging masaya ulit because that's
"A-ANONG gingawa mo rito?" gulat na tanong niya nang bigla na lang pumasok si Oliver sa silid kung saan naka-admit ang kaniyang ina sa hospital."I'm here to witness your downfall, Gianna." Kumurba pa ang ngiti sa labi nito.Wala na ba talagang puso si Oliver? Napakahayop nito para maging masaya sa pinagdadaanan nila."At ano? Masaya ka na? Satisfied ka na ba sa nakikita mong paghihirap ng pamilya namin? Napakahayop mo, Oliver!" puno ng galit na sabi niya."Hayop? Sige, hayop na kung hayop pero hindi lang ako ang hayop dito, Gianna pero at least ako, hindi nagpapanggap sa harap mo," makahulugang sabi nito.Mas naging matalim ang tingin niya kay Oliver. Hindi niya maunawaan ang ibig sabihin nito."Kung wala ka nang ibang sasabihin, umalis ka na. Umalis ka na lang kung ipapamukha mo lang sa akin kung gaano ka-miserable ang buhay ko ng dahil sa iyo!" pagtataboy niya rito kasabay ng pagtulo ng kaniyang luha."You're blaming someone where in fact all of these are happening because of your
HINDI mapigilan ni Gianna ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso dahil sa labis na kaba nang bumaba siya sa isang hotel na sinabi ni Oliver kung saan sila magkikita.Nanghihina ang tuhod niya nang humakbang siya papasok sa gusali. Hindi pa man siya nahahawakan ni Oliver, nandidiri na agad siya sa sarili dahil sa pagpayag niya sa kagustuhan nito kapalit ng paglaya ng pamilya niya sa eskandalong sumira sa kanila.Nang tumungo siya sa counter para magtanong kung saang room nandoon si Gabriel, agad na siyang nakilala ng receptionist kaya agad siyang iginiya patungo sa room. Nasa 3rd floor iyon ng building.Huminga siya nang malalim at pumikit bago hinawakan ang doorknob ng pinto. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya. Wala na ba talagang ibang paraan? Umaasa siyang sa isang segundo, makakaisip siya ng mas mabuting paraan para mailigtas ang kaniyang pamilya pero wala. Wala na siyang ibang maisip kung 'di ibenta ang sarili kay Oliver.Nangangatog ang mga tuhod niya nang pihitin niya a
MAHIGPIT na yakap ni Gianna ang sariling katawan habang bumubuhos ang tubig mula sa shower kasabay ng luhang pumapatak mula sa kaniyang mga mata. Pakiramdam niya'y ang dumi-dumi niyang babae habang naaalala niya ang kamay ni Oliver na humahaplos sa kaniyang katawan at ang mapupusok na mga halik nito.Dahan-dahan siyang umupo sa gilid ng bathroom na iyon habang wala siyang saplot. Hinayaan niyang bumuhos lang ang tubig sa katawan niya para kahit pa paano malinis niya ang sarili mula sa maduming pagnanasa ni Oliver sa kaniya.Hindi na niya napigilan ang sumigaw sa labis na galit, hinanakit, sama ng loob at awa sa sarili. Wala na siyang magawa sa puntong naging desperada na siya."G-Gianna, are you ok?" narinig niyang boses ni Gabriel mula sa labas ng bathroom. Kanina pa itong nag-aalala sa kaniya.Hindi siya umimik. Mas niyakap niya ang sarili. "Ang dumi-dumi ko!" sigaw niya habang tinitingnan ang sarili. Naging marahas siya at pinaghahaplos ang katawan, umaasang sa pamamagitan niyon, m
Warning: SPG content a head. Read at your own risk!NAGISING na lang si Gianna nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Napakunot noo siya habang kinakapa sa bed side table ang kaniyang cellphone. Hindi pa siya nagmumulat ng mata, sinagot na niya ang tawag."H-hello," simula niya."It's me, Gabriel I prepared your lunch on the kitchen."Napamulat siya at biglang napaupo sa kama. Lunch? Tiningnan niya ang bintana at maliwanag na sa labas. Tumingin siya sa orasan at pasado alas-dose na ng hapon. Natulala siya at binalingan ang sarili. May saplot na siya at hindi na niya maalala ang nangyari nang nagdaang gabi sa pagitan nila ni Gabriel."W-what happened last night?" kinakabahan niyang tanong habang pilit inaalala ang nangyari. Wala naman siyang maramdamang kakaiba sa sarili. Kapagkuwa'y natampal niya ang kaniyang noo at napapikit sa hiya nang maalala niya ang ginawa at sinabi niya. Ganoon na ba siya kadesperada para ibenta ang sarili kay Gabriel?"Don't worry, Gianna nothing's happene
AGAD binuksan ni Gianna ang pinto ng silid na inuukupa ng kaniyang ina. Napuno ng pag-asa at saya ang puso niya nang sabihin ni Gabriel na gising na ito."M-mom!" Tumulo agad ang luha sa mga mata niya nang makita niya si Nora na nakasandal sa headboard ng kama habang may pagkain sa harap nito.Nilapitan niya ito at agad niyakap habang umiiyak."Mom, you're awake! Thank you!" puno ng emosyong sabi niya.Ngumiti si Nora at marahang hinaplos ang likod niya."Hindi kita iiwan, anak. Sasamahan kita sa laban natin, ok? Sama-sama tayong babangon ulit."Pumikit siya ng mariin. Nagi-guilty siya dahil sa nagawa niya. Alam niyang magagalit ang mga magulang ni Gianna kapag nalaman ng mga ito ang tungkol sa ginawa niya. "K-kumusta na po kayo? Wala na po ba kayong nararamdaman? Ok na ang pakiramdam ninyo? Wala nang masakit?" sunod-sunod na tanong niya nang humiwalay siya sa yakap. Sinuri niya ang katawan nito.Napangiti si Nora. "I'm fine, Gianna. Ok na ako kaya hindi mo na kailangang mag-alala. I
SUMASABAY sa bawat pintig ng masayang awitin ang katawan ni Gianna na nagbibigay sa kaniya ng satisfaction at sayang kailangan niya. Gusto niyang maglibang, aliwin ang sarili at maglasing. Nalaman kasi niyang ikakasal na ang ex-boyfriend niya sa taong tinuring niyang kaibigan.Nang mapagod siya, naglakad siya palayo sa gitna ng dance floor at dahil sa tama ng alak, hindi na niya maintindihan ang paligid. Naglakad lang siya nang biglang nawalan siya ng balanse at umasang babagsak sa matigas na sahig pero naramdaman niya ang brasong pumulupot sa baywang niya. Nanliit ang mga mata niya at napakapit sa dibdib ng ekstrangherong iyon."F*ck!" aniya. Nag-angat siya ng tingin. "Y-you saved me Mr. handsome." Kahit nahihilo na siya, gwapo pa rin ang tingin niya sa binata. "Ikaw ba ang ex-boyfriend ko? Nandito ka ba para sunduin ako and to get back at me?" Ngumiti pa siya habang sinusundot ng daliri niya ang makinis at malambot na mukha ng binata."You're drunk, Ms. Fajardo.""I know b-but not
"HOW could you do this to my family, Oliver?" galit na sabi ni Gianna mula sa kabilang linya nang sagutin ni Oliver ang tawag niya. "Oww! Hindi mo man lang ba ako kukumustahin? Aren't you miss me?" Nakikita niya sa isip ang ngisi nito na mas lalong nagpapagalit sa kaniya. "F*ck, Oliver! Don't play around dahil matagal na tayong wala so please let my family go. Alam kong pakana mo ang investment scam na iyon para isisi kay daddy ang lahat and what? What do you want from me?" Nasuklay niya ang kaniyang buhok. Narinig niya ang pagtawa ng nasa kabilang linya. "I lost millions, Gianna at hindi pwedeng walang gawin. Your dad will pay me or he will go to jail," banta nito. Nakagat niya ang pang-ibabang labi. "He's innocent, Oliver at alam mo 'yon. You, ikaw ang pumain para kagatin ni dad ang pinahiram mong pera for what? For you to control him? To control me?" "I was just being kind to your family, Gianna. Your family needs money at binigyan ko kayo out of my kindness." "No, Oliver y