Share

Chapter 17: he tricked me!

AGAD binuksan ni Gianna ang pinto ng silid na inuukupa ng kaniyang ina. Napuno ng pag-asa at saya ang puso niya nang sabihin ni Gabriel na gising na ito.

"M-mom!" Tumulo agad ang luha sa mga mata niya nang makita niya si Nora na nakasandal sa headboard ng kama habang may pagkain sa harap nito.

Nilapitan niya ito at agad niyakap habang umiiyak.

"Mom, you're awake! Thank you!" puno ng emosyong sabi niya.

Ngumiti si Nora at marahang hinaplos ang likod niya.

"Hindi kita iiwan, anak. Sasamahan kita sa laban natin, ok? Sama-sama tayong babangon ulit."

Pumikit siya ng mariin. Nagi-guilty siya dahil sa nagawa niya. Alam niyang magagalit ang mga magulang ni Gianna kapag nalaman ng mga ito ang tungkol sa ginawa niya.

"K-kumusta na po kayo? Wala na po ba kayong nararamdaman? Ok na ang pakiramdam ninyo? Wala nang masakit?" sunod-sunod na tanong niya nang humiwalay siya sa yakap. Sinuri niya ang katawan nito.

Napangiti si Nora. "I'm fine, Gianna. Ok na ako kaya hindi mo na kailangang mag-alala. I
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status