Share

Prologue: Save

PROLOGUE

Save

I can still remember that precious moment in my life.

"Kung ayaw mo talaga sa umpisa pa lang, ipapaalala ko sa'yo na pupwede ka pang umatras. Hindi mo kailangang umako ng pangako ng iba para lang sa kasiyahan nila," umalingawngaw ang boses ni Kuya Kenneth sa tenga ko habang nilalagpasan ang iba't ibang klase ng tao sa indrustriyang kinabibilangan ng pamilya namin.

Hindi ko kailanman inisip na ang isang ganitong klase ng araw ay darating sa akin, o sa aming lahat. At first, it was happy. It was okay for me. Planado naman ang lahat, e. Nakaayon sa gusto ko at alam kong tama.

Again, it was happy at first. I thought I already have my own fairytale-like life. Masyado kong niluod ang sarili ko sa pantasya ng aking kompletong pamilya, buhay estudyante, kaibigan at bawat bagay sa buhay ko.

"I'm happy with your decision. I'll support you, Arra."

At ang lahat ng mga maliligayang araw ko na pinlano at binuo, mukhang matitigil na sa araw na ito.

Nilakad ko ang distansya mula sa harapan habang lumuluha, sinusubukan kung matatanggal ba nito ang lahat ng nakikita ko ngayon. Ang lahat ng nangyayari, mga palakpakan, ang bulaklak na hawak ko, ang pari na naghihintay sa akin... at ang lalaking iyon.

He's looking directly to me.

"I'm so sorry, Arra. Ito ang gusto ng Daddy mo na mangyari sa iyo. You need to marry him for the sake of our business-"

Hindi magkanda hinto ang luha ko sa pagtulo. Hindi pa ako nasasaktan ng ganito kahit noon pa. Tanging ngayon lang! Kung noon ay nakakayanan ko pa na patawarin ang mga magulang ko dahil sa hindi pagsubaybay sa akin dahil sa aming business, ngayon ay hinding-hindi na!

"Papaano ako, Ma?! What about my decision on this one?! Bakit padalos-dalos kayo nagdesisyon at hindi niyo ako tinanong manlang!" I cried, sobrang nasasaktan na sa mga pangyayari.

"Arra...hija, I'm sorry but you need to obey your father in this one! Kahit naman ako ay ayaw ko! But our family needs it! We need their power and money! Alam mo na dahil sa sakit ng Daddy mo ay hindi na siya nakakapagdesisyon ng maayos. Nalulugi na ang negosyo natin!"

Patagal nang patagal ay nalulunod na ako sa mga luha ko. Pahirapan na rin sa paghinga.

I'm angry! Galit na galit ako! Galit na galit ako ngayon sa kanila!

"Nalulugi na ang kompanya, Arra. And... the Villamor family? They offered help! Ang perang ipinahiram sa atin ay inangat ng kaunti ang kompanya sa pagkakabagsak. Pero hindi iyon sapat!"

Lumapit si Mama sa aking kama. She's trying to catch my arms. Pagalit na iniwas ko iyon sa gawi niya.

"Arra Bethany, I'm so sorry. I'm so sorry, hija. Hindi ko alam ang gagawin kung makikita ko ang lungkot sa mga mata ng Kuya Kenneth mo at Daddy dahil nawala ang pinaghirapan nilang dalawa. Hindi ko alam ang gagawin anak...hindi ko alam..."

"How about me? Paano naman ako, Ma? Hindi niyo rin ba naisip ang nagising reaksyon ko? You're selfish! Lahat kayo!" sigaw ko.

"Your words! Arra!" singhal sa akin ni Daddy.

Pero hindi ako matitinag roon. Walang salita ang kayang makapagpatibag ng sakit na nararamdaman ko ngayon!

Humihikbi na rin si Mama. I know that my words are too harsh, pero hindi ko na inisip pa iyon dahil nasasaktan na ako ng sobra!

"Anak, para sa atin rin naman ang lahat ng ito! Para sa iyo! Para sa future mo!" iyak ni Mama.

What a load of crap!

"This isn't for me! This isn't for my future! Para lamang ito sa sarili niyong mga interes! At hindi para sa akin! Wala namang para sa akin kahit noon pa man-"

Isang malakas na sampal ang nagpatigil sa akin sa muling pagsasalita. Isang sampal... mula sa aking Daddy. Isang masakit, nakapanghihinang sampal ang nagawang pahintuin ang mundo ko sa pag-ikot.

Hindi ako spoiled. Iyon ang isa sa mga totoong sinasabi ko naman sa lahat. Hindi naman talaga ako nanghihingi ng kung ano man mula sa mga magulang ko. Kasi, sila ang madalas magbigay sa akin, kasama pa ang Kuya Kenneth ko. From bags to shoes and to accessories! Name it!

I'm not a spoiled brat girl but I can say that, I can have everything that I want. Kahit naman hindi ko kailangan at hindi hinihingi sa kanila.

And at that point of my life, akala ko na ang pag-ibig ay masusukat sa mga ganuong bagay: sa mga nakukuha ko kahit naman ay hindi hinihingi. Sa mga mamahaling gamit, na malay ko ba, kung sa lahat ng iyon ay may nakasiksik na pagmamahal galing sa kanila.

Masyado yata akong sinanay na ang pag-ibig ay ang pagbibigay ng kahit ano kahit hindi ko naman kailangan upang mapunan ang mga panahon na kailangan ko sila at hindi ko sila mahagilap.

Ganu'n ba talaga iyon...ang pagmamahal para sa kanila?

Okay, I get it. Naiintindihan ko naman ang lahat. I'm the weakest in the family. Hindi ko nga naman talaga alam ang kalakaran ng negosyo namin. Wala akong magagawa doon. Kahit pa maka-graduate na ako ay hindi ko maipapangako na magiging produktibo ako sa kompaniya. Magiging pabigat lamang ako roon.

Baka nga ay maibagsak ko pa ang sariling kompaniya. Wow, imagine that, Arra! Napakahina mo talaga!

"We're selfish, huh? Sige, isipin mo na ang gusto mong isipin! Kung hindi mo nakikita ang kahalagahan ng ginagawa namin sa'yo, labas na ako roon! Wala na akong magagawa at wala akong pakialam!"

Matalim ang tingin sa akin ni Daddy. My world stopped after that slap. Wala na siya sa tabi ng umiiyak pa rin na si Mama. Nasa harapan ko na siya, at pinapakalma ni Kuya. Halos natigil ako sa paghinga sa nangyari.

Hindi ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwala!

He pointed his finger to me. "Yes! We're selfish! We are your selfish parents! Hindi ba ganuon ang tingin mo sa amin ng Mommy mo, huh!? Hindi ba!?"

Nananakit na ang mga mata ko dahil sa pag-iinit nito. Hindi ko na rin marinig ang sariling tibok ng puso.

Mukhang gumuho na rin ito kasama ng mga pangarap ko.

"Bakit hindi na natin lubos-lubusin pa! Because from now on, wala ka na talagang magagawa sa gusto namin ng Mommy mo! Ipapakasal kita kaagad kapag nag-eighteen ka na!" kumislap ang kaniyang mga mata dahil sa pigil na luha.

Masyado nila akong sinanay sa ganuong klase ng pagmamahal. Sa pagtanggap sa mga bigay nilang regalo para pampalubag-loob.

Sinanay ako sa pagtahimik at 'di na pagsasalita pa. Sa pagtatanong. Sa patuloy na pagtanggap. Sa patuloy na pag-ahon. Sa patuloy na pagpapatawad sa kanila. Sa pagkimkim ng sakit. Sa pagtatago ng luha.

Sa araw-araw. Palagi.

But now, I already know what I really want. What I really want to have. To claim.

And it is freedom...that peace of mind.

Gabi ng araw ring iyon, sa katahimikan ng dilim, umalis ako ng mansyon. Alam ko na hindi ito ang solusyon sa problemang kinahaharap ko at mas lalo lamang ako mahihirapan kung magkataon.

But, the hell I care anymore! Damn, wala ng matino na dahilan para hindi ko gawin ito. Dahil wala ng mas sasakit pa sa ideyang ibinenta ako ng mga magulang ko para sa kapakanan ng aming kompaniya!

I danced, party and enjoyed the whole night. Hindi naging mahirap sa akin ang makahalubilo sa club na pinuntahan ko dahil naroroon rin naman ang ilang schoolmate ko. Kahit ang mga kamag-aral ko rin noon sa nagdaang batch ay kasama ko sa party.

Kung hindi nila ako pagbibigyan sa gusto ko, well, ganuon rin ako!

Hindi ko sila pagbibigyan sa gusto nilang mangyari!

Sumayaw lamang ako at nagpakasaya. Hindi ko nga lang alam kung totoo ba talagang winala ng mga ilaw sa club at maingay na tugtog ang aking mga iniisip.

"Hey! Is it true that you're getting married?" pero may iilan talagang kakilala ang hindi napigilang makiusyoso.

"Uh...H-Hindi," tipid kong sagot.

"Narinig ko kasi iyon kay Mommy nitong nakaraan lang. Nalulugi na nga raw kayo, hindi ba? So, your parents decided to marry you to a-" kaagad akong lumayo sa dancefloor. Hindi na kinaya ang mga tanong nila.

Okay, naiirita na ako. Hindi dapat ganito, e. Hindi dapat ako ang sumasagot sa mga tanong nila. I'm supposed to have fun! Dapat nagsasaya ako rito at hindi nagsasagot sa mga problema na sila mismo ang may gawa!

That Villamor... imposibleng hindi niya alam ito! He's not innocent here! Alam ko na ngayon ay alam niya na ang tungkol sa pagpapakasal sa kaniya!

That jerk!

Pero bakit wala siyang ginagawa?! Bakit parang tahimik ang kabilang pamilya tungkol rito?! They didn't know what are the plans of my father in their money! Hindi ba sila aware na magigigipit sila dahil sa amin?!

Hindi ba sila na-inform na gagamitin namin sila para sa aming sariling kompaniya? At ang anak nila, ipapakasal sa akin! Kahit hindi naman ako kilala! Hindi pa naman ako nakikita!

Well, I'm sure that I'm beautiful. Walang duda iyon. Kung hindi ko man siya nakikita noon pa pero siya ay oo, wala akong pangamba sa mukha at katawan ko. I'm slender but, hey! Kaya kong sumabak sa mga babaeng may perpektong katawan!

I don't have that big and bouncy boobs, pero maganda naman ako!

Wala siyang talo sa akin, no! I can cook and clean, too! Hindi siya dehado kung sa akin siya maitatali!

If he's handsome, then...uh, that's good! If it is not, well, okay lang. Maganda pa rin naman ako.

Wait, woah! Damn you, Arra! Nakakadiri ka! Ano ba 'yang mga pinag-iisip mo?! Akala ko ba ay ayaw mo ngang maikasal?!

May hinala ako na maaaring nagkakilala na kami o nakita niya ako sa mga meetings or business gatherings. Baka kilala niya na ako! Nakita niya na ako!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status