Share

Kabanata 45

Napasinghap ako nang dumikit ang katawan niya sa mukha ko. Hindi ko maintindahan ang nararamdaman ko. Lalong nag-init ang buo kong katawan.

"Fred, ano ba?" Sinubukan niyang lumayo, kasabay ng sinabi niya.

Hinila niya rin ang kamay niya. Pero imbes na bitiwan ko siya, tumayo ako at hinapit ang baywang niya.

Sandaling nanigas ang katawan niya at nanlaki ang mga mata. "Ano ba b-bitiwan mo nga ako, Fred," sikmat na naman niya, pero nauutal.

Nagsimula na rin siyang magpumiglas at pilit binabaklas ang kamay kong mahigpit na nakalingkis sa baywang niya.

Hindi ako nagsalita. Tumitig lang ako sa namimilog niyang mga mata. Nakalapat na rin ang mga palad niya sa dibdib ko habang tinutulak ako. Parang takot na dumikit ang katawan niya sa akin.

Para akong nawala sa katinuan. Sa kada tulak niya, sa kada paki-usap niya, mas lalo ko lang diniin ang katawan ko sa kanya at mas lalo ko lang nilapit ang mukha ko sa mukha niya.

"Fred, ano ba? Lumayo ka nga!" singhal niya, kasabay ang pag-iwas ng mukha
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Analiza Macabinguil
npaka OA nya maarten.matad aqo mag Basa ng ganito kweto n wla k kwenta 2.maiinis k lng
goodnovel comment avatar
sweetjelly
He he he...
goodnovel comment avatar
smiley
OA naman sa pa hard to get to si Gwin hahaha
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status