Sabay nalaglag ang panga ni Gwin at Patrick. Kung kanina ay sobrang kabado ako. Ngayon ay medyo. Kumalma na. Namula ba naman ang mukha ni Gwin. Sinong puso ang hindi kakalma.Napangiti ako. Ang cute niya. Hindi na maisara ang bibig at hindi na rin natuloy ang pagbasa sa sulat ni Widmark. "Sira-ulo ..." pabulong na sabi ni Patrick, matapos ang sandaling pagkabigla, nahimasmasan din at napailing pero bumusangot ang mukha at kumuyom ang kamay."Pinasasabi ng Anak natin," paglinaw ko sa sinabi ko. Pero ngiti ko ang tamis. Kasing tamis ng labi ni Gwin. Kumunot ang noo niya. Turo ko na ang papel na hawak niya. "Go ahead, read it," dagdag ko pa.Napalunok at napakurap siya. Paano naman kasi, sa sobrang tuwa ko sa hitsura niya ngayon na parang nakakita ng gwapong anghel, napakindat na rin ako, sinabayan ko pa ng ngiting nakakalaway sa tamis. "Pinsan, I think you should go ..." madiing sabi ni Patrick. May tingin na tinataboy ako. "You know what, I think I should take a day off today," sabi
Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na magtanong kay Tonyo. Kaagad na kasi nitong sinara ang pinto. Napatayo ako. Nag-iisip kung sino ang magsusundo sa Anak ko. Si Gwin ba o si Patrick? Alam ko naman kasi na ayaw lumabas ni Gwin ng mansyon. Takot siya na may makakita sa kanya na kakilala. Takot din siya na malaman ng ibang tao na may Anak kami.Hindi ko rin maintindihan ang babaing 'yon minsan. Dapat ako 'yong umaakto ng gano'n kasi pagnalaman ng iba na may Anak na ako. Hindi na ako makaporma sa iba. Ang problema naman kasi kanya, mas binibigyan niya ng importansya ang sasabihin ng ibang tao. Hindi ko naman maaalis 'yon sa kanya. Pero kasi, handa naman akong itama ang pagkakamaling nagawa namin. Pero ayaw niya akong hayaan. Ang arte, ang OA, pero gusto ko nga siya. Kaya kahit maarte at praning siya, hindi ko na siya aatrasan. "Papa Fred ..." Kaagad akong napatayo nang tawagin ako ng Anak ko. Lumapit ako sa couch kung saan siya nakahiga. "Anak, do you need anything?" tanong ko.
Ngayon lang ako nanigas ng ganito. Nagkagulo ang utak ko nang dumiin pa lalo ang mukha at katawan ni Gwin sa akin. Sigurado akong rinig na rinig niya ang mga kabayong nagsitalon sa loob ng dibdib ko.Akmang ilalayo ko siya pero hinawakan niya ang suit ko. Tingin ko nga, gusto na rin niyang sumuot sa loob ng suit ko."S-sorry ... Sir Fred," utal na paghingi ng paumanhin ni Jessa. " 'Wag kang lumayo ..." bulong niya. Kapit na kapit pa rin sa suit ko.Akmang lalayo na naman kasi sana ako. Kahit kasi gusto ko naman itong ginagawa sa akin ni Gwin. Bawal naman 'to. Inappropriate tingnan. Ako bilang boss, nahuli na may kalandiang babae sa loob ng opisina at may kasama pang bata. Nilingon ko si Jessa. Para pang nanigas ang leeg ko at hirap akong lumingon. Nagsenyas ako na ilagay sa table ang pagkain. Kaagad namang sumunod si Jessa. Kasunod ko namang tinuro si Widmark na ngising-ngising habang nakatingin sa amin ng Mama niya.Nagsenyas ako na lumabas sila at dalhin muna si Widmark. Tumango-t
GWIN POV Hawak ko ang kamay ng Anak ko at kalmadong naglakad sa malawak na lobby ng hotel. Mangilan-ngilan lang din ang mga tao na nakikita namin. Kaya kampante akong walang makakakilala sa akin. 'Tsaka balot nga ang mukha ko at naka-sunglasses pa. Nilibot ko pa ang paningin sa paligid. Ang dami na ngang nagbago sa loob sa hotel. Pati ang mga empleyado ay hindi ko na kilala maski ang mga mukha nila. Walong taon na nga rin kasi ang lumipas mula no'ng huling tapak ko rito. Napatingin ako sa Anak ko at napangiti. Dito nga kasi siya nabuo. Dito ko nagawa ang isang pagkakamali na sinubukang kong takasan. Pero ngayon, alam ko na kailanman ay hindi ko na magagawang takasan pa ang nangyari."Anak, ngumiti ka naman." Pinag-swing ko ang kamay namin ng Anak ko. Sinubukan ko siyang lambingin. Nakasimangot pa rin kasi. Ayaw pa nga kasi sana niyang umuwi. "Magkikita pa rin naman kayo ng Papa mo mamaya pag-uwi niya, Anak, ngumiti ka na please—""Sorry—" bulalas ng babaing nakabangga sa akin."O
FRED POVWala akong ka imik-imik habang sakay ng kotse pauwi sa bahay. Pero pansin ko ang tuwinang pagsulyap sa akin ni Tonyo, mula sa rare-view mirror. Alam kong gusto niyang alamin kung ano ang nangyari kanina. Pero walang lakas ng loob na magtanong dahil alam niyang magagalit lang ako lalo. Nakarating kami sa mansyon na walang nangyaring usapan. Hindi ko na nga nagawang magtanong sa kung ano ang nangyari sa site visit nila kanina. Si Gwin kasi ang inaalala ko. Ang nararamdaman niya. Sobrang inis ko nga sa nangyari kanina, siya pa kaya.Naging usad pagong lakad ko nang datnan ko ang buong pamilya sa living room. Masayang nag-uusap. "Magandang gabi po," bati ko sa lahat pero kay Gwin napako ang paningin ko. "Papa Fred." Kaagad tumayo ang Anak ko at binigyan ako ng mahigpit na yakap at malutong na halik. Kaagad din siyang bumalik sa pagkakaupo sa pagitan ng Mama niya at ng pinsan ko na hindi maalis ang tingin sa akin. Lalo na ang mga magulang ko. Naningkit pa ang mga mata nila.
"Sira-ulo? Sira na nga talaga ang ulo ko dahil sa'yo. Nagawa ko ngang magpasapak, ma pa ban ko lang si Brent sa hotel. Gano'n kita ka mahal, Gwin. Handa akong magpasapak maprotektahan ka lang." Humakbang ako palapit sa kanya. Pero kada hakbang ko, sumasabay din ang pag-atras niya. Animo takot na mahawakan ko. "Fred, lumabas ka na please," pabulong niyang pakiusap, sabay lingon sa Anak namin na bahagyang gumalaw."Bakit ka ba takot, Gwin? Wala naman akong gagawin sa'yo. Gusto lang naman kitang makausap ng masinsinan—""Usap lang naman pala ang gusto mo, bakit ni lock mo pa ang pinto? Kung hindi ka ba naman sira-ulo," putol niya sa pagsasalita ko kasabay pa rin ang dahan-dahan na pag-atras. " 'Tsaka Fred, hindi naman 'to ang tamang lugar para mag-usap—""Hindi tamang lugar? Lahat naman, hindi tama para sa'yo, Gwin. Kaya ka nga laging umiiwas, hindi ba?" Matiim ko siyang tinitigan na pilit niya pa ring iniiwasan. Gan'yan nga siya, ang galing umiwas. "Maski nga ang mga tingin ko, pilit m
Tumabingi ang leeg ko nang tumama ang malakas na suntok sa bibig ko. Muntik pa akong mawalan ng balanse. Pero imbes na magalit ako dahil sa ginawa ng pinsan ko na umaapoy ang mga mata sa galit, ngumiti pa ako. Para nga kasi akong nanaginip kanina, bati na raw kasi kami ni Gwin. Sa sobrang tuwa ko nga nagnakaw pa ako ng halik."Ang sakit," nakangiti kong sabi habang hawak ang labi kong pumutok na naman, saka ko naman hinarap ang pinsan kong nagtagis ang bagang. "Gago ka! Anong ginagawa mo sa kwarto ni Gwin?" pabulong ngunit nanggagalaiti niyang tanong. Duro niya pa ako.Mapang-asar akong tumawa. "Ano ba sa tingin mo?" kagat ko pa ang pang-ibaba kong labi matapos sagutin ang tanong niya."Tarantado ka—"Akmang susugurin na naman niya ako pero kaagad akong umatras. Napasandal ako sa pinto ng Kwarto ni Gwin.Nagtaas ako ng dalawang kamay. "Hindi ako lalaban, Pinsan." Halos pabulong kong sabi. Hindi ako makikipag-away dahil alam kong magagalit na naman si Gwin."Patrick, Pinsan, ayoko ko n
Bumilog ang mga mata ni Gwin nang maglapat ang mga labi namin. Hindi niya tinugon ang halik ko pero ang sarap pa rin lalo't hinayaan niya lang ako. Hindi ko alam kung dahil sa gulat o dahil nagustuhan niya ang halik ko."Sir—" Biglang sulpot ni Nana Puring na kaagad tumalikod nang makita kami.Kaagad naman akong tinulak ni Gwin, natatarantang lumayo sa akin, at wala sa isip naglakad kung saan. Hindi ko mapigil ang tumawa."Gwin, saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong ni Nana Puring. "Sa kwarto po, matutulog," balisa niyang tugon."Ah, matutulog ... sa C.R?" natatawa kong sabi. Nag-angat siya ng tingin. Kagat ko ang labi at hindi siya nilubayan ng tingin. Nanunukso naman ang ngiti ni Nana Puring. Natiim niya ang labi at muling yumuko. Namula ang mukha. Hindi ko naman maawat ang tumawa. "Sus, Gwin 'wag ka nang mahiya. Wala naman akong nakita—""Talaga po?" bigla tanong nito sa matanda. Paulit-ulit na tumango si Nana Puring. Pero pigil ang pagngiti. Napapapikit pa at napatiim labi. "A