Share

Kabanata 6

Kagat ko ang aking kuko habang patuloy ang pagtaas-baba ng aking paa habang hinihintay ang text ni Eli. Sabi niya ay siya na ang magch-check ng records ng owner sa apartment building ni Roscoe kung nagsasabi ba talaga ng totoo ang lalaki.

Gustuhin ko man na ako mismo ang mag check ngunit nahihiya na akong mag leave at ipasa ulit kay Manny ang mga gawain ko.

"Nurse Aya, may problema ba?"

Napatingin ako kay Nurse Wilma, ang aming head nurse na kakarating lang ngayon. Kaagad akong ngumiti at umiling.

"Wala po," sagot ko at ibinalik na ulit ang tingin sa phone.

"Hindi ka na ba ina-acid?" tanong pa nito.

"Uhm... Hindi na po. Thank you po sa pag-aalala," sagot ko, nasa phone pa rin ang tingin.

"Mabuti naman. Pero mas mabuting ipa-check mo na rin 'yan kay Dr. De Zarijas mamaya."

At sa isang iglap ay nabitawan ko ang cellphone ko at mabilis na bumaling sa kaniya. Nagulat din siya sa naging reaksyon ko kaya naman kaagad ako nagpeke ng tawa at napakamot sa aking ulo.

"D-Dr. De Zarijas po?" tanong ko at baka nagkamali lang ako ng dinig.

Dahan-dahan niyang inilapag ang mga gamit niya habang may pagtataka pa rin sa akin.

"Oo. Siya ang bagong head surgeon natin. Galing pa 'yon sa ibang bansa kaya baka totoo ang usap-usapan na magaling nga ang batang 'yon," pag-kwento pa niya.

Napakagat naman ako sa aking labi.

Limitado lang ang internet dito sa probinsya kaya siguro lingid sa kaalaman nila na galing sa magagaling na doctor na pamilya si Roscoe. Hindi lang usap-usapan dahil totoong magaling talaga siya.

"Bakit po napunta siya rito?" pag-usisa ko, umaasang kahit papaano ay may masasagot sa mga katanungan ko.

"Hindi ko rin alam. Pero mabuti nalang at napunta siya rito dahil kulang tayo sa surgeon."

Bigong ibinalik ko na lamang ang atensyon sa phone ko nang magsimula nang asikasuhin ni Nurse Wilma ang mga gagamitin niya sa araw na 'to. Hindi ko alam kung sasang-ayon ba ako sa kaniya o hindi dahil hindi ko gusto ang presensya ni Roscoe rito!

Nanlaki naman ang mata ko nang mag pop up na ang text ni Eli.

From: Eli

Nagsasabi ng truelalu ang lolo mo. Last week pa nga si Roscoe dito.

Napabuntong-hininga na lamang ako.

So, hindi niya nga kami sinusundan. Kung bigla na lamang kami lilipat ni Anya, hindi kaya ay makahalata siya? At kung lilipat kami, saan naman? Bukod sa area namin ay iyon lamang ang apartment na malapit lamang sa Hospital na 'to.

Kaya siguro doon din lumipat si Roscoe para malapit sa Hospital.

I nodded. Kinuha ko na ang gamot ko sa bag at ininom ito. Wala dapat ako ikatakot. Hindi malalaman ni Roscoe na anak niya si Anya. At lalong hinding-hindi niya makukuha sa akin ang anak ko.

"Can you start an IV on the patient in bed five?" ani ko kay Nurse Precy nang magsimula na sa trabaho.

"Yes, Nurse," sagot nito at agad na lumapit sa bed na iyon.

Tiningnan ko pa ang ibang patients at nang masigurong stable naman na ang mga conditions nila ay sinara ko na ang chart ko at nginitian si Nurse Precy.

"Please update me the patient's chart in bed five with the latest vitals. Thank you."

"Yes, Nurse Aya."

I pat her back and smiled. Aalis na sana ako ngunit pareho kaming natigilan nang biglang sumigaw sa sakit ang pasyente sa bed three.

"N-Nurse! Tulong! A-Aray... A-Ang sakit ng d-dito ko! Ahh!" sigaw nito habang namimilipit sa sakit sa abdomen niya.

Kaagad akong lumapit doon at tiningnan ang vitals niya. Normal naman ang vitals niya pero bakit sumasakit ang abdomen niya?

"What's happening here?"

Muntik akong mapatalon sa gulat nang marinig ang boses ni Roscoe sa likuran ko. Kaagad akong tumabi at binuksan ang chart ko.

"D-Doc, the patient is complaining of severe abdominal pain. H-His vitals are n-normal but..." Nang mahanap ang chart ng pasyente ay mabilis kong binasa ang past records niya. "...he has a history of Crohn's disease."

Tiningnan niya rin ang vitals ng lalaki at tinanong ito ng ilang impormasyon tungkol sa nararamdaman ngunit tanging pagsigaw lamang ng lalaki sa sakit ang nasagot nito.

He sighed. "Alright. Order a CBC. Let's also get an abdominal X-ray and start him on IV fluids," he ordered.

"Yes, Doc!" sabay naming sagot ni Nurse Precy at kaagad na pumunta sa aming ward. Sinalubong agad kami ni Nurse Wilma at tinanong ang kailangan namin na kaagad naman niyang inasikaso.

Bumalik na ako sa room at kasama na ang isang nurse na lalaki. Pinanood ko silang i-transfer sa isang bed ang patient upang bigyan ito ng CBC at dalhin ito sa X-ray lab.

Pinakalma ko na lamang ang mga iilang pasyente sa parehong room na nagulantang at medyo nagpanic para sa condition ng kapwa nila pasyente. Habang pinapanood naman si Roscoe na seryoso sa trabaho ay hindi ko mapigilang mamangha.

Parang dati lang ay madalas sa bar at hotel kami magkita ngunit ngayon ay sa Hospital na at bilang ganap na nurse at doctor pa. Dati ay tanging pilyong ngisi at malokong pag-iisip ang nakikita ko sa kaniyang mukha ngunit ngayon tila... ibang Roscoe na ang nasa harapan ko.

He's now a man. A grown up man! Ni hindi ko na nga makita ang mapanlarong ngisi sa labi niya dahil madalas ay seryoso siya at tutok sa ginagawa niya. Na tila ba wala na siyang panahon sa pakikipagbiruan at seryoso na siya sa buhay na tinatahak niya!

"Doc, the patient in Room 5 is refusing treatment. He's agitated and won't let anyone near him." Update ng isang nurse sa kaniya.

Kakatapos lang ng lunch break ngunit narito ako sa aking table at pinapanood si Roscoe sa counter habang nagch-check siya ng kaniyang chart.

Nilingon niya ang nurse na babae at kaagad akong napairap nang makitang namula ang nurse.

"Okay, I'll talk to him. Prepare a mild sedative just in case, and make sure security is on standby," seryosong sagot naman sa kaniya ni Roscoe.

"O-Okay, Doc..."

Napairap ako ulit nang pakendeng-kendeng pang umalis ang nurse para sundin ang utos ni Roscoe. Malandutay lang? Ngayon lang nakakita ng poging doctor sa Hospital na 'to?

Napa-heads down na lamang ako sa aking table nang umalis na si Roscoe. Hindi man lang ako nakapag lunch break kakanood kay Roscoe at sa mga nurse na panay ang lapit sa kaniya, kainis! Talaga namang sa Hospital pa nakuhang maglandi?!

"Tok tok."

Napabangon naman ang ulo ko nang ilang minuto ang lumipas ay may kumatok sa mesa ko. Pagkatingala ko ay bumungad sa akin ang nakangiti na si Doc Russell.

"Doc Russell! Napadalaw ka ulit sa ward namin?" nakangiting tanong ko. Mukhang napatulog na naman niya sa lullaby niya ang mga pasyente niyang bata.

"Magde-deliver lang," sabay taas niya sa supot ng plastik na naglalaman ng pagkain na galing sa kilalang fast food chain.

"Wow! Tamang-tama hindi pa ako nagl-lunch. Kaya sa'yo ako, Doc Russell, eh!" biro ko sa kaniya na ikinasamid naman niya. Tinawanan ko na lamang siya at kinuha na ang pagkain.

"Hay... Sinasabi ko na nga ba at hindi ka na naman nag lunch break, Nurse Aya," maya-maya'y sabi niya.

"Nakalimutan lang, Doc..." pagdepensa ko.

"Kaya ka bigla-bigla inaatake ng acid, eh. Lagi kang nagpapalipas ng gutom."

I smiled.

"Sobrang concern naman, Doc. Baka akalain kong gusto mo ako, ha?" biro ko and as usual ay kinurot niya ang pisnge ko na ikinatawa ko.

"Ayan ayan. Diyan ka magaling, ang paasahin ako!" biro niya rin na mas lalo kong ikinatawa. Halos hindi ko na tuloy malunok ng maayos ang chicken joy.

Nagtatawanan pa kami nang may biglang umubo sa harapan namin. It's Roscoe, standing so tall while looking at us. Kulang nalang ay patayin niya kami sa sama ng titig niya.

"Oh, bro!" bati ni Doc Russell sa lalaki.

Napaayos naman ako ng upo at nagpatuloy sa pagkain. Napatingin naman ako sa kaninang nurse na lumapit sa kaniya na hanggang ngayon ay kasama pa niya at nasa likuran niya lamang habang patagong sinusukat ang likuran niya.

Tsk! Kulang nalang ay kumuha siya ng tape measure at isakal niya na lamang sa sarili niya dahil walang pinipiling lugar ang kalandutay niya! Ke-bago-bagong salta...

"Can we talk, Russell?" Roscoe asked while still looking at me with his dark hawk like eyes. Anong problema niya?!

"Of course!" nakangiting sagot sa kaniya ni Russell at nauna nang lumabas ng ward.

Ipinako ko na lamang ang tingin sa pagkain ngunit laking gulat ko nang may maglapag doon ng kape. Pagtingin ko ay nakaalis na si Roscoe kasama ang nurse niya na nagtatakang nakatingin din sa kapeng nasa table ko bago hinabol si Roscoe.

"Para saan naman 'to?" nagtatakang tanong ko at tiningnan ang cup of coffee. Gano'n na lamang ang gulat ko at pagkaramdam ng hiya nang makita ang nakasulat dito.

Stop staring at me. I can feel your eyes.

– R

akosipraluemn

Crohn's Disease is an inflammatory bowel disease that causes chronic inflammation of the GI tract, which extends from your stomach all the way down to your anus. Happy reading! And please interact with me para ganahan si Ms. A mag-update, hehe. Thank you! :)

| 5

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status