Share

Kabanata 11

"Ang intense makatingin!"

Muntik na ako mapatalon sa aking upuan nang biglang sumigaw si Manny pagkapasok ng ward namin. Paniguradong tapos na rin ang shift niya dahil nililigpit niya na ang mga gamit niya.

"Bet mo ba 'yan si Dr. De Zarijas? Kanina pa masama ang tingin mo sa kanila nung bagong nurse, ah?" Nakangisi na si Manny nang lingunin ko ulit siya.

Nanlaki ang mata ko. I scoffed. "Ha! A-Ako? May gusto sa doctor na 'yan? Baka ikaw? Atsaka may anak na ako! Wala akong panahon para magkagusto pa sa kahit sino at mas gugustuhin ko nalang–"

"Ay, ang daming sinabi? Tunog defensive 'yarn?" Mas lumawak ang ngisi sa labi ni Manny habang ang mga mata ay nanunuksong nakatingin na sa akin.

What the... Mas lalo ko lang ata siyang napasaya dahil sa naging reaksyon ko. Tunog defensive ba talaga ako? Hindi naman, ah! I'm just telling the truth! O... truth nga ba?

"Ikaw, ha... Nakakahalata na ako!" Nanlalaki ang mata niya habang nakaturong lumapit sa mesa ko habang sukbit na ang mga gamit niy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status