Share

Kabanata 4

“What?! Roscoe is in your hospital?!” 

Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Eli nang sumigaw siya matapos ko ikwento sa kaniya ang nangyari kahapon sa Hospital. Alas sais na ng umaga at oo, inabot na kami ng umaga kakainom at ka-kausap tungkol sa lalaki. 

Kakauwi niya lang kasi kaninang alas tres ng umaga galing Laguna at imbis na magpahinga ay nag-aya pang mag-inom ang gaga. Dahil hindi rin naman ako papasok sa Hospital ngayong araw ay pumayag na lang din ako. 

“Huwag kang maingay at baka magising si Anya!” suway ko sa kaniya. 

“Oh, shit. S-Sorry!” pasigaw niyang bulong. 

Napabuntong-hininga na lamang ako at bumalik sa pagkakasandal sa sofa. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa’kin ang mga nangyari kahapon. Kung tutuusin ay parang napakabilis ng mga pangyayari... 

Pero limang taon na ang lumipas simula ng huli ko siyang nakita. Mabilis pa rin ba iyon? Eh, sa limang taon na lumipas napakarami nang nagbago lalo na sa pisikal niya! He’s already 29 and I’m 27 when we first met in the bar and became fubu. Noon pa man ay agaw-pansin na ang kagandahang lalaki niya.

Magandang mukha na kahit sino sa daan ay pipiliing lingunin siya sa oras na makita siya. Maganda rin ang pangangatawan na kahit nasa malayo palang siya ay maglalaway na ang mga mata, mapa-babae man, bata o matanda, o kahit mga balikong lalaki. Maganda rin ang family history niya dahil galing siya sa mga kilalang doctor. Mayaman at may makamandag na tindig na pagnanasaan ng kahit sino sa kama.

Mabilis kong nilagok ang beer habang inaalala ang itsura niya kahapon.

“So... How was it? Now that you saw Roscoe again, ano na itsura niya? Mas naging yummy ba?” nakangising tanong ni Eli.

“Oo...” wala sa sarili kong sagot na ikinatili niya.

“Na-record ko! Aaahh! Yummy pala, ha! Aaahh!” tili ni Eli habang winawagayway ang cellphone niya at tumakbo palayo sa akin.

Nanlaki ang mata ko nang i-play niya ang pagsang-ayon ko sa kaniya.

“Eli! Isa! Burahin mo ‘yan!” Kaagad akong tumayo at hinabol siya ngunit ang gaga ay tumakbo rin palayo at pumasok pa sa kuwarto ni Anya!

“Yummy, yummy, yummy!” pang-aasar pa sa’kin ni Eli na ngayon ay nakatayo na sa kama kung nasaan nakahiga rin si Anya!

“Eli! Isa! Magigising mo si Anya!” pabulong kong sigaw at hindi nga ako nagkamali nang namulat ang mata ni Anya at inaantok na kinusot ang mata niya.

“Ops, the princess is awake...” nakangising ani Eli habang nakatkip sa kaniya bibig.

I rolled my eyes at her. “Ginising mo kamo,” inis kong sambit at nilapitan na ang anak bago pa ito umiyak dahil may topak pa ‘to pag bagong gising.

“Good morning, baby ni mommy...” I softly greeted her. Umupo ako sa kama at kaagad naman siyang umupo sa lap ko at niyakap ako ng nakapikit.

I smiled.

Sa loob ng limang taon ay ito na ang naging araw-araw kong umaga. Malayo sa mga umaga ko noon na isang text lamang galing sa isang lalaki ay mag-aayos na ako at magmamadaling pumunta ng hotel. Noon, iyon ang nagpapasigla ng umaga ko. 

Ngunit ngayon, si Anya na... ang maganda kong anak. Ang yakap niya ang nagpapasigla ng bawat umaga at araw ko. Ang dating batang inakala kong kamumuhian ko ang naging rason pa upang mas makaramdam ako ng kakaiba at nag-uumapaw na pagmamahal.

“Good morning, mommy... Aywabyu...” inaantok pang ani nito.

Lalo lamang ako napangiti. Hinaplos ko ang buhok niya at hinalikan ang matambok na pisnge nito.

“I love you, anak. Breakfast na ikaw?”

Tumango siya kaya naman kinarga ko na siya palabas ng kuwarto.

“Hay naku, kailan kaya ako magkakaanak? Gusto ko na rin ng good morning and I love you from a cute kiddo every morning!” pagpaparinig ni Eli na nakasunod sa likod namin.

I chuckled. “Huwag mo nga ako lokohin. Takot ka ngang mabuntis, eh.”

Nilapag ko si Anya sa sofa niyang cartoon at dumiretso na sa ref para tingnan kung ano pwedeng iluto para sa breakfast niya.

“Eh, kung kinaya mo naman magbuntis edi ibig sabihin kakayanin ko rin!” pag defend niya kahit na alam ko namang hindi siya seryoso.

“Sige, sabi mo eh.” Kibit-balikat ko na ikinanguso niya.

“Epal talaga mommy mo, Anya. Hug nga kay tita-ninang!” baling niya sa anak ko.

“Ayaw. Amoy-alak tita-ninang...” 

“Amoy alak din naman si Mommy pero ni-hug mo, ah?!”

“Love ko si Mommy, e.” 

“So, hindi mo love si tita-ninang?” nagkunwaring naiiyak na si Eli.

Napailing na lamang ako habang nagsisimula nang lutuin ang pancakes ni Anya. Habang hinihintay maluto ay nag toothbrush muna ako dahil ayokong lalong mag-amoy alak ang bunganga ko sa anak ko.

Ilang minuto lang ang lumipas ay natapos ko na ang pagluluto sa breakfast ni Anya. Inihanda ko na ito sa plato niya ngunit natigilan nang makitang ubos na ang chocolate syrup na siyang paborito niya sa pancakes.

“Eli, bababa muna ako sa grocery. Ubos na chocolate syrup ni Anya,” ani ko nang lapitan ko sila na ngayon ay abala na sa pagkukulitan sa sofa.

“Okay!” sabay nilang sagot bago bumalik sa pagkikiliti sa isa’t-isa.

Napangiti na lamang ako bago kinuha ang jacket ko at lumabas. Nang makarating sa elevator ay binuksan ko muna ang phone ko.

From: Manny

Ayos lang, ano ka ba! Ang mahalaga gumaling ka. Ako na muna ang bahala sa duty mo today basta may utang ka sa’kin ha!

Nakaramdam naman ako ng guilty nang mabasa ang reply ni Manny sa text ko. Nagsinungaling kasi ako na ina-acid na naman ako kaya naman nawala kami bigla ni Anya kahapon sa Hospital at hindi ako makakapasok ngayong araw. Mabuti na lamang ay mabait at maaasahan si Manny. Babawi nalang talaga ako sa kaniya sa susunod!

Pagkabukas ng elevator ay lumabas na ako ng apartment. Malapit lang naman ang grocery dito sa amin kaya nilakad ko nalang. Malamig pa ang simoy ng hangin at hindi pa tirik ang araw kaya ang sarap pa maglakad-lakad.

Nang makarating sa grocery ay dumeretso na ako sa section ng mga syrup. Kinuha ko na agad ang chocolate syrup at dumeretso sa counter.

“105 pesos, ma’am,” ani ng babae.

Kinuha ko naman ang wallet sa bulsa ngunit gano’n na lamang ang panlalaki ng mata ko nang walang makapa roon!

Shit! Nakalimutan kong dalhin yung wallet ko!

“Uh... Miss, balikan ko nalang. Naiwan ko kasi wallet ko...” nahihiya kong ani.

Napangiwi ang babae ngunit tumango rin siya.

“Sige po,” sagot niya bago inilagay ang syrup sa gilid. Aalis na sana ako ngunit isang lalaki ang humarang sa harap ko at ibinalik ang syrup sa counter kasama ang mga bibilhin niya.

“I’ll pay. Pakisama nalang sa groceries ko,” sambit ng lalaki.

Napasinghap ako ng marinig ang boses nito at gano’n na lamang ang panlalaki ng mata ko nang sa pag-angat ko ng tingin ay si Roscoe ang nakita ko!

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nagomi Oikawa
Si ex fubu na naman ...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status