Share

Kabanata 5

Mabilis na umakyat ang galit sa dugo ko.

“What the hell? Sinusundan mo ba ako?!” Hindi ko napigilan ang sarili at naisigaw ko iyon.

Nagsalubong ang kilay niya.

“I don’t know what you’re talking about,” malamig niyang sambit at nakuha pa akong igilid para hindi humarang sa counter!

Lalo pa akong nagpuyos sa galit!

“I don’t know I don’t know ka pa diyan! Nahuli kita kahapon na sinundan mo pa kami sa labas ng Hospital! Kaya umamin ka na! Sinundan mo kami hanggang dito ‘no?!” sigaw ko.

Umaga palang at mabuti na lamang ay kaming dalawa pa lamang ang customer dito kaya naman siguro malaya akong nagsisisigaw ngayon.

He shut his eyes na tila ba naririndi sa akin.

“Oh please... Aya. I did not,” sambit niya at minasahe ang bridge ng nose niya. Kapag ganiyan, alam kong naiinis na siya.

“Then why are you here?! Hindi ka naman nakatira dito, ah?!” 

“Then I’m sorry to disappoint you but I live here, Aya. And please... Can you please stop shouting?” he asked softly.

Natigilan ako.

Ano raw? Dito? Dito siya nakatira? Kailan pa? Bakit? At bakit dito pa?!

“Thank you, Sir,” ani ng babae matapos ibigay kay Roscoe ang plastik ng pinamili niya. Nakatitig pa ako ng masama sa babae nang makita ang pagkagat niya sa kaniyang labi upang pigilan ang hagikhik para kay Roscoe!

“Here. Your syrup.”

Tinanggap ko naman ang syrup ngunit gano’n na lamang ang gulat ko nang lagpasan ako nito at iwan na ako roon! Sumunod naman ako palabas ng grocery ngunit hindi ko siya hinabol.

Bakit ko naman siya hahabulin, aber?!

Habang naglalakad pabalik sa apartment ay nakatitig lamang ako sa likuran niya. He’s now even wearing a pajama pants and white t-shirt. Mukhang kakagising niya lang din dahil gulo-gulo pa ang buhok niya. 

So, it’s true that he’s living here, huh? Saan naman? Don’t tell me same apartment kami?!

At gaya ng iniisip ko ay huminto nga siya sa gate ng apartment building namin. Napahinto rin tuloy ako sa paglalakad nang lingunin niya ako.

“Is that for your daughter?” he asked.

Nagtaka pa ako nung una ngunit nang mapansin na syrup ang tinutukoy niya ay napatango ako.

“Favorite niya?” tanong pa niya.

Nangunot naman ang noo ko ngunit sinagot ko pa rin siya.

“Oo, mahilig siya sa chocolate.”

He fell silent.

Oo, Roscoe. Just like you, hilig niya rin ang matatamis lalo na ang tsokolate.

“I see...” Maya-maya’y sagot niya matapos matahimik.

Hindi naman ako umimik at napahawak na lamang sa syrup ng mahigpit. Papasok na ba ako ng apartment? Pero what if sinusundan niya nga kami? At what if sundan niya ako sa apartment room namin at bigla nalang siya sumulpot isang araw sa harap ni Aya?! What if–

“I live there.” 

Naputol ang pag-iisip ko nang ituro niya ang apartment building sa kabilang kalsada, tapat lamang ng apartment building namin.

“Kakalipat ko lang last week pa. You can check to the apartment owners records to check if I’m telling the truth,” dagdag pa niya na tila ba nabasa niya ang iniisip ko kanina!

“I-I see...” ani ko. “Sige, uwi ka na.” At uuwi na rin ako sa anak ko at magsisimulang mag-impake at lumipat ng bahay malayo sa’yo!

Akmang lalagpasan ko na sana siya nang bigla niyang hawakan ang braso ko. I bit my lips bago pinakawalan ito at hinarap siya.

“Bakit–“ Gano’n na lamang ang panlalaki ng mata ko nang bigla niyang ilapit ang mukha niya sa akin!

Suminghot siya – no! Inamoy niya ako!

“What the hell are you–“ 

“You smell alcohol.” 

I fell silent. Doon niya lamang binitawan ang braso ko at may kakaibang ekspresyon sa mga mata habang nakatitig sa akin. Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng guilt at takot.

“Is that good for your daughter? Ang mag-amoy alak ka sa umaga?” may galit at istrikto ang boses niya nang itanong niya iyon.

“Ano... A-Ano kasi... Kakauwi lang ni Eli from Laguna kaninang madaling araw a-and... Nag-aya siya m-mag inom kaya...” Maya-maya’y nangunot ang noo ko nang ma-realize ang ginagawa.

What the hell? Bakit ako nagpapaliwanag sa kaniya?! Sino ba siya?!

“So, you’re with Eli, huh. That’s good to know then,” maya-maya’y ani niya.

Kinagat ko ang labi ko, pinipigilan ang sarili na magsalita na naman ng kung ano sa lalaki! Damn, Aya! Get the hold of yourself! You’re already 31 for Pete’s sake! Limang taon na rin ang nakalipas ngunit bakit parang pusa ka pa rin kung matakot sa tuwing galit ang lalaki sa harapan mo?!

“Y-Yeah. P-Pasok na ako,” paalam ko at walang lingon-lingon siyang iniwan doon. Wala na akong pakialam kung alam niya na na katapat lamang ng apartment building niya ang tinitirahan namin ni Anya. Basta makaalis lang ako sa harapan niya.

Hanggang ngayon ay hindi ko kinakaya ang presensya niya. He’s... too much. Too much to handle.

Wala ako sa sarili nang makabalik sa apartment. Nilapag ko lamang ang syrup sa table at sumalampak na sa sofa. Napahawak ako sa aking kamay nang maramdaman ang panginginig nito.

“Oh, bakit ata parang nakakita ka ng multo?” tanong ni Eli na ngayon ay hawak na ang syrup at pinapakain na si Anya.

Kagat-kagat ang labi ay nilingon ko siya. Nang mapansin niya ang ginagawa ko sa labi ko ay nagseryoso ang kaniyang mukha.

“Anong problema, Aya?” seryoso niyang tanong.

Nanginginig ang labi ay napatingin ako kay Anya na ngayon ay abala na sa pagkain niya habang nanonood ng paborito niyang cartoons sa ipad niya.

Nagsimulang manubig ang mata ko.

Hindi kaya nahalata ni Roscoe kahapon na anak niya si Anya? Paano kung nagsisinungaling siya na last week pa siya nandito at sinundan niya talaga kami kahapon? Dapat ko bang i-check ang record ng apartment building nila? Paano nalang kung sinundan niya kami rito para... para kunin sa’kin si Anya? Paano nalang kung–

“Aya!” 

Sa isang sigaw ni Eli at pagyugyog sa akin ay nagising muli ako sa realidad at doon ko lamang napansin ang matindi kong panginginig.

“Anong problema? Tell me!” pabulong na sigaw ni Eli sa akin, iniiwasan maagaw ang atensyon ng anak ko.

Lumunok ako ng mariin. Napupuno ng takot ay tuluyang dumaloy ang mga luha sa aking pisnge.

“R-Roscoe is here... H-He lives here... H-He’s going to get my Anya f-from me...” 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status