Share

Kabanata 12

"Medyo mahapdi po ito, ha? Kailangan ito para mapigilan ang infection," malumanay kong ani habang ginagamot ang sugat ng pasyente.

Bagong umaga na naman sa Hospital. Pagkatapos ihatid si Anya sa school niya ay sabay pa kaming dumating ni Roscoe sa Hospital. Nagkatinginan lang kami bago ako naunang pumasok at gano'n ulit...

May awkwardness na naman sa pagitan namin.

I sighed. Hindi naman ata mawawala?

"Hindi naman mahapdi, neng," nakangiting ani ni Lola sa akin bago marahang hinaplos ang aking kamay. "May asawa ka na ba?"

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Nurse Precy sa gilid ko, hawak niya ang mga ointment na nilalagay ko sa sugat ni Lola. Napangiti na lamang ako.

"Wala po. May irereto po ba kayo sa akin?" pakikisabay ko. Hindi na kasi bago sa'kin 'to at may nakailang beses na rin sa'kin nagtanong ng ganito, matanda man o ka-edad ko.

"Ay, sayang naman! Sa ganda mong iyan, neng? Paanong wala?" tanong pa nito. Kinuha ko ang gauze kay Nurse Precy at maingat na ibinalot ito sa sugat
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status