Share

Kabanata 2

“Oh my gosh! Our baby princess is here!”

Natutuwa ko namang pinanood na tumakbo palapit si Anya sa mga kapwa ko nurse at iilang mga doctor na naroon sa aming area. Walang pasok ngayon si Anya at saktong nasa vacation si tita-ninang Eli niya kaya naman sinama ko na lang muna siya sa hospital. 

“Hello po, nurses and doctors!” tuwang-tuwa namang bati ni Anya na tumatalon-talon pa habang pinalilibutan siya ng mga kaibigan ko. 

“Sinama ko muna rito at walang magbabantay sa kaniya sa bahay,” ani ko habang nilalapag ang gamit ko at baon na gamit ni Anya sa aking table. 

“Naku, mabuti naman! At stress na stress na kami dito sa ward! Now that Anya is here, may magbibigay aliw na naman sa atin!” ani Manny, one of the nurses.

“Hay naku, paglalaruan niyo na naman ang anak ko...” ani ko habang nakaupo na at pinapanood sila. 

“Do you want lollipop, Anya?” tanong naman ni Doc Russell, isang pediatrician kaya naman laging may baong lollipop.

“Yes! I want wolipop!” bibong sagot ni Anya. 

“Then your wolipop is here! Eng...” Nilipad-lipad pa niya ang lollipop sa hangin bago ibinigay kay Anya. Napailing na lamang ako at hinayaan na sila laruin ang bata. 

Kinuha ko ang chart ko at sinimulang nang tingnan ang mga names ng patients na dapat kong i-check ang condition. Habang abala ay napansin ko ang paglapit ni Rue sa aking tabi. 

“Ang laki na ni Anya, ah...” panimula niya. 

I sighed. “Ano na naman, Rue?” tanong ko, nasa chart pa rin ang tingin. 

“Wala lang. Ang laki na ni Anya, “ kibit-balikat niya. “It’s been 5 years, ‘no? Balita ko ex mo bumalik na ng bansa–“

Sinara ko ang chart at walang emosyon siyang nilingon na ikina-tigil niya. 

“He’s not my ex. And please, Rue... Wala akong pakialam sa kaniya kaya huwag na huwag mo na ako babalitaan sa kaniya dahil–“

“But he’s also a Doctor and he’s the father of your child. Now that he’s back in our country what if–“

“What if ano? What if mag cross ang path namin at dito siya magtrabaho sa hospital natin? Tapos magkikita sila ni Anya? Gano’n ba?” putol ko na naman sa kaniya. 

“Yes!” puno ng sigla ang boses niya. Hindi rin nakatakas ang pagkinang ng kaniyang mga mata na tila ba nae-excite siya sa mga sinabi ko. 

Malalim akong bumuntong-hininga at napailing na lamang. 

“Kakapanood mo ‘yan ng mga telenovela sa tv,” ani ko at tumayo na. 

“Doc Russell, iwan ko na po muna si Anya dito, ha? Mag-iikot na po ako ng mga patients,” ani ko pagkalapit sa kanila. Patuloy pa rin sila sa pakikipaglaro kay Anya. 

“Sige, Nurse Aya. Isasama ko na lang sa office ko ‘to si Anya kapag natigil na ang mga asungot na ‘to sa pakikipaglaro sa anak mo,” sagot niya na ikinatawa ko. 

“Grabe ka, Doc! Mas busy ka pa nga sa’min kaya bakit mo ilalayo si Anya sa amin?!” ma-dramang ani Manny. 

“At isa pa, Doc. Hindi ka naman taga rito. Ward ‘to ng mga ER Nurse, nasa kabilang kanto pa ng hospital ang Pediatrics ward kaya ikaw chupe dito!” gatong naman ni Ria, isa pang nurse. 

“Aba’t–“ akmang sasagot pa si Doc nang matigil silang lahat nang magsimulang humikbi si Anya. 

I pouted as I watch my daughter’s eyes became teary. 

“Don’t fight po... Iiyak Anya...” she said softly na ikinahabag ng  mga kasama namin. 

I chuckled and kissed her head. 

“Thank you po, Doc and Nurses,” nakangiting ani ko bago iniwan na sila roon na sinusuyo ang anak ko. 

Habang tinatahak ang kahabaan ng hallway ng Hospital ay hindi ko maiwasang alalahanin ang mga sinabi ni Rue. Si Rue ay kasabayan ko lamang noong nag ojt palang ako sa hospital na ‘to. Hindi ko naman siya gano’n ka-close ngunit tila lahat ng tungkol sa akin ay alam niya... kahit na ang naging relasyon ko sa pinakakilalang doctor hindi lamang dito sa bansa kun’di sa iba pang bansa... si Roscoe.

“Balita ko ex mo bumalik na ng bansa...”

Napakapit ako ng mahigpit sa chart nang marinig ang boses ni Rue sa aking utak. I started biting my lips. The thought of Roscoe coming back to the country scare me the most. Paano nalang kung magkatotoo ang mga sinabi ni Rue kanina?

Pareho kaming nasa field ng medicine. Hindi imposible na mag krus ang landas namin. Pero! Pero maliit lang ang hospital namin at nasa province pa naka-destino. Imposible na ang bigating Doctor na kagaya niya ay made-destino sa Hospital namin! Tama! Isa pa, may sarili silang Hospital. Galing siya sa pamilya ng mga Doctor noon pa man kaya imposible rin na magkrus ang landas namin dito!

I do my breathing exercise everytime na aatakihin ako ng panic. Nang kumalma ay lumiko na ako sa kabilang hallway at pinasok ang room two.

“Good morning, Nurse Aya!” bati sa’kin ni Nurse Precy pagkapasok. She’s also busy checking the vitals of a patient.

“Good morning, Nurse Precy,” bati ko pabalik at dumeretso sa unang patient.

“Good morning, nay! Kumusta ang pakiramdam?” nakangiting tanong ko sa matanda.

“Aba’y ayos lang, neng. Medyo naaray pa rinn dito pero ayos lang!” nakangiting sagot nito kahit na medyo namumutla pa rin habang nakahawak sa dibdib niya.

“Pwede niyo pa bang i-rate in a scale of 1-10 kung gaano pa rin po sumasakit ang dibdib niyo?”

“8...” sagot niya.

“Hmm...” I sighed and record it. “Eh, ang paghinga niyo po? Nahihirapan pa rin po ba?” 

“Hindi naman na gaano, neng...”

I downward smile. “Weh? Hindi nga po, nay? Oo o hindi lang po,” ani ko.

She chuckled. “Oo... pero hindi naman na kasinglala ng dati, neng.”

“Mabuti naman po. Lagi niyo pong iinumin ang gamot na ibibigay sa inyo ni Nurse Precy, ha? At oo nga pala–“ Kaagad akong tumunghay kay Nurse Precy na nilingon naman ako agad. “Napainom mo na ba siya ng morning meds niya?” tanong ko.

“Ah, opo pero hindi po ako ang nagpainom,” sagot niya.

Nangunot ang noo ko.

Kung hindi siya, sino?

“Huh? Sino naman–“ hindi ko pa man naitutuloy ay dalawang pares na ng sapatos ang namayani sa loob ng silid. Lahat kami ay napalingon sa bagong dating at gano’n na lamang ang panlalaki ng mata ko nang makita kung sino ito.

“Good morning, Dr. De Zarijas!” bati ni Nurse Precy sa lalaking bagong dating.

Hindi siya pinansin ng lalaki at nagtuloy-tuloy lamang ito sa paglalakad. Halos tawagin ko ang lahat ng Santo nang makitang papalapit ito sa direksyon ko!

And with last two steps, he stopped in front of me, standing rugged elegance... just like five years ago.

“Ako ang nagpainom... Nurse Aya,” he said coldly, his mature and deeper voice sending chills down my spine.

No... This can’t be... Hindi pwede ‘to! Bakit siya nandito?! Anong ginagawa rito ni Roscoe?!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status