Share

Kabanata 3

Mabilis kong binuksan ang gripo at kaagad na naghilamos ng mukha pagkarating ng banyo. Paulit-ulit kong binasa ang mukha habang nanlalamig ang buong katawan ko. 

Sigurado akong hindi ako namamalikmata kanina. Kahit na limang taon na ang nakalipas ay hindi ako pwedeng magkamali! That’s him! That’s Roscoe De Zarijas! My fuck buddy five years ago and the father of Anya! 

“Nurse Aya? Ayos ka lang po ba?” 

Natigil ako sa paghihilamos nang marinig ang boses ni Nurse Precy. Sinundan niya pala ako rito pagkatapos ko tumakbo palabas ng room two. 

Sinara ko ang gripo at buntong-hiningang kumapit sa sink. Nang buksan ang mata ay tumambad sa akin ang namumutla kong mukha maging ang labi kong nagdudugo na dahil sa sugat. 

“I-I’m okay, Nurse Precy...” sagot ko habang hinahabol pa rin ang paghinga. 

“I told you. He’s back.” 

Hindi pa man nakaka-recover ay nanlilisik kong tiningnan sa salamin si Rue na nasa pintuan ng banyo at bagong dating lang ngunit nasisiguro kong kanina pa talaga siya nariyan at nasaksihan niya ang nangyari kanina. 

“But you never told me that he.is.here.” may diin sa mga huling salitang sinambit ko. 

Nagkibit balikat siya. “Mag what if palang kasi ako to give you foreshadowing pero inunahan mo na ako, eh?” sagot niya na tila ba walang big deal sa nangyayari.

Napapikit ako sa galit.

“Sino po ba ang sinasabi niyo? Si Dr. De Zarijas po ba?” inosenteng tanong ni Nurse Precy sa amin. We both look at her.

“Ah, oo, Precy. Lingid kasi sa kaalaman mo itong si Nurse Aya ay dating kafu–“

“Rue!” sigaw ko na ikina-tigil nilang dalawa.

Hinaglit ko ang tissue sa gilid at pinunasan ang mukha ko. Nagtitiim bagang ay hinarap ko si Rue na ngayon ay tila natahi ang bibig habang pilit tinatapangan ang sarili na nakatitig sa akin.

“Tabi. Kung ayaw mong kaladkarin kita paalis sa paningin ko,” kalmado ngunit may bahid ng panggigigil at galit na ani ko.

Kaagad naman siyang tumabi. Umirap ako at nilagpasan na siya ngunit muli rin akong huminto at nilingon siya na ngayon ay pinapaypayan na ang sarili niya habang nakangisi sa inis.

“And one more thing, Rue,” ani ko na ikinalingon niya sa akin. “Alam kong tsismosa ka na talaga noon pa but I was kinda thankful dahil kahit papaano ay hindi ka matalak sa mga nalalaman mo. Pero sa oras na ibuka mo ‘yang bibig mo at banggain mo’ko at ang anak ko... magtago ka na.”

She gasped. At wala akong pakialam kung inaakala niyang tine-threatened ko siya dahil totoo naman. Kahit i-demanda pa niya ako, ayos lang! Magdemandahan kami kung gano’n! 

Huwag lamang siyang magkakamali sa mga salitang bibitawan niya dahil talagang tatapyasin ko ang dila niya sa oras na makarating sa anak ko ang mga salita niya!

And speaking of Anya... Fuck!

Kaagad akong tumakbo pabalik ng ward nang maalalang iniwan ko lamang doon ang anak ko. Kakakita ko pa lamang sa ama niya at ang katotohanang nasa iisang lugar kaming tatlo ay ikamamatay ko sa oras na magkita silang dalawa!

“I’m sorry!” hingi ko agad ng paumanhin sa mga nabangga ko pagmamadali. 

Pagkarating sa ward ay kaagad kong hinanap si Anya ngunit mga nakaupo na sa kanilang table ang mga kasamahan ko. 

“Si Anya ba? Nandoon! Kinuha ni Doc Russell! Letche, nilalaro pa namin yung bata, eh!” Nakabusangot na sabi ni Manny nang madatnan ako. 

Hindi na ako sumagot at tinakbo na ang daan patungo sa Pedia ward. Nadaanan ko ang room two at lalo kong binilisan ang paglagpas doon sa takot na baka makita ko na naman ang lalaki. Hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan kung bakit siya narito at mukhang wala akong oras para alamin iyon ngayon. 

Kailangan kong mailayo rito si Anya! 

Hinahabol ang hininga ay narating ko ang pintuan ng office ni Doc Russel. Humugot ako ng malalim na hininga at kinalma muna ang sarili. Nang humupa na ang dibdib ko ay binuksan ko na ang pintuan. 

“Doc Russell, kukunin ko na po si Anya–“ 

Pagkabukas ng pintuan ay imbes na si Doc Russell ay likod ng isang pamilyar na lalaki ang tumambad sa akin. He’s squatting, smiling while letting my daughter putting cute clips on his hair. 

Oh, God... No... Why are you doing this to me? 

“Anya,” malamig kong tawag sa aking anak. 

Mabilis na lumingon sa akin ang anak ko. 

“Mommy!” 

Halos mapapikit ako nang isigaw niya iyon. Sa pagkakataong ito, ang tanging iniisip ko lang ay kung ano ang tatakbo sa isip ng lalaking nasa harapan niya nang marinig niya ang itinawag sa akin ng bata. 

“Look! I have a new fwend doctor! He’s pwaying with Anya!” tuwang-tuwa sambit sa akin ni Anya habang nakangiti sa lalaking nasa harapan niya. 

Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib habang nakikita kung paano niya ngitian ang lalaking nasa harapan niya. 

Anya... That’s your father, anak... At hindi mo dapat siya nginingitian dahil hindi niya deserve makita kahit ang anino mo dahil wala siyang kwentang ama.

“Anya, let’s go na. We’re going home.” Hindi ko na siya hinintay na sumagot at kinarga ko na siya. 

“But Mommy, karating palang ah? And I’m pwaying pa with Doctor...” nakangusong ani Anya.

Kahit na madaling makaramdam ng awa sa anak ay kinuha ko ang bag niya na nasa table ni Doc Russell at tinalikuran na ang lalaki roon na nanonood lang sa aming dalawa. Ang katahimikan niya ang lalong nagdadala sa akin ng takot sa mga tumatakbo sa isip niya ngayon!

“We will play sa house, okay? Don’t cry, baby...” tahan ko sa anak ko. Pagkahawak sa door knob ay akmang aalis na nang isang kamay ang humawak din doon at pinigilan ang pagbukas ko ng pinto.

“Aya...” I heard his voice behind me! He’s behind me and my daughter! 

Nilingon siya ng anak niya ngunit hindi ko siya nilingon. Pinilit kong buksan ang pintuan ngunit mas humigpit ang kamay niya sa kamay ko at ayaw talaga kami palabasin!

Fuck, Roscoe! You left five years ago! Bakit ka pa bumalik?! 

“Who’s that kid? Is she your daughter?” tanong pa niya.

Mas lalo lamang kumabog ang dibdib ko at tila nagkaroon ng karera rito. Maging ang tuhod ko ay nagsimulang manginig sa takot at pakiramdam ko sa oras na magtagal pa kami rito ay matutumba ako.

Is she my daughter? Yes... She is OUR daughter, Roscoe!

“Mommy?” maya-maya’y sinilip ni Anya ang mukha ko.

Hinawakan niya ang labi ko na ngayon ay kagat-kagat ko. Natatakot ako ngunit ngayong nakikita ko ang mukha ng anak ko ay tila may kung ano sa akin na nagbigay ng tapang at rason kung bakit hindi dapat ako matakot sa lalaking ito.

Because after all he’s not the father of my child. And he will never be. Sa loob ng limang taon ako lamang ang tumayong magulang ni Anya. And I’m her only mother... and her father!

Huminga ako ng malalim at hinarap si Roscoe. Nabitawan niya rin ang door knob, and he’s now looking at me... wearily. Palipat-lipat ang tingin niya sa akin at kay Anya at sa bawat paglipat niya ay unti-unting umaawang ang labi niya.

Tila ba kahit hindi ko na sagutin ang tanong niya ay alam niya na ang sagot.

“Oo, she’s my daughter. At wala kang pakialam,” matigas kong sagot at bago pa niya kami mapigilan ay mabilis akong lumabas doon.

Tinakbo ko na ang palabas ng hospital sa takot na baka sundan niya kami. Kaagad akong pumara ng taxi at mahigpit na niyakap si Anya nang makaupo at makaalis na roon. Nilingon ko pa ang Hospital at gano’n na lamang ang panlalaki ng mata ko nang makitang lumabas si Roscoe at mukhang hinabol niya nga kami!

Roscoe, limang taon ka nang walang pakialam sa amin ng anak mo kahit nung araw na bigla na lamang ako nawala sa buhay mo. Hinanap mo ba ako? Hindi. Dahil para sa’yo simpleng ka-fuck buddy mo lamang ako na binabayaran.

Kaya please... ipagpatuloy mo na lamang ang pagkawalan mo ng pakialam dahil hinding-hindi kita hahayaang lumapit sa anak ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status