Share

Chapter 42

Amber Pov

Papasok na ako sa kuwarto namin nang tawagin ni Karen ang pangalan ko. Sinundan pala niya ako papunta rito sa aming kuwarto. Nakasimangot na nilingon ko siya.

"Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya. Halatadong napipilitan lamang ako na kausapin siya.

"Aminin mo sa akin, Amber. Alam mo na bumagsak ang laruang ipis ni Pao sa isa sa apat na dala mong baso na may lamang iced tea ngunit nagkunwari kang hindi mo ito napansin. Pagkatapos ay siniguro mo na sa akin mapupunta ang basong may ipis para ako makainom niyon, di ba?"

Pumalakpak ako ng mahina dahil nahulaan niya ang ginawa ko kanina. Akala ba niya ay siya lamang ang marunong mag-isip ng scheme? Well, nagkakamali siya. Dahil marunong din ako niyon. Ngunit siya ang nag-umpisa kaya hindi niya ako dapat sisihin.

"Magaling ka, Karen. Nahulaan mo ang totoong nangyari," nang-iinis na ngisi ko sa kanya.

"How dare you scheme on me!" galit na sigaw ni Karen. Tinangka niya akong sampalin ngunit mabilis kong nasalag ang kanyang kamay.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status