Paulit-ulit sa isipan ko ang naging pag-uusap namin ni Mateo.
Pilit kong inilalagay ang sarili sa sitwasyon niya, at sa tuwing naiisip ko iyon ay alam kong hindi ko kakayanin. I can't imagine growing up without feeling loved.
Pero sa nakikita ko ngayon ay malakas siya. Masaya pa itong makipag-usap sa mga magsasaka na animo'y walang kahit anumang problemang iniinda. Propesyonal nga talaga siyang tunay.
Natapos namin ang paglilibot sa dalawang plantasyon sa umaga at ngayong hapon naman ay dumayo kami sa pinakamalawak na taniman sa isla.
Halos lahat ay nagsisimula na sa pagsasaayos ng lupang pagtataniman, kasabay nang paglalagay ng bakod sa paligid.
"Sa susunod po na linggo ay maipapadala na ang mga punla dito." Narinig kong sabi ni Mateo sa mag-asawa. Inasikaso niya na pala iyon habang wala ako sa opisina.
Bago kami pumarito ay dumaan na din kami sa lokal na komunidad na siyang mag-su-supply ng natural na pataba sa lupa. Malaking t
Kinabukasan ay maagang umalis si Mateo upang bisitahin ang kan'yang ina. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang samahan si Ginang Lorie sa pagpapagawa ng arko.Alam kong malabo na magustuhan ito ng kan'yang ina dahil mataas ang pag-asa nito na Hacienda Miraflor ang maipapangalan sa kan'ya.If only I had the ability to do so, I would change it to her name. But I have a great deal of affection and respect for Arman's parents, and even more so for Arman himself. I understand how important hacienda is to him, even if it's just a name.Hindi nga lang ito isang pangalan. Ang Hacienda Miraflor ay simbolo ng pagmamahal ni Don Victorino sa kan'yang pinakamamahal na asawang si Doña Miraflor."Sino ba si Amelia?" Ipinagpasalamat ko na ngayon lamang ito itinanong ni Ginang Lorie sa akin at hindi kahapon kung saan kasama namin si Mateo.Hindi naman ito isang surpresa para sa kan'ya. Sigurado lamang ako na tatanggi siya dito, kaya upang huwag na ka
Pakiramdam ko'y lumulutang ako kinabukasan, hindi dahil literal na nasa ere kami sakay ng helicopter, kun'di dahil halos dalawang oras lamang ang naging tulog ko.Tinapunan ko ng tingin ang paper bag na aking dala. Sa loob nito ay naroon ang bagong gawang tsokolate.Maghahating-gabi na ako nakauwi kagabi sa bahay dahil tinapos ko ang lahat ng gawain bilang paghahanda sa pagpunta namin ng Isla Benito ngayon. Imbes na matulog kaagad ay gumawa muna ako ng tsokolate sa bahay. Hinintay ko pa itong tumigas bago ko ibinalot."Are you okay?" tanong ni Mateo sa akin nang mapagtantong pumipikit-pikit na pala ako.Nasa sasakyan na kami ngayon patungo sa resort. Si Manong Elmer ang sumundo sa amin."Oo." Kasabay ng pagsagot ko ay ang paghikab ko."Sorry," paghingi ko ng paumanhin sa kan'ya. Hindi ko na nakita ang reaksyon niya dahil sumandal na ako sa headrest ng upuan at pumikit.Malayo-layo pa naman ang byahe. Makakatulog pa ako.
Hindi matigil si Mateo sa pasasalamat sa akin hanggang kinabukasan. He was so happy and I am also happy to see that."I cooked breakfast for you," aniya habang isa-isang inilalatag sa lamesa ang mga niluto niyang agahan.Sa mansyon natulog ang mag-asawang Benito kaya kaming dalawa lang ang mag-aagahan ngayon."Thank you." Sa katunayan ay kahit hindi na siya magluto dahil mayroon naman mga taga-luto dito sa resthouse pero pasasalamat niya daw ito sa akin kaya pinabayaan ko na.Nauna na akong magsalin ng pagkain sa plato. Nagdasal muna kami bago sumubo ng agahan. Akala ko'y magiging tahimik ang pagkain namin pero maraming tanong si Mateo sa kung paano ko raw napalitan ang pangalan ng taniman na iyon at kung wala raw magagalit sa ginawa ko."I am sure Arman and Don Victorino were happy seeing how happy you are right now." Ang malaking ngiti sa kan'yang labi ay napalitan ng tipid ngunit matamis na ngiti."I can't wait to tell mom about this."&nb
Hindi pa man sa akin sinasabi ni Troy ay alam ko nang kay Lesie niya nalaman kung saan ang eksaktong lokasyon ko dito sa isla. Ito na rin marahil ang nag-book ng isang kwarto sa villa para sa kan'ya.Masaya sana'ng narito siya dahil alam ko na naging abala ito sa trabaho, at magandang tulong ang pagbabakasyon niya dito sa isla upang mapakawalan ang stress na pinagdaanan ng kan'yang isipan mula sa negosyo nila.Subalit tila hindi katulad ng nailalarawan ko sa aking isipan ang mangyayari. Sa mga naghahamong titigan pa lamang ni Mateo at Troy ay malabo nang maging maganda ang pag-stay namin dito nang magkakasama.Hindi ko maaaring iwasan si Mateo para kay Troy dahil magkatrabaho kami, katulad nang hindi ko maaaring iwanan na lamang basta si Troy dahil kabigan ko siya."Hotdog?""Egg?"Magkasabay nilang iniabot sa akin ang plato ng hotdog at itlog. Kasunod nito ay ang naglalabanan nilang mga tingin sa bawat isa.Hindi ko talaga mainti
Maulan ang umaga ng sumunod na araw. Akap-akap ang sarili dahil sa lamig, bumaba na ako ng hagdanan. Nakaka-isang baitang pa lamang ako ay naririnig ko na ang pagtatalo sa ibaba. Binilisan ko ang paghakbang pagbaba.Naabutan ko sa salas si Mateo at Troy. Pareho silang magulo ang buhok at damit. Sa madaling sabi ay mga bagong gising ito."Magkasama tayo kagabi paakyat dapat dyan sa taas dahil mag-so-sorry tayo kay Cassandra, pero hinila mo ako dito sa upuan! Nahiga ka at niyakap ako! So don't blame me if you wake up hugging a man!" Nangangalaiting sigaw ni Troy."Wala akong maalala na niyakap kita. Sabi ko 'just a minute, magpahinga muna tayo dito sa salas'. Sumandal ako dito sa sofa tapos nagising na lang ako na magkayakap tayo!" sagot ni Mateo pabalik.Nakahalukipkip akong pinagmamasdan silang magpalitan ng mga salita. Hindi pa rin nila napapansin ang presensya ko kung hindi ako malakas na tumikhim.Tila sila nakakita ng multo sa gulat. Sery
Ang sayang naramdaman ni Mateo ay mabilis na napalitan ng lungkot. Saglit niya lamang naramdaman ang pagmamahal ng isang ina, dahil iniwan na siya nito.Isang buwan na ang nakakaraan simula nang mamatay si Tita Amelia.Hindi maikakaila sa boses at mga mata ni Mateo ang lungkot. Ngayon pa lamang silang nagkakasundo ng ina subalit binawi na kaagad ang buhay nito.Hawak ang tatlong piraso ng tsokolate ay tinanaw ko siya mula sa labas ng opisina nito. Pasado alas-otso na nang gabi ngunit narito pa din siya at nagtatrabaho.Sa umaga ay wala siya dito sa opisina dahil inaasikaso niya ang pagbubukas ng sarili niyang negosyo. Sa hapon naman hanggang gabi ay naririto siya upang tapusin ang trabaho.Hindi ko pa siya nakakausap tungkol sa pagkawala ng ina. Nakiramay ako sa kan'ya subalit hindi ganoon kalalim ang mga sumunod namin na pag-uusap. Kung mag-uusap man kami ay tungkol iyon sa trabaho.Huminto ako sa tapat ng pintuan ng kan'yang op
Kanina ko pa pinagmamasdan ang mga papeles sa aking lamesa na kailangan ng lagda ni Mateo. Iniisip kong personal na ihatid na lamang ito sa kan'yang opisina upang maibigay na din ang tatlong piraso ng tsokolate, na itinabi ko para sa kan'ya.Sa kabilang banda, iniisip ko rin na baka mag-isip siya ng kakaiba kung gagawin ko iyon at aabutan pa siya ng tsokolate.Base sa naging pakikitungo niya kagabi at nang mga nagdaang araw, pakiramdam ko ay mayroong nagbago. Hindi na ito katulad ng dati na ako pa ang dumidistansya sa kan'ya, ngayon ay ito na ang gumagawa sa akin.Ganito rin ba ang nararamdaman niya nang itinataboy ko siya?Pumikit ako at hinilot ang sintido.Nang dumilat ako ay ang nakangiting mukha na ni Lesie ang bumungad sa akin.Hindi ko napigilan ang batuhin siya ng ballpen, na tumama lang naman sa kan'yang damit, dahil sa gulat."Gulat na gulat tayo. Ano'ng iniisip mo?" mapang-asar na sabi nito.Umirap ako at iniab
One, two, three or ten times. Hindi ko na mabilang kung ilang ulit nang nag-vibrate ang aking cellphone sa bulsa ng brown slacks ko habang nasa isang mahalagang meeting ako kasama ang mga head ng bawat department. Biglaan ang meeting na ito dahil nagkaroon ng problema sa budgetting ng pundo para sa plantasyon ng cacao sa Hacienda Miraflor. 'Ni hindi ko na nga nagawa pa'ng dumaan sa aking opisina at kaagad na inasikaso ito. Wala si Lesie at Attorney Sheldon dahil imbitado sila sa grand opening ng construction supply business ni Mateo. "What is it again?" pagpapaulit ko sa suhestyon ng isang empleyado nang hindi iyon marinig dahil sa sandaling naukopa ang isipan ko ng pagbubukas ng bagong negosyo ni Mateo at hindi ako imbitado. Tinanggap ko ang suhestyon niya at sinabing pag-iisipan at pag-uusapan namin iyon nang mabuti. "Just a minute." Hindi na ako nakapagpigil na kunin ang cellphone sa aking bulsa at tingnan kung sino ang nangungulit sa