Share

Chapter 101

Nagising ako sa ganda ng sikat ng araw kinabukasan. Para bang ibinuhos ng langit ang lahat ng masamang panahon kagabi upang mabigyan niya kami ng magandang umaga ngayon.

Naligo na ako at nagbihis. Mayroon raw ilang tao sa isla na gumagawa ng natural na pampataba sa lupa at pesticide. Pupuntahan namin iyon upang makausap.

Nagtungo na ako sa hapag pagkatapos makapag-ayos. Doon ay naabutan ko ang mag-asawang Benito kakwentuhan si Mateo.

Tumigil sila nang makita ako. Nagbatian kami ng magandang umaga bago ako umupo sa tabi ni Ginang Lorie. Nagtataka itong tumingin sa akin, hindi kasi doon ang aking pwesto.

Nagpatay malisya na lamang ako. Sisimulan ko sa mga simpleng bagay ang pag-iwas kay Mateo, kagaya nito. Baka sa ganitong paraan ay makalimutan ko kung anuman ang nararamdaman para sa kan'ya.

Subalit tila hindi talaga ako pinapaburan ng tadhana. Pinahiram muli kami ng sasakyan ng mag-asawa. Sumunod na lamang daw kami sa kanila. Gusto ko sanang tumangg

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status