Share

Chapter 42

Limang minuto ang naging byahe namin patungong presinto. Kaagad na gumawa ng report ang pulis na naroon habang ipinapasalaysay muli sa akin at doon sa lalaking may-ari ng kotse ang nangyari kanina, na animo'y isang malaking aksidente.

"Ikaw Miss Cassandra Vidal ay nabangga ang kotseng minamaneho ni Mr. Troy Montalban dahil ayon sa iyong salaysay ay hindi mo maaninag ang daan dahil sa lakas ng ulan at madilim sa lugar," pagbubuod ng pulis sa aming salaysay kanina.

Tumango na lamang ako habang panaka-naka ang sulyap sa orasang nakasabit sa pader. Malakas pa din ang ulan at sa wari ko'y hindi na talaga ito titila ngayong gabi.

"Ano po ba ang gusto ninyong mangyari sir?" tanong nito sa lalaki na ang pangalan ay Troy.

Tiningnan muna ako nito ngunit nang taasan ko siya ng parehong kilay ay bumaling ito sa pulis.

"Kung kakasuhan ko po ba siya sir, ilang taon din po kaya siyang makukulong?"

Napaawang ang labi ko sa seryoso niyang pagtatanong.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status