Share

Chapter 93

Ilang ulit nang nakarating si Mateo sa bahay ko, subalit sa inaasta niya ngayon ay tila ngayon pa lang siya naparito.

Panay ang tingin niya sa kisame at sa pintuan ng aming dining area patungo sa salas. Halos hindi nga nito magalaw ang pagkain na inihain ni manang para sa amin.

Sinundan ko ang tingin niya nang makarinig ng mga yabag sa may pintuan. Napansin ko ang pag-ayos nito ng upo at malalim na paghinga.

Bumukas ang pintuan at iniluwa nito si tatay na tila kararating lang mula sa kung saan. Nagmano ako sa kan'ya. Tumayo din si Mateo at halatang 'di malaman kung ano ang gagawin.

"Ano'ng ginagawa n'yan dito?" Itinuro pa ni tatay si Mateo. 

Gusto kong mapangiti dahil ito talaga ang dahilan kung bakit dito ko dinala si Mateo para makapag-usap kami. Nais ko siyang masindak kay tatay. Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang nakikita itong hindi magkandaugaga sa kinakatayuan, pero sa kabila nito ay naaawa ako. 

"May pag-uusapan

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status