Ikatlong beses ko na sigurong paulit-ulit na binabasa ang papeles na nasa aking lamesa. Halos tapos na ako sa aking gawain ngayong umaga dahil binakante ni Lesie ang kalahati ng araw ko, ayon na din sa utos ni Attorney. Gayunpaman, hindi ko pa rin pinupuntahan si Mateo sa opisina nito. Sa tingin ko nga ay nauna na itong pumunta sa Hacienda Miraflor, mabuti naman.
Pasado alas-dose na kaya lumabas na ako upang ayain sana si Lesie na kumain ng lunch, subalit mukha ni Mateo ang nabungaran ko pagbukas ng pintuan. Tila ito kakatok pa lamang.
Sandali kaming nagkatitigan, pero ako na ang unang bumitaw. Hinanap ng aking mata si Lesie na abalang ayusin ang kwelyo ng longsleeve polo ni Attorney Sheldon.
"Nag-lunch na kayo?" tanong ko sa dalawa.
"Hindi pa, sama ka na sa amin. Kakain kami sa labas," alok ni Lesie na mabilis ko naman pinaunlakan.
"Sumama ka na din Mateo, para sabay na kayo ni Sandra patungong hacienda." Pero mabilis kong pinagsisihan ang pagpaya
Nang sumunod na mga araw ay madalang ko nang makita si Mateo sa opisina. Narinig ko sa mga empleyado ay palagi raw ito sa hacienda naglalagi.Hindi na kami nag-usap matapos ang ginawa naming pag-uusap nang nakaraan. Kung may kailangan akong ikonsulta at ipapirma sa kan'ya ay si Lesie ang nagdadala nito sa opisina, at ganoon din ang ginagawa niya."Mayroon kang meeting sa hacienda mamaya kasama ang mga magsasaka," pagpapaalala sa akin ni Lesie.Unti-unti nang bumabangon ang kompanya. Bumabalik na ang aming mga kliyente at mayroon pa'ng mga dumadagdag, subalit nililimitahan muna namin ito dahil hindi pa ganoon karami ang naaani naming cacao.Nang matapos ang mga gawain ay nagtungo na ako sa hacienda.Naroon na ang mga inimbitahan naming mga agriculturist na magbibigay ng workshop sa mga magsasaka tungkol sa panibagong paraan ng pagtatanim. Mayroon din itong mga dalang panibagong mga organic na pampataba sa lupa.Naging abala kami b
Nang matapos ang araw ay inanyayahan ulit ako ni Manang Dory na sa mansyon matulog. Pumayag ako, dahil nais ko rin makapagpahinga na kaagad. Isa pa'y wala pa din si tatay sa bahay. Nais ko din isipin na babantayan ko si Mateo ngunit kanina pa ako binabalot ng konsyensya nang makita ko itong maglipit ng mga damit."Bakit kaya uuwi si Mateo?" tanong ni Manang sa akin habang inihahanda nito ang aming hapunan.Tumigil ako sa pagtipa sa aking laptop at saglit na natulala sa kan'ya."Kasalanan ko yata manang. Nagkasagutan kasi kami kanina." Napatigil ito sa ginagawa at tumabi sa akin sa upuan."Narinig ko nga. Naiintindihan ko naman kung saan ka nanggagaling hija, pero sana magkaroon kayo ng pagkakaunawaan ni Mateo, lalo pa't magkasama kayo sa iisang trabaho." Tama si manang. Sinabi ko na din kay Mateo noon na maging sibil na lamang kami sa bawat isa ngunit hindi ko napigilan na lantaran pa din na mag-akusa sa kan'ya."Nakakapagtaka lang po kasi na narit
"Wala pa din si Mateo," ani Lesie nang isauli niya sa akin ang mga papeles na dapat ay dumaan muna kay Mateo.Tatlong araw na itong hindi nag-re-report sa opisina. Ayon kay Attorney ay nasa ospital ang mommy nito."Nag-email siya sa akin na baka this day ay pumasok na siya, pero urgent ang mga papers na iyan kaya pirmahan mo na."Tumango ako sa kan'ya at bumalik na sa trabaho. Higit kaming abala ngayon sa mga gawain kaya mabuti nang walang oras si Lesie upang makichismis sa buhay ko.Bago mag-lunch break ay pumasok na nga si Mateo. Nalaman ko iyon dahil dumiretso siya sa opisina ko.Bakas sa mga mata nito ang kakulangan ng maayos na tulog. Marahil ay labis siyang napagod sa pagbabantay sa ina at pag-alala na rin."Can I talk to you for a while?" tanong niya habang nakadungaw ang ulo sa pintuan."Yes, come in." Pumasok ito. Umupo siya sa swivel chair na nasa aking harapan. Tungkol naman siguro sa hacienda ang pag-uusapan namin.
Tanghaling tapat nang dumating kami sa Isla Benito. Kagaya ng aking inaasahan ay malugod kaming sinalubong ng mag-asawang Ginang Lorie at Ginoong Alfredo.Mayroon itong inihandang masasarap na putahe para sa amin kasama ang mga taong inimbitahan ko upang magturo ng tamang pagtatanim ng cacao sa mga magsasaka.Natuwa akong makita si Chef Isagani na siyang naghanda ng pagkain para sa amin."Hindi mo yata kasama si Mr. Seloso as a friend?" kant'yaw nito sa akin. Alam ko kaagad kung sino ang tinutukoy niya.Umiling ako at binago ang usapan sa pamamagitan ng pagtatanong kung ano ang inihanda niyang pagkain para sa amin.Sa Benito Resort kami mamamalagi nang ilang araw kaya tiyak ko'ng mag-e-enjoy ang aking mga kasama."Sayang at wala si Mateo. Magaling din magluto ng putaheng lamang-dagat ang binatang iyon," kwento ni Ginang Lorie sa mga kasama ko.Tipid akong napangiti nang maalala ang masasayang araw namin dito ni Mateo. Akala ko nang mg
Dalawang araw na tumagal ang seminar at workshop para sa mga magsasaka, kagaya ng nasa plano. Kaya sa ikatlong araw ay umuwi na ang mga bisita kabilang na si Bia. Nagpaiwan ako upang personal na makita at malaman ang mga pangangailangan pa ng plantasyon."Mabuti naman at hindi ka pa umuwi." Lumapit sa akin si Ginang Lorie at inilagay ang isang fruitshake sa aking lamesa.Nasa dalampasigan ako sa resort at gumagawa ng report. Kailangan ko itong ma-i-send mamaya kay Lesie."Gusto ko po kasi na maging hands-on sa plantasyon natin dito."Ngumiti si Ginang Lorie at nakipagkwentuhan pa sa akin ng ilang sandali bago ako iwanan doon.Naging abala ako sa paggawa ng trabaho sa buong maghapon. Magdidilim na nang matapos ko ito.Tinanaw ko ang burol mula sa kinatatayuan ko. Maliwanag na doon. Hinihiling ko lang na sana'y mayroong ibang tao dito.Maaga pa naman para sa hapunan kaya napagpasyahan kong pumunta muna sa itaas ng burol upan
Nagising ako sa ganda ng sikat ng araw kinabukasan. Para bang ibinuhos ng langit ang lahat ng masamang panahon kagabi upang mabigyan niya kami ng magandang umaga ngayon.Naligo na ako at nagbihis. Mayroon raw ilang tao sa isla na gumagawa ng natural na pampataba sa lupa at pesticide. Pupuntahan namin iyon upang makausap.Nagtungo na ako sa hapag pagkatapos makapag-ayos. Doon ay naabutan ko ang mag-asawang Benito kakwentuhan si Mateo.Tumigil sila nang makita ako. Nagbatian kami ng magandang umaga bago ako umupo sa tabi ni Ginang Lorie. Nagtataka itong tumingin sa akin, hindi kasi doon ang aking pwesto.Nagpatay malisya na lamang ako. Sisimulan ko sa mga simpleng bagay ang pag-iwas kay Mateo, kagaya nito. Baka sa ganitong paraan ay makalimutan ko kung anuman ang nararamdaman para sa kan'ya.Subalit tila hindi talaga ako pinapaburan ng tadhana. Pinahiram muli kami ng sasakyan ng mag-asawa. Sumunod na lamang daw kami sa kanila. Gusto ko sanang tumangg
Paulit-ulit sa isipan ko ang naging pag-uusap namin ni Mateo.Pilit kong inilalagay ang sarili sa sitwasyon niya, at sa tuwing naiisip ko iyon ay alam kong hindi ko kakayanin. I can't imagine growing up without feeling loved.Pero sa nakikita ko ngayon ay malakas siya. Masaya pa itong makipag-usap sa mga magsasaka na animo'y walang kahit anumang problemang iniinda. Propesyonal nga talaga siyang tunay.Natapos namin ang paglilibot sa dalawang plantasyon sa umaga at ngayong hapon naman ay dumayo kami sa pinakamalawak na taniman sa isla.Halos lahat ay nagsisimula na sa pagsasaayos ng lupang pagtataniman, kasabay nang paglalagay ng bakod sa paligid."Sa susunod po na linggo ay maipapadala na ang mga punla dito." Narinig kong sabi ni Mateo sa mag-asawa. Inasikaso niya na pala iyon habang wala ako sa opisina.Bago kami pumarito ay dumaan na din kami sa lokal na komunidad na siyang mag-su-supply ng natural na pataba sa lupa. Malaking t
Kinabukasan ay maagang umalis si Mateo upang bisitahin ang kan'yang ina. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang samahan si Ginang Lorie sa pagpapagawa ng arko.Alam kong malabo na magustuhan ito ng kan'yang ina dahil mataas ang pag-asa nito na Hacienda Miraflor ang maipapangalan sa kan'ya.If only I had the ability to do so, I would change it to her name. But I have a great deal of affection and respect for Arman's parents, and even more so for Arman himself. I understand how important hacienda is to him, even if it's just a name.Hindi nga lang ito isang pangalan. Ang Hacienda Miraflor ay simbolo ng pagmamahal ni Don Victorino sa kan'yang pinakamamahal na asawang si Doña Miraflor."Sino ba si Amelia?" Ipinagpasalamat ko na ngayon lamang ito itinanong ni Ginang Lorie sa akin at hindi kahapon kung saan kasama namin si Mateo.Hindi naman ito isang surpresa para sa kan'ya. Sigurado lamang ako na tatanggi siya dito, kaya upang huwag na ka