"Hindi ka naman nangangamoy na mabaho, eh. Ang bango-bango mo pa rin kaya. Para ka pa ring bulaklak na napakabango," sabi ni Martin kay Andrea. Hindi maiwasan na kiligin ni Andrea sa sinabi na 'yon ni Martin sa kanya. Hindi naman 'yon masyadong nakakakilig para sa iba pero kinikilig siya. Kanina pa siyang kinikilig ngunit hindi lang niya pinapahalata kay Martin baka kasi mapansin nito na may nararamdaman siya. "'Wag ka na kayang maligo, Andrea," sabi pa nito sa kanya. Napangiti tuloy siya. Alam niya na biro lang naman 'yon sa kanya. "Maliligo pa rin ako. Hindi ako sanay na hindi naliligo araw-araw. Baliw ka ba? Hindi ako ganoong babae na hindi naliligo araw-araw, 'no? Araw-araw akong naliligo, baka ikaw ang hindi araw-araw. Pambihira lang. Pinapaliguan lang ang sarili ng kung anu-ano na mga mamahalin na pabango. Tama ba ako?" sabi ni Andrea kay Martin na umasim ang mukha sa kanya."Hoy! Hindi ako ganoon, Andrea. Naliligo ako araw-araw. Gusto ko nga rin na maligo ngayon, eh, kahit nal
Ikinalma niya ang kanyang sarili nang makapasok na si Martin sa loob ng banyo para maligo. Nakapagtataka nga lang na maliligo ulit. Hinayaan na lang niya ito na maligo kahit wala naman itong dalang damit. Ang ginawa niya ay hinubad na lang niya ang lahat ng suot sa katawan para magamit pa niya mamaya pag-uwi sa condo unit niya. Habang naliligo si Martin ay sinimulan na niyang bihisan ang kanyang sarili ng damit na pangtulog.Ilang minuto lang naman si Martin na naligo sa loob ng banyo. Lumabas naman kaagad siya na naka-topless. May nakatakip ng tuwalya sa ibaba niya. Nakaupo si Andrea sa kama niya habang ang kanyang mga mata ay hindi maiiwas sa magandang katawan ni Martin. Kitang-kita niya na nagtutuluan ang mala-butil na tubig mula sa katawan nito. Nagsisimula na naman mag-init ang mukha niya at sumunod ang katawan niya."Ang bilis mo naman na maligo," wika ni Andrea kay Martin na kinakabahan na hindi niya malaman kung bakit. Napakabilis na naman ng tibok ng puso niya. Martin gave he
Kumirot ang puso ni Andrea nang marinig niya ang sinabi na 'yon ni Martin na paano siya magugustuhan ni Ella Marie kung hindi siya magbibigay ng bulaklak at chocolate. Sa sinabi nito sa kanya ay may namumuong ideya sa isipan niya na posibleng magpabigay muli ito kay Ella Marie ng bouquet at chocolate. Hindi nga siya nagkakamali dahil nagsalita ito, "Kailangan pa rin natin siya bigyan ng bouquet at chocolate si Ella Marie. Hindi puwedeng hindi, Andrea. Hindi tayo titigil alam mo 'yan. Tutulungan mo ako, 'di ba? Kahit gaano pa 'yan kahirap na bigyan siya ay bibigyan pa rin natin siya. Kung hindi puwede na bigyan siya ng bulaklak at chocolate sa loob ng kompanya na pinagtatrabauhan n'yo ay sa labas mo na lang siya bibigyan sa susunod, okay?""Paano ko naman siya bibigyan, huh? May trabaho kami. Makikita syempre na may dala-dala na naman akong bouquet at chocolate n'yan sa loob ng kompanya. Baka pagalitan na niya ako n'yan kapag nakita niya ako na may dala na naman. Sinabihan na niya ako.
"W-what? Pumunta sa inyo si Martin? Ano'ng ginawa n'yo, huh?" nanlalaki ang mga mata na tanong ni Gretta kay Andrea nang sabihin nito na pumunta si Martin sa bahay nila noong weekend. Nasa loob sila ng opisina na pinagtatrabauhan nila na kompanya. Hindi pa naman sila nagsisimula na magtrabaho dahil wala pa naman na alas otso ng umaga. Malaya pa silang magkuwentuhan. Palagi maaga silang pumapasok na magkaibigan kaya hindi sila nale-late. "Oo. Pumunta siya sa amin. Akala ko nga ay lalabas kami that night person nang malaman niya na ako lang ang mag-isa sa bahay namin ay sinabi niya na doon na lang siya tatambay. Hindi na raw kami lalabas," kuwento ni Andrea sa kaibigan."Talaga ba? Tapos ano'ng ginawa n'yong dalawa that night, huh?" usisa ni Gretta kay Andrea. Huminga muna nang malalim si Andrea bago sinagot ang tanong ng kaibigan niya na si Gretta na hindi na naman makapaghintay sa isasagot niya."Hinintay ko siya na dumating sa bahay namin. Nang dumating siya ay pumasok na kami sa ba
''Andrea, kailangan mo na gumawa ng ibang paraan na hindi masasayang ang lahat ng ginagawa mo ngayon. Malabong magkagusto si Ella Marie kay Martin. Malabong-malabo 'yon. Kahit tulungan mo sila na magkalapit, wala pa ring mangyayari," seryosong sabi pa ni Gretta kay Andrea na nakakunot na ang noo. Hindi niya maintindihan kung ano'ng ibig sabihin ni Gretta sa kanya."Paano mo naman nasasabi 'yan na para bang may iba kang nalalaman tungkol sa kanya, huh? May nalalaman ka ba tungkol kay Ella Marie na hindi ko nalalaman, huh?" tanong ni Andrea sa kaibigan. Nagpakawala muna si Gretta ng malalim na buntong-hininga."Wala akong nalalaman tungkol sa kanya pero may napapansin ako na para bang may—""Ano? Ano'ng napapansin mo sa kanya, huh? Sabihin mo na sa akin please," atat na atat na sabi ni Andrea kay Gretta. "Para kasing in love siya, eh," mahinang usal ni Gretta."Huh? In love siya? Kanino naman, huh? She's single, right? Paano naman siya magiging in love, huh?" naguguluhan na tanong ni A
"Oo. Nakapag-isip na ako, Gretta. Alam ko na ang gagawin ko ngayon," seryosong sagot ni Andrea kay Gretta na mariing ngumiti naman sa kanya. "Mabuti naman kung ganoon na nakapag-isip ka na kung ano'ng gagawin mo. Masaya akong marinig 'yon sa 'yo pero mas sasaya ako kung maririnig ko sa 'yo ang iminumungkahi ko sa 'yo," sabi ni Gretta na gustong-gusto na malaman kung ano 'yon. Andrea took a very deep breath and bit her lips."Ibibigay ko pa rin ang bouquet at chocolate na pinabibigay niya sa akin kay Ella Marie," dahan-dahan na anunsiyo ni Andrea kay Gretta na nawala ang ngiti sa mga labi niya. Napalitan 'yon ng pagkadismaya sa kanya."A-ano? Ibibigay mo pa rin 'yon sa kanya? Akala ko—" hindi na pinatapos ni Andrea ang sasabihin ng kaibigan niya sa kanya kaya nagsalita naman na siya para magpaliwanag. Hindi lang naman 'yon ang sasabihin niya."Gretta, makinig ka muna sa mga sasabihin ko sa 'yo. Hindi lang naman 'yon ang sasabihin ko sa 'yo, eh. Let me explain please," sabi ni Andrea k
Sumang-ayon naman si Gretta sa sinabi ni Andrea na ibibigay pa rin nila ang pinabibigay na bouquet at chocolate ni Martin kay Ella Marie kahit sinabihan na niya ito na huwag na gawin 'yon. Bilang kaibigan na sinusuportahan niya sa bawat gagawin nito ay hindi naman niya puwede na pabayaan ang kaibigan. Nagpaliwanag na rin ito sa kanya. Naiintindihan naman na 'yon ni Gretta. Si Gretta na lang ang nagpresenta na bumili ng bouquet at chocolate na ibibigay nila kay Ella Marie para mamaya. Nakausap na nila si Ella Marie at pumayag naman ito na kumain sila ng dinner sa labas mamaya. Dala-dala na ni Gretta ang bouquet at chocolate na binili niya. Nauna na siyang lumabas sa opisina para bumili samantalang sumunod naman sa kanya si Andrea at Ella Marie. Doon sila kakain sa restaurant madalas na kinakainan nilang tatlo ng dinner.Nandoon na si Gretta nang dumating ang dalawa. Kinuha ni Andrea ang bouquet at chocolate. Kaagad na binigay niya kay Ella Marie 'yon na nanlalaki ang mga mata sa pagkag
"Kumusta ka?" seryosong tanong ni Martin sa kanya nang makapasok siya sa loob ng sasakyan nito. Nakaupo siya sa unahan kung saan magkatabi sila habang nasa driver's seat naman si Martin. Hindi pa nito pinapaandar ang sasakyan dahil nag-uusap pa silang dalawa.Lumunok muna si Andrea ng kanyang laway at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga bago sumagot kay Martin na kinukumusta siya."Maayos naman ako, Martin. E, ikaw? Kumusta ka, huh?" sagot ni Andrea at ipinalik naman niya ang tanong ni Martin sa kanya. Martin let out a deep sigh and glanced at her seriously. "I'm doing fine. I'm busy, anyway. Pero nagawa ko pa rin na makipagkita sa 'yo tonight dahil alam ko na importante ang sasabihin mo sa akin ngayon. Am I right?" sagot ni Martin kay Andrea na dahan-dahan naman na napatango. "Kanina ka pa siguro naghihintay sa akin dito sa parking area, 'no? I'm sorry kung ganoon na kanina ka pa naghihintay sa akin," sagot ni Andrea kay Martin na humingi ng sorry kung kanina pa ito naghihint