Share

OWNING HER INNOCENCE
OWNING HER INNOCENCE
Author: Shein Althea

Simula

Isa... Dalawa... Tatlo...

Hindi na alam ni Kraius kung ilang babae na ang nagpunta sa opisina niya ng araw na ‘yon. Hindi na rin nito alam kung ilang palad na ang sumayad sa mukha nito. Ang tanging alam ng binata ay nasasaktan ito sa sampal ng mga babae. Alam din nitong kasalanan nito kung bakit galit ang mga ito dito.

Napailing ang binata. Sadyang gwapong nilalang ito na ginawa para sa mga babae. Babaeng marurupok na kaagad bumibigay kahit pa kindatan niya lang ang mga ito. Nakakalaglag panga ang hitsura niya at alam niyang totoo iyon.

Hinawakan ng binata ang pisngi. Masakit at mahapdi pa rin iyon kahit ilang minuto na rin ang lumipas nang umalis ang huling babaeng sumampal sa kaniya. Hindi rin niya akalaing mabibigat ang kamay ng mga ito. Lalo na rin ang magalit sa kaniya dahil pinagsabay niya ang mga ito.

“Mr. Montreal?”

“What?!” asik niya sa sekretarya. Nakakunot ang noo niya nang balingan ito.

Pumasok ang sekretarya bitbit ang isang notepad. Taas ang noo at tila hindi takot sa pinapakita ng binata. Sanay na ito sa lalaki dahil limang taon na itong sekretarya ni Kraius. Limang taon na rin nitong alam kung gaano ka-playboy ang abogado.

“I just want to inform you, Sir, about Mr. Andao’s case. Ngayon po ang first hearing ninyo.”

Tumango si Kraius. Pinasadahan niya ng tingin ang sekretarya. Maganda ito kahit medyo manang kung manamit. Sexy din ito at makurba ang katawan. ‘Yon nga lamang, propesyonal siya pagdating sa trabaho. Hindi siya katulad ng kaibigan niyang si Andrius na kahit sekretarya ay pinapatos nito.

“It’s very rude to stare, Mr. Montreal.” Pag-agaw nito sa kaniyang atensyon.

Tumikhim si Kraius. Ibinaling niya rin ang paningin sa kaniyang mesa. Napahiya siya sa sinabi nito dahil totoo. Ganunpaman, pinanatili niya ang maawtoridad na awra. Ibinalik niya ang tingin dito at tumango.

“Nakakita na ba si Mrs. Andao ng attorney? Set an appointment for me, if yes. Gusto kong makausap ang abogado nito,” wika ng binata.

“Noted, Mr. Montreal.” Tumango ito. “Aalis na po ako,” dagdag pa nito.

“Wait!” pigil niya dito. “Pwede bang huwag ka nang magpapasok ng babae dito. Masakit na ang pisngi ko,” reklamo niya.

Napangisi ito kaya sinamaan ito ni Kraius ng tingin. Alam niyang sinasadya nitong papasukin ang mga babae. Mainit ang dugo nito sa kaniya na hindi niya alam. Kahit naiinis siya rito ay hindi niya pa rin ito magawang sisantihin. Magaling at masipag naman kasi ito sa trabaho.

Ilang sandali ang lumipas mula nang lumabas ang kaniyang sekretarya. Ilang sandali na rin siyang tulala dahil sa dami ng kaniyang iniisip. Una na dito ay ang bagong kasong hawak. Kung tutuusin hindi na bago sa kaniya ang humawak ng kaso para sa paghihiwalay. Dalawang taon pa lamang siya bilang isang ganap na abogado nang hawakan niya ang kaso ni Olive Santillan. Sumunod din dito ang sekretong kaso ng isang sikat na artista na si Laura Moran.

Napapaisip na lamang ang binata kung bakit pa magpapakasal ang mga ito kung maghihiwalay rin pala kalaunan? Napakakomplikado ng mga bagay. Napakakomplikado rin ng isip ng bawat tao. Minsan hindi matantiya ngunit mas madalas hindi maintindihan.

Sa naisip ay hindi napigilan ng binata ang ikuyom ang mga kamay. Nagbalik sa kaniyang alaala ang babaeng iyon. Isa sa pinakakomplikadong taong nakilala niya. Isang alaala na ayaw na sanang balikan ng binata at pilit na lamang na ibinabaon.

Napabuntonghininga at napailing na lamang si Kraius. Tumayo rin ito mula sa kinauupuan. He needed to divert his attention if he wanted to keep his sane. Those memories from the past should be buried six feet under the ground. Isa lamang iyong distraksyon. Nevertheless, he managed to calm down from the invisible anger he felt inside him. He looked at his Piaget watch and walked lazily. It was exactly one in the afternoon. It was his time to work. Kinuha niya ang coat na nakasabit sa likod ng kaniyang swivel chair at isinuot iyon.

Maaga pa para sa kaniyang session ngunit nagpasya na siyang umalis sa kaniyang law firm. Dala ang kaniyang attaché case ay naglakad siya sa pasilyo na tila ba isang hari sa kaniyang nasasakupan.

He had an authoritative stance and an undeniably powerful aura. A well-built physique and a glorious face that every girl would drool: clean-cut hair, pointed nose, and beautiful brown eyes. Half Turkish ang lahi niya kaya natural sa kaniya ang magpahaba ng balbas. Sakto lang para manatiling malinis ang kaniyang panga at hitsura. Dagdag karisma na rin para sa iba.

In a brief time, Kraius drove his car fast in a coffee shop. He stayed there for hours before he decided to go to court. He wanted to meet Judge Condrad Aguirre for a conversation about the case. He wanted to propose his dirty tactics for him. Thirty minutes of driving, and he finally reached the place.

It was still quiet. Iilan pa lang ang naroon. Bakanteng mga upuan at mahahabang mesa. Nakita niya rin ang tatlong witness ni Mrs. Andao. Katabi rin nito ang psychologist nitong si Dr. Olive Ramirez. Sinilip din niya ang attorney nito ngunit hindi niya nakita. Maaaring late lamang ito.

In the end, Kraius shrugged the thoughts off. Hindi na rin niya itinuloy ang balak na kausapin ang judge. Maging ang balak na kausapin ang attorney ni Mrs. Andao ay ipinagkibit-balikat na lamang ng binata. Bagkus, itinuloy niya ang paglalakad at hinintay na lamang ang kaniyang kliyente at naupo sa bakanteng upuan na nasa harapan mismo ng stage.

He felt bored. Lalo na dahil ilang minuto na rin ang nakalipas ngunit hindi pa nagsisimula ang trial. Maging ang kaniyang kliyente ay hindi niya mahagilap. Naiinis na siya sa nangyayari ngunit wala rin siyang magagawa kundi ang maghintay. He was very impatient, lalo na kapag oras ang pinag-uusapan.

Ngunit, natigil ang anumang iniisip ng binata nang marinig niya ang matinis na tunog ng takong. Tahimik ang buong lugar at tanging ito lamang ang nagsisilbing ingay doon. Dahan-dahan ang mga hakbang ng may-ari niyon dahilan kung bakit tila ito isang musika sa kaniyang pandinig.

Inayos ni Kraius ang sarili mula sa pagkakaupo. Tumayo siya upang tingnan ang kung sinumang may likha ng mabining tunog. Nilingon niya rin ito na sana hindi na lamang niya ginawa.

His heart beats faster that it hurts. His breathing hitched while his hand formed into a fist. Hinding-hindi niya makakalimutan ang mukhang iyon. Mukhang nang-iwan sa kaniya sa mahabang panahon.

“Chubz,” anas ng binata. Na agad din niyang binawi. Hindi na dapat niya iyon sinabi. Dahil ang dating matabang dalaga sampung taon ang nakakaraan ay hindi na mababakas dito.

Iba na ang hitsura nito. Ibang-iba na.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status