Share

Paano Magmahal ang NBSB?
Paano Magmahal ang NBSB?
Author: Macyleeson18

Chapter 1 - Hello 2018

Althea's POV

'But I keep cruising

Can't stop, won't stop moving

It's like I got this music...'

"ALTHEA! Bumangon ka na riyan! Hindi mo ba narinig yang tunog sa alarm mo. Alas siyete na!"

Ano ba yan! Grabe yung sigaw ni Mama. Hihintayin ko lang naman matapos yung kanta ni Taylor. Pagtingin ko sa orasan sa kwarto ko, alas sais pa lang sa umaga. Yung unang klase ko alas otso y treinta pa.

Kaasar! 

Inayos ko muna higaan ko, pagkatapos ay naligo tsaka nag toothbrush, nag ayos at nagbihis ng uniporme. Ganyan talaga ang style ni Mama, yung alas sais niya e-a-advance niya ng isang oras. Kesyo ang tagal ko raw magprepare papunta sa school. 

I'm on my 3rd year highschool this school year, by the way I'm 14 years old. Just call me "Thea" or "AM" in short for Althea May. Today is the first school day this 2018, kakatapos lang ng christmas break namin last year.

"Thea, halika ka na! Handa na ang pagkain sa mesa."

"Opo Nay! Pababa na po ako!"

Pagkababa ko sa dining room, naabutan kong nakasimangot ang aking kapatid sa hapag kainan. Hindi pa man siya nagsasalita, alam ko na agad kung ano ang tumatakbo sa isip niya.

"Ate, kung alam mo lang ang tagal mong maligo, halos isang oras," bungad na sabi ng kapatid kong lalake. Hindi man lang ako binati ng Good Morning. 

"Lucas, kung alam mo lang din 20 minutes lang akong naligo, 10 mins nagbihis, 10 minutes nag ayos nang buhok & etc etc tapos less than minutes pababa dito," sabi ko nang naka pokerface. 

"Wala pang isang oras iyon, kung alam mo lang," dagdag ko.

"Halos isang oras nga! Hahaha. At wag mo nga akong tawaging 'Lucas', Ate. Ang gwapo ng pangalan ko. Huwag mong gawing korni."

"Ang pangalan ko 'Luke Sean' ate, Hah! Luke SEAN," sabi niya ulit. Magkatabi kaming kumakain sa lamesa ngayon. Tapos si Nanay naka upo sa harap namin.

"In short, LUCAS! HAHAHA!" Ginulo ko ang buhok niyang matigas na dahil sa gel. Ang sarap kasing asarin nitong kapatid ko lalo na kapag nickname niya ang usapan. 

"Wag mong galawin buhok ko. Ano ba! Isang oras kong inayos yan." Saway niya sakin.

"Tumahimik na kayong dalawa. Kung nandito pa ang Papa niyo, siguradong mapapasukan ng malaking chicken joy iyang mga bunganga ninyo," singit ng maganda kong ina na si Angelique.

"Opo, Nay! Hindi na po mauulit," sabay na sagot namin ni 'Lucas'. 

Actually, 3rd year highschool na ako ngayon, tapos itong nag-iisa kong kapatid na si 'Luke Sean' Yocson ay Grade 7. Nasama siya do'n sa bagong implementation ng DepEd na K to 12. Kami yung last batch na hindi nasali. Kaya ang swerte ng batch namin. 

Pareho kaming nag-aaral sa Swift Academy. Oo! Isang pivate school pero full scholar kami pareho doon. May kaya lang naman pamilya namin. Trabaho ni tatay ay executive director ng Fearless Corporation, sister company ng inaaralan namin ng kapatid ko. Si Nanay nasa bahay. Siya ang umaasikaso sa amin. Minsan nga lang umuuwi si Papa kasi sobrang busy sa trabaho tapos malayong branch siya na assign.

"Papasok na po kami Nay! Alas otso na pala," sabi ni Lucas na tumingin sa orasan.

"Oh sige, mag ingat kayo sa paglalakad. Wag kayong makulit sa kalsada baka hanggang doon..."

"Nay, hindi na po talaga ako uulit," sabay cross finger ko.

"Opo, Nay. Promise po hindi ko sasabihan si Ate Thea na mukhang Betty Lafea sa bagong bangs niya. HAHAHAH!" May pa hawak hawak pa siya sa tiyan. 

"Whatever, LUCAS!" 

"Kakasabi ko pa lang kanina Luke na itigil niyo na yan. Ma lalate na kayo."

Basta Luke ang tawag ni Nanay sa kanya talagang tatahimik na yan. Kasi Sean ang tawag niya kung nasa good mood ito.

"Sige po Nay. Pasok na po kami sa school," saad ko.

"Bye Nay!"

Naglalakad lang kami sa kalsada dahil nasa kabilang kanto lang yung paaralan. Sayang yung 20 pesos na e babayad namin sa tricycle. 08:30 pa naman first class namin dahil sa post new year's and christmas vacation syndrome.

"Alam mo ba Ate, braces at eyeglasses na lang ang kulang, kamukhang-kamukha mo na si 'Betty Lafea'. HAHAHAHA!"

"Tumahimik ka na nga sa kaka-Betty Lafea mo, Masasapak na talaga kita." Pinakita ko kamao ko.

"Owws! Tatakutin mo ko niyan! Hahaha! Wala lang yang kamao mo sa kamao ko." 

Kamao daw niya. Braso niyang walang muscle pinakita sakin. Hindi ko na lang siya pinatulan. Baka kung saan pa aabot itong asaran naming dalawa. Tumahimik na man din siya.

"Oh! Nandito na pala tayo! Good morning Lady Guard!" bati niya kay Ate Marga.

"Good morning din Sean! At sayo rin Althea," bati nito samin nang naka ngiti. Ningitian ko rin siya.

"Geez!" bulong ko nang makalayo na kami sa gate.

Paglagpas namin sa gate tinanong niya ako kung bakit di ko binati kanina yung guard ng school.

"Ate, bakit hindi ka nag good morning kay Lady Guard?"

"Kasi nag good morning ka na! Kinindatan mo pa nga. Ang weird naman kung kikindatan ko rin siya."

"Mabuti pa yung guard, binati mo nang good morning," nakasimangot kong bulong. 

"Uyy! Narinig ko 'yun!" sundot niya sa tagiliran ko.

"Mabuti pa yung guard, binati mo nang good morning," ginaya pa yung boses ko. "Marunong din palang mag selos ang isang 'Althea May Yocson'. Akala ko ba mga libro at novels lang "Love" mo, Ate. Love mo rin pala ako," kurot niya sa ilong ko.

"Lucas! Baka kung saan pa nanggaling iyang kamay mo!" irita kong sabi  sa kanya. "Ilayo mo yang kamay mo sa mukha ko."

"Hindi ako galing sa CR noh! Galing lang akong kumain ng chicken joy. Oh sige, para tigilan mo na yang kaka-Lucas mo sa akin Ate. Heto na!"

"Ehemmm"

"Magandang umaga Binibini!" Hahalikan na sana niya kamay ko pero binawi ko agad.

"Ano ba iyan! Wag mo ngang gayahin si Juanito. Hindi bagay sayo."

"Sus! Ang choosy mo pa. Kaya siguro hanggang ngayon wala ka pang boyfriend. At tsaka hindi rin bagay sayo maging Carmela, Ate noh! Dahil sa bangs mo! Hahaha!" 

Grabe! Hindi pa talaga siya naka move on sa bangs ko. Ang cute kaya! Uso 'to noong 2016 hanggang ngayon. 

"Hmmp! Bahala ka riyan. Madapa ka sana sa unahan!" sabay alis ko sa tabi niya at pumunta sa room ko.

Pagpasok ko sa room 3rd Year - Galileo ay bumungad kaagad sakin ang dalawa kong matalik na kaibigan. Sina Blyth at Claire. Nagka close kaming tatlo simula 2nd year highschool. Transferee noon si Claire from Fearless Academy. Kaibigan ko na rin si Claire simula elementary.

"Besshy! Ohmaygad! Ikaw bayan!" sigaw ng BFF ko na si Claire. Para bang malapit na akong hindi makilala base sa reaksyon niya. Grabe kasing maka sigaw, abot hanggang kabilang room. Ang energetic niya ata ngayon. May magandang nangyari kaya 'nung bakasyon niya?

"Oo! Ako talaga ito, Claire!" 

"New hairstyle ah! Bumagay sayo Thea," sabi ni Blyth. Isang BFF ko rin. Napansin kong may tatoo siya sa may pulsohan. Tinanong ko siya tungkol dito. "Blyth, permanante na yang tatoo mo dito?"

"Hindi. Temporary lang 'toh. Mawawala rin after 3 days."

"Patingin nga ako Blyth. Di ko namalayan yan kanina ah. Bakit mo kasi ni under cover sa relo mo," napansin rin pala ni Claire iyon. 

Actually, tatlo kaming mag bestfriend. Si Claire June ay Queen B sa school. Si Blyth Jann naman ay may pagka boyish. Mas prefer niya mag suot ng sneakers na pinaparesan niya ng t-shirt at pants. Si Claire naman naka bestida ngayon at flat sandals. Habang ako ay naka white rubber shoes at jeans tsaka turtleneck sweater na puti.

"Idol mo talaga si Taylor Swift! Pati hairstyle niya ginaya mo," balik sa akin ni Claire. Mas napansin pa talaga nila ang new hairstyle ko kaysa sa temporary tatoo ni Blyth.

"Syempre die hard fan ako. Proud Swiftie here!" tinuro ko ang sarili.

"Mga SWIFTIES na man talaga tayong tatlo," saad ni Blyth. Pinakita niya yung tatoo samin. Number 13 pala ang naka ukit sa wrist niya pero sapat na yung laki para matakpan sa relo. Magpa-tatoo nga rin kami ni Claire ng ganyan. Parang body paint or sticker nga lang yon.

"Guys! Parating na si Sir!" sabi ng kaklase namin na galing sa labas ng classroom. Awtomatikong tumahimik ang mga kaklase ko at binati si Sir.

"Good Morning, Sir James!"

"Good morning too class! You may now seat."

Si Sir James ang class adviser namin at first subject sa Chemistry.

"So class, kumusta Christmas vacations niyo? Anong pinagka-abalahan niyo nung bakasyon?"

"Sir, pumunta po family namin sa Boracay."

"Nag family reunion po kami Sir."

"Nag stay-cation lang po kami Sir."

"HAHAHAHA!" At dahil sa isang kaklase namin na nag sabi nun, napuno ng tawanan ang buong classroom.

"CLASS! Quiet!! Baka maka distorbo tayo sa kabilang room," habang pinapalo ang stick sa lamesa.  Parang sa elementary style lang, 3rd year highschool na kaya kami.

"Dahil first subject niyo ito ngayon dito ngayong 2018, hindi muna ako mag didiscuss sa inyo ngayon," anunsyo ni Sir.

"Ang gwapo mo talaga, Sir James!"

"Oo nga po! Kasing gwapo ng pangalan niyo."

"Kamukha niyo nga po si Empoy sa indie film na KitaKita last year.

"Salamat mga iho! Did you enjoy the movie?" tanong niya.

"Opo Sir. Sobrang ganda po ng storya. Nakaka iyak," kwento ng kaklase namin na si Ronnie. Halatang nakiki-s****p lang kay Sir para sa grades. Nagkwentuhan lang kami ng mga hindi related sa subjects niya kaya 'iho' at 'iha' yung tawag ni Sir James sa amin. Dahil kung discussion na, he will call us by our family names. At tsaka dudugo ilong namin sa mga English niya tungkol sa Chemistry. After ng 1st subject, syempre 2nd subject ang kasunod which is Filipino. And after 1 hour, sa wakas ay recess na namin.

Papunta kami ngayon sa food court. Pagpasok namin ang dami ng tao. Pero may mga vacant table at seats pa naman. Medyo mataas na ang linya.  Kaya naghanap na agad kami ng pwesto na mauupuan. Nasa hulihan si Blyth naka sunod samin ni Claire. 

Habang naglalakad si Blyth patungo sa napili naming table ay bigla siyang nadapa. Mabuti na lang ay hindi siya nasubsob sa sahig.

"Aarrgghhh! Kaninong paa ba iyang humaharang sa daanan ko?" tanong niya.

"Ako, bakit?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status