Share

Chapter 5 - Valentine's Day

Althea's POV

Di ko namalayan February 14 na pala ngayon at bukas na ang birthday ni Claire. Pagpasok ko sa school ang dami ng booths at stalls sa paligid. Ang sakit nga sa mata dahil sa bawat lingon ko puro mga korteng pulang puso kang makikita. Papunta na sana ako sa library kasi magkikita kami ni Blyth. Magpaplano kami para bukas sa birthday surprise namin kay Claire. Pero may biglang nagtakip sa mata ko ng panyo at nigapos ako ng tali bigla patalikod.

"Hoy! Ano ba? Tanggalin niyo nga ito! Wala akong makita!"

"Sorry miss! Napag utusan lang kami. Kikidnapin ka muna samin," sabi ng lalaki na may hawak sakin.

"Hah! Anong kikidnapin? Bakit ako?"

"May naglista po kasi sa inyo para sa blind date. Pero wag kang mag alala ang pogi po ng ka blind date niyo Ate," sabi ng kasama niya. Sa tingin ko lower years ito na isa sa staffs ng blind date booth. Kaasar! Sino bang naglilista ng pangalan ko para diyan.

"Nandito na po tayo Ate. Pwede mo ng tanggalin yung blindfold niyo. Enjoy your date. Hihi," rinig kong sabi nung babae.

"Tsekwa! Anong enjoy pinagsasabi nito." Pagka tanggal ko sa panyo bakit ang dilim pa rin sa paligid. Biglang may nagpatugtog ng gitara at may kumakantang banda.

There are times

When I just want

to look at your face

With the stars in the night.

May mga lights na umilaw. Para talagang stars na kumikinang. Dagdag mo pa yung palibot na parang nasa galaxy ka kasi may nga design na mga planets sa loob ng room. Lumiwanag ang paligid. Pero di ganito ang blind date na inaasahan ko. Ang akala ko naka blindfold ang dalawang tao sa blind date booth. Infairness, para talaga siyang date set up. Sino bang pasimuno dito. Kung si Allen, imposible naman. Di iyon mahilig sa astrology. Pero ako I love astrology and zodiac signs.

There are times

When I just want

To feel your embrace

In the cold of the night.

Biglang may pumasok na lalaki. Naka face mask at may dalang bouquet of flowers. Nang maka lapit ito sakin ay inabot niya ang bulaklak. Kinuha ko naman ito pero teka familiar itong isa 'toh ah.

"Hey! Kilala kita ah. Kaklase lang kita. May binayaran ka ba para dito. Sa lahat ng gusto mong pag tripan, bakit ako pa?" tanong ko sa kanya.

"Wait miss. I'm not the one behind this. Napag tripan lang din ako para dito. Ano ka siniswerte?" sagot ng lalake at tinanggal niya yung face mask niya.

"Just as I thought, it's you Tyronne! What's with flowers?" turo ko sa bulaklak.

"And what's with this set up? Prank ba 'toh? Hah?" tanong ko. Tsaka ko lang napansin na ibang kanta na pala ang tinutugtog ng banda.

It's not the flowers

Wrapped in fancy paper

It's not the ring

I wear around my finger

There's nothing in all the world I need

When I have you here beside me,

Here beside me

"Wait Miss Althea. Di mo ba narinig ang sinabi ko? Di ko rin alam anong nangyayari. Just go with the flow."

"Just go with the flow mukha mo. Aalis na ako." Linagay ko sa mesa yung bulaklak.

"Oops! You can't go out Miss Yocson. There's still 30 minutes. Enjoy your date with Mr. Aquino." May mga guards palang nagbabantay sa pinto. Ano ba yan!

"Althea, have your sit here. Enjoy the meal they prepared for us."

Wala na akong nagawa. Umupo na rin ako sa tapat niya. Tiningyan ko yung mga pagkain at wine sa mesa. Parang nakakatakam nga ang hinanda nila dito.

"See, you look like your hungry. Let's have a toast." Linagyan niya ng kaunting wine yung glass ko.

"Are you really not the one behind this?" balik kong tanong sa kanya.

"Your still doubting me? Bakit naman ako mag aatubiling makipag date sayo? You should really thank the one who write both our names in a paper for this booth."

"What should I be thank for?"

singhal ko sa kanya. Nakipag toast na lang din ako. Sinabayan ko na lang 'tong trip niya.

"Dahil you got a chance to date me. The one and only Tyronne Aquino," yabang na sabi nito. Akala ata niya siya na pinaka gwapo dito.

"What's with you that I should thank for? Si Diego Loyzaga ka ba?"

"Yes, you should be. I'm sure there are many girls out there who wants to date me. But you are the one who's lucky to have this memorable blind date with me."

"Eww, this is the worst date to me. What's with the song? You are the one who choose it?"

"Althea, ilan beses ko na bang sinabi sayo na wala nga akong kinalaman dito. Pinag tripan nga lang tayong dalawa." Medyo nagdududa pa rin ako sa Tyronne na to. Kung malaman ko lang kung sino pasimuno nito, lagot siya sa akin.

"Oh siya. Kumain na nga lang tayo. Parang masarap 'tong hinanda nila."

Kumain na rin kami. May cake at salad dito. May mango graham at chocolate fountain din. Magkaka tonsillitis ata ako nito. Nag slice si Tyronne ng cake at nilagay sa plato ko. Magrereklamo na sana ako.

"Wag ka ng mag inarte diyan. Kainin mo na lahat yan. Para tumaba ka ng konti."

"What? Di ako payat hah!" sabi ko. Nag slice na rin ako ng cake at kinain ito.

"Hmmm. Yeah but you will look prettier if you gain a little weight," sabi niya habang naka tingin sakin.

Look prettier daw. What's with this guy? Nauntog ba tuh kanina pag kidnap nito.

"Oh what's with that look Althea May? Wag mong sabihin na inlove ka na sa akin?"

"What? Ang feeling mo boy! Hinding Hindi ako ma iinlove sayo. Never!"

"Hmm. Let's see. Magdahan dahan ka sa mga sinasabi mo. Baka kabaliktaran ang mangyayari," sabay kindat sakin. Kumuha siya ng tissue sa gilid para punusan ang kamay at baba niya.

What? Such a feeler. Kumuha na rin ako at uminom ng tubig. Di ko naman pinapansin 'tong isang tuh sa classroom since first year. Anong meron ngayon at ganito ang kinikilos at sinasabi niya sakin.

Who'd have thought this is how the pieces fit

You and I shouldn't even try making sense of it

Sheess! The song they play now gives me goosebumps. Niyakap ko ang sarili dahil tumatayo ang balahibo ko sa ambiance dito sa loob.

I forgot how we ever came this far

I believe we had reasons but

I don't know what they are

Some blame it on my heart, oh

Tumayo siya at lumapit sa akin. Naglahad siya ng kamay.

"Ano yan?"

"Can I have a dance with you?"

"Dance with you? Stop this Tyronne. Aalis na ako."

"No one will go out guys. You still have 10 minutes left. Enjoy both of your company," rinig kong sabi ng isang member ng banda sa likod.

"You heard her. Can I have this dance Miss?"

Nakakatitig ako sa kamay niyang naka lahad sakin. Sunod kong siyang tiningnan.

"Sige na Althea. Have a dance with him. Wala na mang nawawala kung makipagsayaw ka kay Tyronne," sabi ulit ng babaeng lead vocalist ng banda.

Oh sige na nga. Pagbigyan ko na 'tong mokong na 'toh. Kinuha ko ang kamay niya at dinala ako sa gitna. Sana man lang ay walang ibang nakatingin sa amin except ng banda simula kanina. Pero kanina ko pa naririnig yung mahinag 'ayieee' sa paligid.

Mas lalong gumanda ang mga lights na korteng bituin sa paligid. Sumusunod ang patay sindi nito sa musikang tinutugtog ng banda. Nilagay niya ang kamay ko sa bandang leeg niya. Nakahawak naman siya sa may bewang ko.

Like the ticking of a clock,

Two hearts that beat as one

But I'll never understand

The way it's done, no.

No, no. Napa iwas ako sa titig niya. Anong meron sa mga mata nitong Tyrone na 'toh. Napadami ata ng ininom na wine kanina. Pati ako ay di na rin maintindihan ang sarili. Yung puso ko ang bilis ng tibok. Nagpa paltipate ata ako sa mga kinain ko kanina. Narinig kong tumikhim siya kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"Tapos na ang kanta Thea. You can take your hands away from me. You seem you enjoy our magical dance anyway," ngising sabi nito.

"Enjoy mo mukha mo," tinulak ko siya ng konti. Umalis ako agad sa booth na yun at dumiretso sa comfort room.

"Miss Althea! Althea! Wait!" pigil ng isang studyante sakin. May hawak siyang maliit na microphone at may kasama siyang may dalang camera na kasunod niya.

"What? What do you want guys?" Napapalibotan na rin ako ng ibang usisero.

"We heard you just came out from the blind date booth with Tyronne Aquino. How was it?" tanong nito.

"What? Pati ito pinagkakakitaan niyo ng issue. Para lang sa feature chika eme niyo."

"Ask that guy? Not me." Turo ko sa kakalabas palang na Tyronne galing sa booth room.

Pumunta agad silang lahat sa lalake. Hay nako. Ihing ihi na talaga ako.

"Althea! What's happening? Nag date daw kayo ni Tyronne?" Blyth said. Sumulpot lang ito bigla pagka alis ng mga tao.

"Yes. You heard it right, Blyth. Pwede bang mag cr muna ako."

"Sige. Sama na rin ako. Marami kang dapat e kwento sakin, Thea," sabi niya. Naku, makiki chismis na naman 'tong isang 'tuh.

Pagka labas namin galing sa cr ay hinahanap namin si Claire. Nasaan na kaya si Claire ngayon. Pagka kita ko sa room 4-1 section Newton, nakita ko siyang naka belo. Nasa marriage booth si beshie. Sino kaya yung groom niya.

"Blyth, look. Di ba si Claire yun?" turo ko sa room.

"Oo nga. Nasa marriage booth siya. Tara puntahan natin," sabi niya.

"Teka bakit parang may nagsusuntukan sa loob?," nagtatakang sabi ni Blyth.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status