Share

Chapter 4 - Letters and Roses

Claire's POV

Pagkatapos naming kumain ng tanghalian ay pumunta muna kami sa lockers area. May kinuha kaming libro para sa susunod naming klase at major exam. Pero pagbukas ko sa lockers ko ay bumungad sakin ang sandamakmak na papel at rosas.

"Waww! Daming admirers at suitors, Claire ah!!  Daig mo pa ang mga artista,supermega,unkaboggable stars sa mga admirers at bashers," mahabang litanya ni Blyth.

"Puno na naman lockers mo ngayon, Claire?" tanong ni Althea.

"Oo. Grabeng 'Dejavu'. Naulit na naman ang ganito last 2 years. This is the third time already."

"Here. Kumuha ako ng lima. Buksan niyo ang mga laman baka mga ipis/patay na langaw. . ."

Inabot ko sa kanya ang lima at kumuha siya ng isa dito. "Hala! May ipis nga!" hinagis pa yung envelope bigla palayo samin.

"Wala naman ah!" pagbukas ni Althea sa isang envelope.

"Letters lang 'toh. Tapos 'tong isa, may petals ng rosas," kinuha ni Blyth yung petals na hawak ni Thea at inamoy.

"Hoy! Wag mong amuyin yan baka may lason. Mahirap na," pigil ko sa kanya.

"May patay na ipis sa isang envelope," sabi ni Thea matapos buksan ang isang envelope na kulay dilaw.

"Jusko. Dapat e-report na natin ito," saad ni Blyth.

"Tuwing pebrero ay nakakatanggap ako ng mga ganito. Ang weird lang kasi nangyayari ito kapag birth month ko."

"Sana lagyan na nila ng CCTV cameras dito sa locker areas. Mahirap na baka may nagpraprank na dito na di alam natin kung sino," sabi ni Althea.

"Oh, tama! Gumawa tayo ng request letter mamaya para mapasa natin sa principal," ani ni Blyth.

"Isumbong kaya natin ito sa QED Club," saad ni Blyth.

"Wala namang Detective agency sa school natin. Kinain ka na talaga ng sistema ng W*****d, Blyth," sabi ko sa kanya.

"Ikaw nga kinain na ng sistema ng kpop!"

"Si Althea naman, a lot of international books nakain niya. Hahaha," dagdag na sabi ni Blyth.

"Di ba w*****d reader ka rin Althea?" tanong ko.

"Yes! But I prefer Binibining Mia's stories especially historical fiction. And Blyth prefers mystery and action genres while Claire prefers to watch kpop and kdrams," mahabang litanya ni Althea.

"Anime lover din naman tayong tatlo. 'Don lang ata tayo nagkaka sundo," saad ni Blyth sabay apir.

Last two years ago (February 2016)

I was in school and my first year in high school in Fearless  Academy. During our freshman years, I had a boyfriend named, Nash. One day during our lunchbreak, I ask him heartily for confirmation of something. 'Cause I had this gut feeling that he was cheating to me back then.

"Babe?"

"Yes babe, why?" Nash asked while touching gently my hair.

"Hmmm. How much do you love me?" while looking straight to his eyes.

"I love you so much babe. And I will love you 'till my last breath."

"Thank you so much babe," and then I kissed his cheeks.

"How about me?" he asked.

"Same as yours babe."

"CLAIRE! HOW DARE YOU?!!" May biglang sumulpot na isang babae.

"SABRINE!!" Si Nash ay nabigla rin sa pagsulpot nito.

"Oh Nash?! Yes! It's me," showing her best between us. "HOW DARE YOU TOO?!!" Ipinagsabay mo kaming dalawa," tinulak niya si Nash.

"At ikaw CLAIRE," hinablot niya ang buhok nito.

"Ang kati kati mo talaga! Kahit alam mong taken na yung tao, pinapatulan mo pa rin."

"SAB!! Tama na yan," sigaw at pigil ni Nash kay Sab.

"Wala siyang alam kung anong meron satin."

"Nash is right, Sab. He never told me that his already ta---" I told the her.

"Nagmaang-maangan ka pang hindi mo alam. Nahuli na kita. Kayo!" Hahablutin pa sana ni Sabrine buhok ko pero pinigilan siya ni Marco.

"Tama na, Sabrine. Please. Nakakatawag ka na ng pansin dito sa school," mahinang sabi niya.

"Whatever and who cares? And you Nash, ang kapal ng mukha mong ipagsabay mo kami. Di mo ba alam hah! Iyang babae yan. . ." She burst in anger or she is indeed jealous. Sino ba namang babae na malalaman mong in relationship din sa ibang babae ang nobyo mo. We are both victims here. Maybe a misunderstanding. 

"Sabrine, I'm sorry. Nash, aalis na ako."

"Pero Claire??!" Di ko na siya pinansin sa mga tawag niya sa akin. Umalis na ako kaagad palayo sa kanila.

"Tss. And you Nash, we're done, too!" galit na sabi ni Sabrine.

"S-sabrine?! Pwede namang pag-usaphan natin ito."

"Cool-off!"

"Cool-off?!! But. . ."

Wala nang magawa si Nash dahil nag walk-out na ang nobya. Dahil sa iskandalo, nagpasya siya na wag nalang pumasok sa afternoon class niya.

"Hey! Claire, are you okay?" Tanong ni Althea at hinawakan ang kanang kamay ko. Nandito na pala kami sa garden park ngayon. Hindi ko man lang namalayan. Nagpapahangin kasi kami dito dahil sa 2 hours vacant after ng exam sa Trigo kanina. Last subject na namin mamayang alas tres ng hapon. Two days ang Pre finals namin at tig 2 hours ang pagitan. Bali 4 subjects kada araw.

"Claire, what's up on your mind kanina? Napansin kong malalim ang iniisip mo," tanong sakin ni Blyth.

"Inaalala mo pa ba yung nangyari kanina sa locker area natin," Althea asked while reviewing her History notes.

"Hmm. Yes Thea," Malungkot kong sabi. I also get my notes from my my bag for the last subject.

"Wag mo nang abalahin yon. May exam pa tayo. Hayaan mo kami ni Althea ang mag iimbestiga sa case bukas after ng exam natin."

"Wag na kayong mag abala guys. Let's focus first in our exams. But tomorrow is another day, I'm sure of it," tiningan ko silang dalawa. Nagka tinginan sila at napa cross ng kilay. Mabuti na lang ay na divert ko ang attention nila. Habang ako ay iniisip pa rin ang prank kanina. I left a sigh still wondering what I did to deserve this prank.

'Letters and Roses? Who is really behind on this?  May connection kaya ito sa confrontation na nangyari samin ni Nash at Sabrine before?'

Third person point of view

"Nagawa mo ba ang dapat mong gawin," tanong ng naka cap na studyante sa old building ng school.

"Yes, naisagawa ko nang maayos."

"Sinigurado mo bang walang naka masid sayo?"

"Opo. Nasa klase lahat ng studyante ng isagawa ko ang plano."

"Mabuti. Maari ka nang umalis. Maraming salamat."

"Walang anuman."

Ngumisi siya at nilisan na rin ang lugar. Habang papunta siya sa second building ay nahagip ng mga mata niya ang tatlo sa garden park. Minamasdan niya sila na may ngisi sa labi at poot sa mata.

Dalawang araw ang lumipas pagkatapos ng locker prank incident, kakalabas lang ni Claire sa cubicle nang may biglang...

"Aray! Ano ba?" May biglang humablot sa buhok niya.

"Claire! Totoo ba na may relasyon kayo ni Patrick ko?" tanong nito sa kanya.

"Patrick?! Sinong Patrick?!" gulong tanong ni Claire habang inaayos ang nagulong buhok.

"Ahhh. So, maraming Patrick pala ang pinagsabay mo. Pati yung Patrick na taga sophomore naging kayo rin?!"

"Sofia! Tama na, ano ba? Di ko alam yang pinagsasabi mo."

"Bitch! Kung hindi mo hihiwalayan si Patrick ko, be ready! Ikaw ang unang patitikman ng evil side ko!" singhal nito at hinila ulit ang buhok ni Claire.

"Tss."

"Cause I will make sure na hindi mo makakalimutan ang kaya kong gawin, Claire. Kahit na ikaw pa ang Queen B dito sa school, wala akong pake!" bulyaw nito sa mukha ng kausap.

"As you wish, bitch."

Unang lumabas si Sofia sa comfort room. Inayos muna ni Claire ang sarili at tsaka sunod na lumabas na parang walang nanguyari. Nagkataon pa na walang ibang tao sa comfort room maliban sa kanilang dalawa. Napagkamalan lang siya na umaaligid sa boyfriend nung babae kahit hindi naman.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status