Share

Chapter 2 - Chismis

Althea's POV

Nandito na kami ngayon sa food court. Habang hinahanap yung favorite spot namin ay naka sunod si Blyth samin ni Claire. Sobrang busy maglaro ng online games sa cellphone niya. Kaya hindi niya napansin na may paang nakaharang sa daanan. Ang resulta muntik na siyang matapilok. Mabuti ay di siya masyado napasubsob sa sahig. 

"Sige! COC pa more, beshie! Hahaha!" humagalpak ng tawa si Claire. Kahit ako ay napatawa na rin sa kaadikan sa COC nitong kaibigan namin. Siya ang gamer saming tatlo.

"Ganyan na man kayo lagi! Sa halip na tulungan niyo ko, tinawanan niyo lang ako," reklamo niya habang ang mukha ay naka simangot. Pagkatapos ay pinagpagan niya ang sarili at ni-check ang phone kung nagasgasan ba ito.

"Sino ba yang paa na haharang-harang sa daan?! Alam niyo namang daanan yan ng tao," sigaw niya habang may hinahanap sa paligid.

Hays! Attention seeker talaga itong isang 'to. Yung ibang studyante ay napalingon na rin samin, sa kay Blyth. Lumalabas na naman ang ka-angasan ng babaeng ito.

"Ako, bakit? May angal?" sagot ng no. 1 bully sa school, si William. Tumayo siya malapit sa amin habang naka bulsa ang dalawang kamay.

"Ikaw! Sinadya mo ba yon? Alam mo bang daanan ito ng tao? Pasalamat ka hindi ko nabitawan itong phone ko. Kapag nangyari yun, baka nasuntok na kita." 'Tibo' talaga ito as always. Kahit sino, mababae o lalake man ay handa itong maki pagsuntukan. Maikli lang din ang pasensya nito.

"Buti nga sayo! Iyan ang resulta kapag naglalaro ng Class of Clan kahit naglalakad. Kababaeng tao," rinig kong bulong niya. Pasalamat siya hindi ito narinig ni Blyth. Kung narinig man niya ay siguradong nasikmuraan na siya nito.

"Ano bang pakealam mo doon? Parang hindi ka rin naglalaro ng COC, ah?" May tinuro siya. Napansin niyang may celpon na naka on ang screen sa lamesa nila.

"Naglalaro rin naman ako pero sa tamang lugar. Hindi katulad mo na kahit naglalakad, naglalaro pa rin. Watch your steps Miss."

"Ahh! so, anong tawag diyan?" tinuro niya yung nag-iisang cellphone sa lamesa. Binalewala lang niya yung huling sinabi ni William.

"Naglalaro habang kumain? Diba mas makasalanan yun?!" taas kilay na sabi ng kaibigan namin.

Oo nga. Mas makasalanan yun at sabay kami ni Claire na napa buntong hininga. Hindi talaga siya magpapatalo sa bangayan. Aawatin na sana namin pero napansin kong sisingit na yung isang kasama niya.

". . . . ." dilat ang mga mata ni William na nakatingin sa cellphone niya sa lamesa.

"William! That's enough! You look gay there making an argument with a woman," singit ng SSG President na si Allen. Syempre kilala ko, pinsan ko siya.

Tumahimik bigla si Blyth habang nakatitig saglit kay Allen. Siguro mga 3 seconds din yun. Ano kayang meron. Nagka tinginan din kami ni Claire sabay nguso sa kanila nang bahagya.

"Tse! Bahala kayo! Pagsabihan niyo iyang kaibigan niyong nagmamagaling. And tell him how's the proper posture in eating and table manners too," singhal niya at naglakad na siya patungo sa bakanteng table sa may unahan. Sumunod na agad kami sa kanya. Bago kami makalayo sa kanila ay narinig pa namin ang usapan ng tatlong kaibigan.

"Tsk. Kung hindi pa sumingit si Allen, hindi titigil 'tong Martinez na ito," sabi ni Tyrone, isang kaibigan din ni William.

"Kaya nga binansagan siyang The Bully dito! Kahit babae, lalake, bakla o tomboy papatulan niyan," dagdag ni Allen.

"Ewan ko sa inyo! Kumain na nga kayo," sabi ni Wil at ininom ang orange juice niya.

"Hahaha! Bakit nabadtrip ka bigla Tol?" tanong ni Tyrone.

Papalayo na kami sa mga feeling F4 doon kahit na tatlo lang naman sila. Nandito na kami ngayon sa favorite spot namin naka-upo. Nandito kami sa may gilid, malayo sa mga feeling gwapo malapit sa counter. Mga Attention seeker din na feeling sikat at naghaharian dito sa school lalo na yung Tyrone. Nagkataon lang naman na barkada nila yung SSG President ng school kaya ganyan sila. Habang nasa table ay di pa rin naka get over si Blyth sa nangyari kanina.

"Bwesit!"

"Uy! Beshie! Pasalamat ka hindi nahulog iyang phone mo." Pagkakalma ni Claire sa kaibigan habang pigil ang tawa at parang kinikilig.

"Oo nga beshy! Kung hindi pa inawat ni Allen si William, siguro iniwan ka na namin doon sa kanya," dagdag ko.

"Ganyan naman kayo lagi! Mas sang-ayon kayo sa Manong na yun?"

"Uyy! Atleast pinansin ka ni Allen a.k.a The Silent Chiller," sundot niya sa tagiliran ni Blyth dahil magkatabi sila ngayon.

"Aminin mo na. Titibo itong kaibigan namin pero titibok pa rin ang puso..... kay Allen," bulong ko para walang makarinig samin.

"Ewan ko sa inyo. Tse! Tigilan niyo nga ako. Anong pinagsasabi niyong Allen," saway ni Blyth samin.

"Kumain na nga tayo. Malapit na rin next class natin," dagdag niya.

"Oh! Sige! Libre ko na lang kayo beshies," hirit ni Claire. Anak mayaman kasi itong isang kaibigan namin. Even if she came from a broken family, her father still supports her financially.

"Game ako riyan. Isang pineapple juice at pizza sakin," sabi agad ni Blyth.

"Ok! Noted. Anong sayo Althea?"

"Isang lemon juice at burger. Thank you Claire."

"Noted. Maiwan ko muna kayo saglit. Bye bye."

Umalis na si Claire. Alam kong magpapansin lang yon kay Tyrone. Parang kasing kinikilig kanina. Biglang huminhin si beshy. Pero ano bang meron kay Tyrone. Di naman siya kagwapuhan. Mas gwapo pa kapatid ko kaysa sa kanya. Habang umoorder si Claire ay sigurado akong nakikinig siya sa usapan ng mga boys.

Claire's POV

'Omoo! Ang gwapo talaga ni Tyrone!'

'Ay! Ang hottest of the hotter din pala.'

Nung ako na ang mag oorder, tinanong ako agad ni Ate kung ano ang ooderin ko.

"Hi Ma'am, ano po ang orders niyo?" ngiting tanong ni Ate sa akin.

"Hello po Ate! Tig-iisang pineapple, lemon, at orange juice po. Tsaka tig-iisang pizza, burger at ham sandwich."

"Okay. Hintay ka lang saglit iha hah!"

Papalapit ako ngayon sa 'F3' ng Swift Academy. Nandito na ako sa counter ngayon. Habang nag hihintay ako ng orders namin, rinig na rinig ko yung usapan ng tatlo. Malapit lang kasi sila dito sa counter area dito sa food court.

"Tol! May plano ka na ngayong prom night?" tanong ni William sa dalawa niyang kaibigan.

"Excited ka na tol? Ako wala pa. Next month pa naman," sabi ni Tyrone.

"Ang ibig kong sabihin ay anong plano mong theme o motif," paglinaw na tanong ni Wil kay Allen.

"Ahh. Siguro 'fairytale'. Prince & princesses ang tema," saad ni Allen.

"Ang baduy naman. Bakit hindi natuloy yung black & white?" reklamo ni Wil. 'Ang ganda kaya ng motif na fairytale. Iba talaga taste nitong unggoy na 'toh.'

"Baka may pag-asa pang e-change ng mga teacher, tol?" tanong ni Tyrone. Hindi rin pala siya boto sa fairytale motif para sa prom night.

"Parang wala ng chance na ma iba kasi na-approve na ng principal last year," aniya sa dalawang kaibigan.

'Yes! Salamat at na approved na.'

"Ehem! Miss, 165 po lahat," rinig kong sabi ng kaharap ko, ang cashier.

"Ay! Sorry po Ma'am. Heto po bayad ko," sabay abot ko ng pera.

"Received 200. Change 35 pesos."

"Yes! Thank you." Kinuha ko na yung sukli at dinala ko ang tray papunta sa table namin.

'Goobye! Tyrone my forevs. Mwuah!' Pag sulyap ko sa kanila ay nakatingin na siya sakin. Kaya nataranta ako. Binilisan ko na lang ang lakad ko papunta sa table namin. Muntik ng masagi yung mga juices dahil marami akong nabanggang studyante. Panay yung 'sorry' ko sa kanila. Nakadating naman ako sa pwesto namin nang matiwasay.

"Hays! Atlast naka-abot din dito." Nilapag ko ang mga order nila. Nakaka hagard yun ah.

"Salamat at naka-abot ka dito beshy na hindi na ubos tong juice namin," sabi ni Althea at ininom yung pineapple juice niya.

"Hahaay! Salamat kaayo."

"Nag aalien ka na naman diyan. Salamat lang naintindihan ko," sabi ni Blyth.

"Salamat ng marami ibig sabihin nun beshie."

"Kumusta naman yung ngiti mo galing doon?" nguso ni Althea sa mga boys.

"Oo nga. Anong nasagap mong chismis sa mga manong doon?" malisyosong tanong ni Blyth. 

"Ano ito, 'Question& Answer' portion?" reklamo ko.

"Ahh! Sige, sa dorm na lang tayo mag usap tungkol diyan. Baka may makarinig sa atin," bulong ni Blyth kay Althea.

"Yay! Supportive talaga kayo kahit kailan. Kansamhamida!" sabi ko at pumalakpak. Kumain na rin ako ng snacks at uminom ng iced tea.

Pabalik na kami ngayon sa room 3rd Year - Galileo. Dahil wala pa ang teacher namin, nag-uusap kaming tatlo ngayon.

"Beshies! May chicka akong narinig kanina sa canteen," sabi ko sa kanila. Sinabi ko na lang sa kanila ngayon. Wala pa kasi yung guro namin.

"Ang chismosa mo talaga. Anong chismis ang nasagap mo. Tungkol Kay 'Tyrone' na naman ba yan?" tanong ni Blyth.

"Shhhh! Hindi! Ano ka ba, Blyth." Pinandilatan niya ito ng mata."Tungkol ito sa darating na prom night ngayong february."

"Ganun ba? Anong meron ngayong prom natin?" tanong sa akin ni Blyth.

"Fairytale ~ princes & princessess daw ang motif."

"Talaga? Oh my G! Ang ganda ng idea na yan," sabi ni Althea.

"Oo nga. Naiimagine ko na anong pasabog ni Blyth diyan! Haha!" dagdag na sabi niya.

"Oo nga naman. Talagang kahit bading ma-iinlove Kay Blyth ng wala sa oras."

"Magandang umaga class!" Hindi namin namalayan may pumasok na pa lang prof.

"Magandang umaga rin po, Maam Ellie."

"Pwede na kayong umupo."

"Kunin niyo ang History Book at buksan ito sa pahina 257," bungad na sabi ni Ma'am sa amin.

"Grabe si Maam. Discuss agad," rinig kong bulong ng seatmate ko.

"First day class of 2018, history agad. Hays! Kaya siguro tumatandang dalaga si Maam Ellie. Tsk," rinig kong sabi nung nasa likod ko.

'Kung puro sila reklamo, mas mabuti na hindi na lang sila pumasok ngayon."

"Class, are you with me?"

"Yes po Maam."

"Okay, ipagpapatuloy natin. Ang blah. Blah. Blah. Ay nangyari nung bla. Bla. Bla."

"Please highlight these part class. May possibility na lalabas ito sa Prefinals niyo next week."

Paalala ng teacher sa amin. Ang history class namin ay tungkol sa mga time series at kung sino at kailan sinakop ng mga dayuhan ang Pilipinas. Hays! Siguradong perfect score na naman si Althea nito sa major exam namin next week. Lahat ng subjects yata favorite niya except sa Science which is favorite ko. (evil laugh) Nang matapos na ang class namin ay napansin ako ni Althea na tumawa ng mahina.

"Uy! Claire, bakit biglang napatawa kang mag isa riyan?" tanong niya sa akin.

'Napalakas ko ata ang tawa ko,' lumingo ako sa kanya. Magkatabi kasi kami.

"Siguro hindi pa yan naka move on kanina sa foodcourt. Hahahah," asar ni Blyth na naka upo naman sa likod ko.

"Hah! Hindi noh? Balewain niyo na yun. Di ba about sa prom lang naman ang narinig ko," sabi ko.

"Hays. Chismosa ka rin ano?" sabi ni Blyth with matching taas ng isang kilay niya.

"Yeah! Whatever. Hahaha. Kayo rin naman ah."

"Pero kami talaga ang excited sa major transformation mo sa prom, Blyth," asar ko rin sa kanya. Ano akala niya siya lang marunong mang-asar.

"Oo nga, Blyth. May ghad! Hindi ko tuloy ma-imagine na naka make over ka for the first time in your life," sabi ni Althea with matching twinkled eyes. Hahaha. Na imagine niyo itsura niya nun.

"I'm excited to see you wearing a gown Blyth!"

"Yah! For the first time and the last," simangot ni Blyth.

"Anong first time and last? May senior ball pa oy! May 4th year pa."

"Hindi na ako sasali. Sapat na yung isang experience."

"Compulsory yun. KJ ka talaga. Hindi mo ma e-enjoy yung last year mo sa highschool," paalala ni Althea.

"Oo nga. Dapat next year, gagawa tayo ng maraming memories, a memorable one. Kahit nga ngayon ay sulitin na natin."

"Aysuss! Ibang memories yata ibig sabihin mo Claire. Hahaha."

"Hahaha. Baka unforgettable memories with her special someone," dagdag ni Althea.

"Ano na naman ba ang iniisip niyo hah?" iritang tanong ko at nagcross arm.

"Ay! Wala wala. Sa amin na yun ni Althea. Bleeh!" belat ni Blyth sakin.

Ewan ko sa mga kaibigan ko. Kung ano-anong iniisip tungkol sa akin. Hindi naman nila shine-share. Hays

Pagkatapos ng ilang minuto, nandito na ang next prof namin sa English. Si Miss Karen talaga laging late.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status