Share

Chapter 3 - Pre Finals

Althea's POV

"May ghad! beshies! Malapit na Pre-Finals exam natin," lumapit si Claire sa amin. Kakapasok pa lang niya dito sa room.

"Oo nga! This thursday and friday na," mangiyak-giyak na sabi ni Blyth.

"Ano ba kayo, wag kayong ma pressure. Relax lang."

"Thea, kaya ganyan ka lang ka relax kasi wala kang pro-problemahin sa darating na major exam. Sisiw mo lang lahat yun," simangot ni Blyth.

"Hays! Sana all," sabi naman ni Claire.

"Pinaka problema ko nga ngayon yung Math. Jusko. Huhuhuhu," dagdag niya.

"Blyth, wag kang mag-alala. Katabi kaya natin si Althea," habang kinikiskis ang mga palad niya.

"Ay! Oo nga noh! Galing mo talaga Claire," niyakap ni Claire si Blyth sa bewang.

"Guys, nakalimutan niyo na ba na set A at set B ang style ni Sir Bank?" paalala ko sa kanila. Baka nakalimutan nila na strikto si Sir lalo na pag major exam kaya dalawang sets.

"Ay! Oo nga pala ! ! Wala na talaga akong pag asa," malungkot na sabi ni Blyth.

"May pag asa pa Blyth. Punta kaya tayo sa library mamayang vacant time natin," suhetisyon ko.

"Oh sige! Game ako. Pero pwedeng doon na lang tayo sa may mga puno? Mas tamihik at presko kasi doon," suhetisyon ni Claire.

"Hmmmm. Oh sige. Doon na lang tayo," pagsang-ayon ko.

Kakapasok pa lang ng guro namin sa Chemistry na si Sir James. Pinaalala niya samin ang papalapit na Pre Finals examination sa thursday at friday. Isang araw na lang ay pre finals exam na ng mga studyante sa Swift Academy.

Recess time ng mga studyante sa Swift Academy ngayon. Maraming mag-aaral ang busy sa kani kanilang notes sa school library. Yung iba ay nasa garden park ng school kung saan open area malapit sa field. Maraming upuan at lamesa naman at may mga puno. Para ito sa mga mag-aaral na gustong tumambay, mag-aral o kaya'y nagpapalipas lang ng oras nila.

Blyth's POV

"Grabe! Nakaka stress naman nito!" reklamo ko. Feeling ko ang hagard ko na dahil lang sa Trigo.

"Ano ka ba Blyth. Ganito lang yan oh!" paliwanag ni Althea sakin for the nth time.

Sa aming tatlo ako lang ang pinakamahina sa Math especially sa Trigonometry. Okay lang kung Algebra pa yan kaysa nito. Naku!

"Hindi talaga ako kukuha ng Engineering courses sa college. Para wala na akong ma-encounter na ganitong mga problem."

"Pero kailangan mong intindihin 'tong mga basic formulas katulad nito," tinuro ni Claire sa notes ni Althea. Naintindihan na kasi niya.

"But you should pass this subject at nang makaka graduate ka sa highschool. . .on time," sabi ni Thea.

"At makapag-enrol ka sa college," tuloy ni Claire sa sinabi niya.

"Buti ka pa Claire, madali mo lang naiintindihan yang mga yan."

"Ano ka ba! Ito lang naman tatandaan mo oh!" Si Claire naman yung nag explain sa akin. Tinuro niya ang mga importanteng formulas na dapat tandaan.

Pagkatapos ng ilang minuto naintindihan ko na yung mga basic formulas. Thanks God! Madali lang palang i-analyze. Pero atleast hindi ako umabot sa pag aanalisa before our next subject. Sarili ko lang pala naghahanap ng mahirap. May mas madaling paraan naman pala para mas ma gets agad yung Trigo. Medyo ready na ako sa pre finals namin bukas.

Tyrone's POV

Miyerkules ngayon ay nandito kami ng mga kaibigan ko sa may mga puno sa garden park ng shool at nag-aaral para sa Pre Finals. Syempre good boy kami. Hindi kami katulad ng iba na may itsura pero walang maibubuga sa acads.

Rinig na rinig nga namin sila Althea at na tinuturuan si Blyth ng Trigo para sa exam bukas. Grabeh! Parang sila lang may ari nitong lugar dito. Nangigibaw mga boses nila lalo na si Claire. Binabasag nila ang katahimikan sa pwesto namin at nang ibang studyanteng nag-aaral dito.

"Allen, pagsabihan mo nga yang mga babae na yan," turo ni William sa tatlong magkakaibigan.

"Grabe! Parang nasa kabilang bakod yung kausap nila. Nasa harap lang naman nila si Blyth," iritang sabi nito.

"Hayaan niyo na guys. Minsan lang naman sila dito. Tsaka tinutulungan nila yung kaibigan nila para sa parating na major exam," saad ni Allen na ikinagulat namin ni Wil. 'Something's fishy.'

"Uyyy! May gusto ka isa sa kanilang tatlo, Allen noh!?" tanong ni Wil.

"Hah!? Wala noh??! Grabe kayo mag isip mga Tol," balik-tanong niya sa kaibigan.

"Hahaha!" tumawa bigla si Wil sa kalagitnaan ng katahimikan sa garden park.

"Shhhh!" saway ng mga nagambalang halakhak ni Willam. May mga estudyante rin na malapit sa amin ang nag rereview dito.

"Uyyyy, tol? Para kang si Damulag kung makatawa dyan," tapik ni Allen kay Wil.

"Hoy! Magsitahimik nga kayo, lalo kana Tsokoy. Pssh."

'Yung mga nakatingin samin kanina, tumawa na lang ng mahina ngayon. Hahaha. Natakot kay BJ. Pero yung iba parang kinilig kahit mga lalake at bakla.

"Grabe! 'tong mga lalake natoh. Attention Seeker!" rinig ko pang sabi ni Blyth sa kabilang table na dalawang lamesa ang pagitan samin.

"Hoy! Blyth Jann! Anong Attention Seeker! Ikaw pa nga mas bagay tawagin ng ganyan. Kanina ka pa daldal ng daldal diyan. Rinig na rinig ka namin mula dito," tumayo pa si Wil niyan. May hinanakit talaga 'toh kay Blyth.

Blyth just mocking him that make Will burst in anger. Dahil sinaway siya ni Althea na wag nang patulan.

"Enough Wil! Wag ka nang gumawa ng ka dramahan dito. Sa isang maliit na bagay, ano ka ba?" saway ni Allen sa kaibigan.

"Tara na nga mga ToL!" Punta na tayo sa foodcourt. Nagutom ako bigla." Change topic ng kaibigan habang linalagay ang mga libro at gamit sa bag.

"Sama ako sayo Papa Wil."

"OhEmGi! Mamaya na lang kayo umalis Please."

"Fafffeeeeeesss!!! Dito muna kayo. Para ma inspire kami lalo sa pag aaral."

Rinig naming sabi at bulong sa paligid. Nagka Instant Popular na naman kami sa ka engotan ni William. Sumunod na rin kami ni Allen sa kanya.

Blyth's POV

"Grrrr! Kaasar yung tsokoy na yun ah," gigil kong sabi.

"Uyyyy! May gusto sila satin kaya ganun," asar ni Claire.

"Tse! Wala akong gusto sakanila kahit isa," sabay wasiwas ng mga kamay ko.

"Hahahahha! Weh! Support ka pa rin namin ni Althea sa crush mo," sabi ni Claire.

"Ayiieeh! Pinagtanggol ka pala ni Papa Allen mo kanina," sundot niya sa tagiliran ko.

"Psss! Ewan ko sa inyo," sabay tingin ko sa relo. Malapit na palang mag alas tres ng hapon. Nagutom ako bigla dahil sa Geometry.

"Punta na tayo sa food court, besh. Nagutom ako sa pag solve ng geometry kanina". Hinihimas ko ang kumakalam kong sikmura.

"HAHAHAHA!" sabay pa talaga silang tumawa.

"Kung ayaw niyong kumain, geh! Mauna na ako."

"Uyyyy! Mauna na raw siya. Ayieee," rinig kong bulong ni Althea.

"Pupuntahan lang naman niya si Papa Allen sa food court."

"Sinusundo kita. Sinusundoooo," asar ni Claire sakin habang kumakanta.

Ang sama nila. Akala ko ba mga tunay ko silang kaibigan. Akala ko secret lang namin ang tungkol sa crush ko. Di ko nga alam sino crush nila. Ang unfair naman.

At tumawa na naman silang dalawa nang malakas. The students here are all eyes on us with their look like saying, 'What are these girls doing? Is this their place? This place is for studying and reviewing only.'

"Mauna na ako sa room guys. Nawala gutom ko dahil sa inyo."

"Bye!" paalam ko sa kanila. Didiretso na lang ako sa classroom namin. May baon naman akong sandwich at chocolates dito. Bibigyan ko sana sila kaso parang ako na ang kakain ng lahat ng baon ko.

Claire's POV

"Confirm! May crush nga si Bylth kay Allen. Napansin mo rin yun Thea?"

"Oo. Indenial pa siya. Hahaha. Halata naman kahit di siya umamin satin," sagot niya.

"Pero pansin ko ayaw niyang inaasar siya sa kanya. Umiinit bigla ang ulo," dagdag na sabi ni Thea.

"Oo nga. Pero ang sarap niya kasing asarin. Hahaha."

"Tara. Mag snacks na rin tayo. May 15 minutes pa naman before our next subject," sabi ko kay Thea.

"Uyy! Pupuntahan mo rin si Tyrone doon noh! Kunwari kakain ng snacks."

"Hah? Anong kinalaman ko kay Tyrone pag mag snacks tayo?"

"Ah wala wala. Tara sa food court. Nagutom rin ako," hinimas niya ang tiyan niya.

Ito talagang si Althea minsan di ko gets. O baka napapansin niya na rin na crush ko si Tyrone. Omg! Halata na ba ako masyado?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status