Dahan-dahang ibinalik niya ang kurtina at inayos ang pagkaing nasa lamesa. Mukhang galing sa isang restaurant ang pagkain kaya masasabi niyang hindi naman ganoon kahirap sa buhay ang lalaki. Nagpasya siyang mamaya na lang kakain paggising ng lalaki. Nagising si Rafael at hindi kumportable sa posisyon. Gusto niyang mag iba ng higa ngunit kumirot ang tagiliran niya. "Ah fuck!" Napamura siya nang igalaw niya ang braso ay sumakit din iyon. Napabalikwas ng bangon si Jenny nang marinig ang tinig ng lalaki. Natakot pa siya noong una at nagulat nang makita ang paligid. Nang marinig muli ang daing ng isang lalaki na tila nasasaktan at saka lang niya naalala kung nasaan siya. Dali-dali siyang bumangon at nilapitan ang binata. "What are you doing here?" gulat na tanong ni Rafael sa babae nang bigla itong bumungad sa harapan niya."Aalagan ka, remember?" patanong niya ring sagot dito at ngumiti. Mahinang napamura si Rafael at muling sinubukang bumangon ngunit parang lamog ang tagiliran niya a
"Ho-hoy, ano ang gagawin mo?" kunwaring sita ni Jenny sa binata upang pagtakpan ang pagkapahiya dahil nahuli pa rin naman siyang nasilip sa siwang ng pagitan ng mga daliri."Hindi ako makatulog nang maayos na may suot na t-shirt, puwede mo ba akong tulungang maalis ito?""Pangtaas lang ha?" naninigurado niyang tanong sa binata."Tsk, kung marumi ang iniisip mo sa akin ay bakit nandito ka pa?" Napalabi si Jenny at nagsusungit na naman ang binata. Ngayon niya lang napansin ang uri ng t-shirt na suot nito. Alam niyang branded iyon at hindi na niya alam kung nasaan ang damit pang trabaho na nakadoble lang pala sa suot nito kanina. Tumayo na siya at tinulungan ito bago pa magtaas na naman ng boses sa kaniya. Hirap itong itaas ang isang kamay dahil may injury. "Oh la la... ang daming pandesal!" tili ni Jenny sa isipan."Tama na ang pantasya sa katawan ko at matulog ka na." Pagtataboy ni Rafael sa dalagang tulala nang nakatitig sa katawan niya."Ang init sa kinahigaan ko, puwede dito na a
Pagkalabas ni Jenny sa banyo ay halos manginig pa siya sa lamig. Para naman kasing may yello ang tubig. Ginutom na rin siya kaya hindi na pinansin ang paligid at mabilis na dinampot ang kapeng nangangalahati na ang laman."Don't!"Naudlot ang paglapat ng bibig ng tasa sa labi niya dahil sa sita ng binata."Here." Kinuha ni Rafael ang hawak na tasa ng dalaga at pinalitan.Nagmamadaling dinampot ni Roger ang tasang binitawan ng dalaga at nagpaalam. "Lalabas na po ako, sir."Awang ang bibig na sinundan ng tingin ni Jenny ang lalaking nagmamadaling lumabas. Hindi niya napansin ito kanina dahil halos matakpan ang mga mata niya ng towel na nakapatong pa sa ulo niya."Next time be careful, hindi lang ako ang lalaki dito. Hindi ka na bata para hindi malaman na masama ang basta na dumampot ng pagkaing kinakain ng iba."Bahagyang humaba ang nguso ni Jenny at napahiya. Hindi naman siya ganito talaga. Ewan ba niya, sobrang kumportable siya sa kaalamang si Rafael ang kasama niya. "Akala ko kasi k
"Pare, ano ang nangyari sa iyo?" pangangamusta ni Luis habang sinusuri ang katawan ng kaibigan."Doon tayo!" Sa halip na sagutin ang kaibigan ay tinuro niya ang isang nakatayong tent na madalas niyang tambayan kapag naroon siya sa site.Mabilis na inalalayan ni Luis ang kaibigan at mukhang nakirot ang tagiliran nito sa bawat hakbang. "Ano ba talaga ang nangyari sa iyo? Malakas ka naman nang maghiwalay tayo nakaraang araw. Saka sino si Jenny Villamor?""Tsk, ang dami mong tanong." Pumalatak si Luis bago umupo paharap sa kaibigan. "Ito na ang resulta nang pinaimbistigahan mo kagabi. Mukhang napakaimportante ng babaeng iyan at pinag aaksayahan mo ng oras?""Ayaw kong may ibang makaalam nang tungkol dito."Mataman na pinagmasdan ni Luis ang kaibigan at inaalam kung seryuso na talaga ito. Nang manatili itong seryuso ay saka lang nakumpirmang tama ang hinala. Mabilis na binuklat ni Rafael ang folder na dala ng kaibigan at binasa ang nilalaman niyon."Iba siya sa babaeng nakilala mo. Bunso
"Matulog ka nang muli at may trabaho akong tinatapos."Mabilis na humiga si Jenny sa kama ng binata at tumagilid paharap dito. "Ano ang ginagawa mo?""Work," maiksing sagot ni Rafael habang nakatutok ang tingin sa laptop."I hate work," aniya bago tumihaya ng higa.Nilingon ni Rafael ang dalaga, nakataas na naman mga paa nito sa dingding habang nakatingin sa kisame."Mabuti na lang masipag ka magtrabaho." Pumaling ang ulo ni Jenny sa gawi ng binata at ngumiti.Mabilis na iniwas ni Rafael ang tingin sa labi ng dalaga at muling tumutok ang mga mata sa laptop."Inaantok na ako, huwag kang umalis ha at baka may pumasok na ibang lalaki dito.""Put down your feet.""I can't sleep kasi na walang sinasandalan ang mga paa ko."Naiiling na sumandal si Rafael sa headboard. Tig isang unan lang kasi sila at ang kaniyang unan ay nakalagay sa likod niya.Nang makita ni Jenny na abala ang binata sa ginagawa at hindi naman siya pinapaalis sa kama nito ay parang trompong umikot siya ng higa. Umunan siy
Sinundot ni Jenny ang pisngi ng binata nang hindi na ito gumalaw. Kasuwerte naman nito at nakayakap sa kaniya. Pero hindi niya napigilan ang sariling ilong na ilapit sa bibig ng binata na na bahagyang nakaawang. Ang sarap samyuhin ng mabining paghinga nito. Muli niyang sinundot ang binata at sa pagkakataong ito ay sa ilong na ngunit ayaw pa ring gumising. Pilyang ngumiti siya at mabilis hinalikan ito sa pisngi."Ayaw mo pa ring gumising?" kausap niya sa binata at pinisil ito sa labi."Stop it, Jenny, I'm still sleepy!" Humaba ang nguso ni Jenny at kahit inaantok pa ay ang sungit pa rin ng binata. "Gutom na ako."Mahinang ungol lang ang isinagot ni Rafael sa dalaga at bumitaw na nang yakap dito. Lalo lamang nainis si Jenny nang tumihaya na ang binata. Mabilis siyang umupo sa tabi at nagreklamo. "Kapag hindi ka gumising ay ikaw ang kakainin ko." Pananakot niya sa binata sabay lapit ng bibig sa tainga nito."Tsk, wala pa ba si Roger?" Tumuwid siya ng upo at hinawi ang kurtina. "Wala
"Ano pala ang nangyari sa braso mo?" pigil ni Luke sa pag alis ng pinsan."May kailangan ka pa ba?" Sa halip na sagutin ay mukhang naiinip na pinagmasdan ni Rafael sa pinsan."Rafael, maingat ka sa sarili mo kaya nakapagtaka na nagkaroon ka ng injury? Hindi ba dapat ay mas naaalagaan ka ngayon dahil mayroon ka nang nakakasama?" Pailalim na tiningnan ni Laila ang babaeng kasama ni Rafael."She's my girlfriend not a nanny." Malamig na tugon ni Rafael.Proud na nag angat ng mukha si Jenny at ngumiti sa babaeng mukhang matapobre. "Mukhang mas concern pa siya sa iyo kaysa asawa niya."Namula ang pisngi ni Laila dahil sa inis sa sinabi ng babae. "Rafael, look! Marumi ang iniisip niya, masama bang mag alala ako sa iyo?" Napatikwas ang kilay ni Jenny ag mukhang inapi niya nang husto ang babae kung umakto. "May asawa ka na at nasa harapan pa natin. Tama ang nobya ko, intindihin mo na lang ang asawa mo at ok lang ako."Lalong namula ang pisngi ni Laila dahil napahiya sa binata. Inis na binali
Fate 4 c 13 pagbabalikGalit ding bumaba ng sasakyan si Jinky at matapang na hinarap si Gabriel. "How dare you! Bakit kailangan mong pumunta sa bahay ng babaeng iyon?""Jinky, napag usapan na natin ito. Tapos na tayo kaya sana ay huwag mo na akong sinusundan pa.""No, Gabriel! Alam kong gusto mo siya ngayon dahil sa parents ninyo. Pero ako ang mahal mo, Gab. Papayag na nga akong magpakasal tayo para hindi ka na ipagkasundo ng parents mo sa iba, 'di ba?" May pagsusumamo niyang kausap sa binata."Jinky, too late. Nang makita ko si Jenny ay doon ko na realize na ang laki kong tanga at gago noon. Sinayang ko ang isang babaeng marunong magpahalaga ng damdamin ng iba at tunay na nagmamahal sa akin.""That's bullshit! Mahal din kita, Gabriel! Sadyang gusto ko lang e enjoy pa ang career ko bilang modelo kaya tinanggihan ko noon ang alik mong kasal!" "And thankful ako dahil tinanggihan mo." Matapat na turan ni Gabriel. Naiiyak na pinagmasdan ni Jinky ang binata. "Hindi pa rin ako pumapayag n