"Matulog ka nang muli at may trabaho akong tinatapos."Mabilis na humiga si Jenny sa kama ng binata at tumagilid paharap dito. "Ano ang ginagawa mo?""Work," maiksing sagot ni Rafael habang nakatutok ang tingin sa laptop."I hate work," aniya bago tumihaya ng higa.Nilingon ni Rafael ang dalaga, nakataas na naman mga paa nito sa dingding habang nakatingin sa kisame."Mabuti na lang masipag ka magtrabaho." Pumaling ang ulo ni Jenny sa gawi ng binata at ngumiti.Mabilis na iniwas ni Rafael ang tingin sa labi ng dalaga at muling tumutok ang mga mata sa laptop."Inaantok na ako, huwag kang umalis ha at baka may pumasok na ibang lalaki dito.""Put down your feet.""I can't sleep kasi na walang sinasandalan ang mga paa ko."Naiiling na sumandal si Rafael sa headboard. Tig isang unan lang kasi sila at ang kaniyang unan ay nakalagay sa likod niya.Nang makita ni Jenny na abala ang binata sa ginagawa at hindi naman siya pinapaalis sa kama nito ay parang trompong umikot siya ng higa. Umunan siy
Sinundot ni Jenny ang pisngi ng binata nang hindi na ito gumalaw. Kasuwerte naman nito at nakayakap sa kaniya. Pero hindi niya napigilan ang sariling ilong na ilapit sa bibig ng binata na na bahagyang nakaawang. Ang sarap samyuhin ng mabining paghinga nito. Muli niyang sinundot ang binata at sa pagkakataong ito ay sa ilong na ngunit ayaw pa ring gumising. Pilyang ngumiti siya at mabilis hinalikan ito sa pisngi."Ayaw mo pa ring gumising?" kausap niya sa binata at pinisil ito sa labi."Stop it, Jenny, I'm still sleepy!" Humaba ang nguso ni Jenny at kahit inaantok pa ay ang sungit pa rin ng binata. "Gutom na ako."Mahinang ungol lang ang isinagot ni Rafael sa dalaga at bumitaw na nang yakap dito. Lalo lamang nainis si Jenny nang tumihaya na ang binata. Mabilis siyang umupo sa tabi at nagreklamo. "Kapag hindi ka gumising ay ikaw ang kakainin ko." Pananakot niya sa binata sabay lapit ng bibig sa tainga nito."Tsk, wala pa ba si Roger?" Tumuwid siya ng upo at hinawi ang kurtina. "Wala
"Ano pala ang nangyari sa braso mo?" pigil ni Luke sa pag alis ng pinsan."May kailangan ka pa ba?" Sa halip na sagutin ay mukhang naiinip na pinagmasdan ni Rafael sa pinsan."Rafael, maingat ka sa sarili mo kaya nakapagtaka na nagkaroon ka ng injury? Hindi ba dapat ay mas naaalagaan ka ngayon dahil mayroon ka nang nakakasama?" Pailalim na tiningnan ni Laila ang babaeng kasama ni Rafael."She's my girlfriend not a nanny." Malamig na tugon ni Rafael.Proud na nag angat ng mukha si Jenny at ngumiti sa babaeng mukhang matapobre. "Mukhang mas concern pa siya sa iyo kaysa asawa niya."Namula ang pisngi ni Laila dahil sa inis sa sinabi ng babae. "Rafael, look! Marumi ang iniisip niya, masama bang mag alala ako sa iyo?" Napatikwas ang kilay ni Jenny ag mukhang inapi niya nang husto ang babae kung umakto. "May asawa ka na at nasa harapan pa natin. Tama ang nobya ko, intindihin mo na lang ang asawa mo at ok lang ako."Lalong namula ang pisngi ni Laila dahil napahiya sa binata. Inis na binali
Fate 4 c 13 pagbabalikGalit ding bumaba ng sasakyan si Jinky at matapang na hinarap si Gabriel. "How dare you! Bakit kailangan mong pumunta sa bahay ng babaeng iyon?""Jinky, napag usapan na natin ito. Tapos na tayo kaya sana ay huwag mo na akong sinusundan pa.""No, Gabriel! Alam kong gusto mo siya ngayon dahil sa parents ninyo. Pero ako ang mahal mo, Gab. Papayag na nga akong magpakasal tayo para hindi ka na ipagkasundo ng parents mo sa iba, 'di ba?" May pagsusumamo niyang kausap sa binata."Jinky, too late. Nang makita ko si Jenny ay doon ko na realize na ang laki kong tanga at gago noon. Sinayang ko ang isang babaeng marunong magpahalaga ng damdamin ng iba at tunay na nagmamahal sa akin.""That's bullshit! Mahal din kita, Gabriel! Sadyang gusto ko lang e enjoy pa ang career ko bilang modelo kaya tinanggihan ko noon ang alik mong kasal!" "And thankful ako dahil tinanggihan mo." Matapat na turan ni Gabriel. Naiiyak na pinagmasdan ni Jinky ang binata. "Hindi pa rin ako pumapayag n
"Puwede mong dalhin ang kotse ko pabalik upang hindi kayo mahirapan ni Rafael sa beyahe." Alok ni Jenny kay Roger. May lumang sasakyan pa naman kasi siyang maaring gamitin.Ngumiti si Roger sa dalaga. "Ang bait niyo naman po at pati mamahaling gamit ay walang pag alinlangang ipahiram sa akin. Pero huwag na po at maraming salamat. Nag book na po ako ng taxi na siyang maghahatid sa akin sa hotel.Nagkibit balikat na lamang si Jenny bago lumipat sa driver's seat upang siya na ang magpasok sa gate nila ng sasakyan.Hindi rin naman nagtagal at dumating ang taxi na siyang sasakyan ni Roger. Bago lumulan sa sasakyan ay nilingon pa nito ang bahay nila Jenny.Naiiyak na niyakap ni Stella ang anak at sinuri ang katawan nito kung may damage ba. "Anak, huwag mo nang ulitin ang ginawa mo, okay?""I'm sorry, mom, ayos lang po ako at virgin pa rin."Mahinang hinampas ni Stella sa braso ang anak at hindi natuwa sa biro nito. "Ang akala ko ba ay pinikot mo na? Paano ka niya panagutan niyan?"Napalabi
"Sir, nandito na po ako." Katok ni Roger sa pintuan."Pasok!" Humugot muna ng malalim na paghinga si Roger bago pinihit ang seradura. Mukhang mainit na naman ang ulo ng binata. "Sir, hindi pa po ba tayo uuwi sa pad mo?""Hindi muna at baka biglang maisipan ng babaeng iyon na pumunta rito."Pinigilan ni Roger ang ngumiti nang bumaba na ang tono ng pananalita ng amo. Isang oras lang naman ang layo mula sa bahay ng babae na pinaghatiran niya. Katuwa pa at mukhang kilala na ng amo ang ugali ng babae at sure sa naisip nito. Hinayaan pa nito na malaman ng babae kung saan ito tumutuloy."Naihatid mo na ba siya?""Yes, sir. Kinuha ko na rin po ang adress." Nakangiting inilapag niya sa maliit na lamesa ang kapirasong papel kung saan nakasulat ang adress ni Jenny."Ilabas mo ang laptop ko." Walang salitang sinunod ni Rafael ang utos ng amo. Mukhang bababad na naman ito sa trabaho. "Magpahinga ka muna diyan at alam kong napagod ka nang husto sa pagmamaneho.""Salamat po, sir." Mabilis nang hu
Dahan-dahang lumapit si Jenny sa kinaupuan ni Rafael habang inililibot ang tingin sa paligid. Maluwag iyon at malamig tingnan sa mata ang kulay ng gamit pati ang wall. "Dito mo na ilagay iyang dala mo."Nagulat pa siya nang magsalita ang binata. Nanatili itong nakatalikod sa kaniya at abala sa harap ng laptop. Bigla niyang naalala ang turo ni Alexa kaya nilunok muna niya ang hiya at kaba. "What is it?" tanong ni Rafael at binuksan ang lunch box na dala ng dalaga.Napangiti si Jenny at hindi siya sinita ng binata sa ginawa niyang pagyakap mula sa likuran nito. Ipinatong niya ang chin sa balikat nito bago sumagot. "Naparami ang luto ni Mommy kanina kaya naisipan kong dalhan ka.""Gusto ko sa babae ay marunong sa kusena."Napalabi si Jenny at padabog na umalis sa likuran ng binata at lumipat ng tayo sa harapan nito. "Katulong ako ni Mommy sa pagluluto."Nag angat ang isang sulok ng labi ni Rafael habang pinagmamasdan ang mukha ng dalaga. Bumaba ang tingin niya sa kasuutan nito at tumag
"Uhmmm, saan mo ako dadalhin?" Inis na reklamo ni Jenny pero nanatiling nakapikit."Home."Nakasingot na isinubsob niya ang mukha sa pagitan ng ulo at balikat ng binata kasabay nang pagpulupot ng mga paa sa baywang nito. Inaantok pa talaga siya dahil ang aga niyang nagising kanina at bumeyahe."Ingat po kayo, sir!" Tinanguan lang ni Rafael ang bawat staff na nadadanan hanggang sa makalabas ng hotel.Mabilis na pinabuksan ng pintuan ni Roger ang amo nang makita ang paglabas sa gusali. Ang laki na talaga nang pinagbago ng ugali nito. Nagawa nang magbuhat mg babae at parang bata ang dalaga na buhat lang ng amo niya. Pagpasok sa loob ng kotse ay nahirapan ang amo dahil ayaw bumitaw ng dalaga sa pagkayakap sa batok nito. Gusto niyang matawa nang magmura ang amo pero wala namang magawa o hindi magawang magalit nang husto. Biglang umurong si Rafael at tumuwid na tayo bago nilingon si Roger. "Ang sasakyan ko na lang ang dalhin mo upang hindi ako mahirapan."Halos patakbong bumalik sa parkin