Share

SPIN THE BOTTLE
SPIN THE BOTTLE
Author: Elo Arm

CHAPTER I - "Friends for Keeps"

Disclaimer:

Ang istoryang ito ay pawang kathang isip lamang, mula sa imahinasyon ng may-akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan, anumang pagkakahalintulad sa ibang akda, sa mga pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, sa mga lugar at mga pangyayari sa kwentong ito ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.

Walang anumang bahagi ng akdang ito ang maaaring sipiin, ilathala at gamitin sa anumang kaparaanan nang walang pahintulot nang may-akda.

CHAPTER I

Nagising ako sa tunog nang aking alarm clock, dumadampi narin sa aking mga balat ang mainit na sikat nang araw na tumatagos mula sa aking bintana, bumangon ako at nag-ayos nang sarili.

Agad kong dinampot ang aking cellphone at binuksan ang isang mensahe mula sa aking kaibigang si Jerry.

-9am sa paborito nating Coffee Shop.-

Nagmadali na ako mag-ayos at nag book nang taxi para mapabilis makarating, hindi ko magamit ang kotse ko dahil may pinapakomponi pa ako dun. Nang pagpasok ko sa Coffeshop kumpleto na sila at ako nalang ang kulang.

"Hay naku Leigh kahit kelan talaga ikaw 'tong pahulihin" bungad sakin ni Jerry, siya ang pinaka-close ko sa lahat, he's the only gay sa tropa, palagi siya nagpapasaya samin at maraming bagay kaming pinagkakasunduan.

"Sorry naman PO! hindi pa naman ako ganun ka-late sa napagusapag oras diba?" pagtataray ko

"Ahm siyanga pala guys, may pool party yung kapatid kong si Sab next week, sabi niya invite ko daw kayo sa birthday niya?" si Louie ang kaibigan naming gwapo, Varsity player pero napaka-babaero, walang nagtatagal na babae sa kanya kasi mabilis magsawa.

"Of Course, Yes! pupunta talaga kami! Diba girls?" si Abby sa aming lahat siya lang naman mahilig sa mga parties, super sociable, kaya sa aming lahat ng girls siya lang ang may boyfriend.

"Yah!" sabay sabay naming sagot maliban kay Annie

"I'm not sure ha baka kasi may gagawin ako that day" si Annie our very busy friend, hindi namin alam kung ano lagi pinagkakaabalahan niya pero hindi naman siya nawawalan ng oras pag tungkol samin.

"Naku Annie ipagpaliban mo na muna yan, lets enjoy our vacation, right guys?" tumango kami bilang pagsangayon kay Zhelle, siya ang pinaka maganda samin, although maganda din naman kami lahat kaso mas lutang lang talaga ganda niya, siya nga ang campus crush sa school namin nung High School kaya madami sa kanya nagpapapansin pero kahit isa wala siya in-entertain. College na nang magkaboyfriend siya.

"Ah guys ako hindi ko rin sure eh, alam niyo naman" si Sam siya lang ang kahit nasa College na takot parin sa parents, laging hindi siya pinapayagan lumabas pero pag kami ang kasama okay lang naman sa mga magulang niya.

"Ayan ka na naman eh, kami na magsasabi kila Tito at Tita, I'm sure na papayag naman yun" sagot ni Jerry

Ilang paliwanag pa ang natanggap samin ni Sam bago siya pumayag. Siya na lang kasi ang pwedeng asahan nang magulang niya na magmamanage ng business nila kaya maaga siya tine-train.

May dalawa siyang kapatid na dapat na unang magmanage ng business nila pero umalis sa poder nila dahil may iba silang gustong gawin pero hindi sang-ayon mga magulang nila. Mabuti nalang naging kaibigan namin siya kahit papano nakalalabas siya nang bahay at nararanasan parin niya yung normal na buhay, tiwala kasi samin ang parents niya.

"Basta kami ni Yosep, pupunta kami, Diba bro?" si Vico naman ang pinaka matanda sa amin, pero sa kalukuhan siya lagi nangunguna.

"Ou naman, syempre pool party yan, maraming masasarap...? Tiningnan namin siya nang masama bago ulit nagsalita.

"...na pagkain, di pa naman kasi ako tapos magsalita?" napatawa kami sa sinabi ni Yosep kahit kelan talaga may kalukuhang taglay itong si Yosep, pero pagdating sa aming lahat siya yung laging concern at maalalahanin.

Puro tawanan at walang kakwenta-kwentang bagay lang ang pinag-usapan namin. Tumagal pa kami ng ilang oras sa Coffee Shop bago kami nagsiuwian.

By the way, I'm Leigh Anne Delos Reyes, my friends call me Leigh, mag-isa nalang ako sa buhay, patay na yung poster parents ko, ou I'm adopted, galing ako sa bahay ampunan dinala kami dun nang kapatid ko matapos maaksidente ang mga magulang namin, wala na kami kamag-anak kaya dinala kami sa bahay ampunan. 

Simula nung may umampon sakin nagkahiwalay kami nang kapatid ko at nang binalikan ko siya sa ampunan may kumuha na din daw na mag-aampon at dinala sa ibang bansa, simula nun di na kami nagkita pa. Nang mamatay na din ang mga umampon sakin iniwan na nila sakin itong bahay. 

Sa lahat nang mga dinanas ko I really don't know kung paano ko 'yon nalampasan, mabuti nalang nakilala ko mga kaibigan ko kung wala sila di ko alam kung kakayanin ko, sila nalang meron ako kaya napakahalaga nila para sakin. 

Ilang taon na rin kami magkakaibigan simula pa nung High School at ngayon nasa Ikaapat na taon na kami sa College buo parin kami. Tumagal ang pagkakaibigan namin dahil marami na kami pinagdaanan, at hindi namin iniiwan ang isa't-isa, pero kahit na ang barkadahan namin ay binubuo ng iba't-ibang kasarian hindi dumating sa point na nagkagustuhan kami kasi para na kaming magkakapatid at iisang pamilya. Masaya magkaroon ng mga kaibigan, may kadamay at kakampi ka sa lahat ng pagkakataon, sa lahat nang kalukuhan, sa lahat ng bagay, pero gaya ng ibang samahan hindi kami perpekto.

Isang sikreto, isang sikreto ang aming pinakatatago-tago.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status