Share

Chapter 10

Napatingin si Elise sa entrada ng cafeteria. Napakawapo ni Riguel na nakasuot ng itim na suit at pants. Ang seryosong emosyon sa mukha nito ay mas lalong nagpa-angat ng presensya nito.

Hindi matapos ang bulungan at impit na mga tili ng mga babaeng empleyadong naroon. Naglalaway sa kanilang “Big Boss.”

Sumimangot ang mukha niya at inis na tinakpan ng kamay ang gilid ng mukha niya. Ayaw niyang makita siya ni Riguel dahil wala siyang mood para i-entertain kahit pa ang mapanghusgang titig nito.

May mga empleyado ring tumingin sa gawi niya. Animo’y inaalam kung paano siya gagalaw gayong naroon ang “Big Boss”. Oo nga pala’t ang nasa isip ng mga ito ay nilalandi niya ang lalaki. Pwes, kung alam lang nila. Riguel was the last person she wanted to see! Pinapanalangin nga niyang huwag masyadong magkrus ang landas nila sa opisina upang hindi naman masira ang bawat araw niya.

“Tss. Tingnan mo ang babaeng ‘yan. Kung makatago ng mukha parang hindi nilandi si Mr. De Silva,” narinig niyang wika n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status