Share

Chapter 9

Lunes nang muling pumasok sa trabaho si Elise. Kabado siyang naglakad papunta sa kaniyang station, ang mga mata ay bahagyang nagpalinga-linga upang hanapin ang bisor niyang si Cynthia. Panigurado ay bubulyawan siya nito dahil ilang araw siyang wala.

“Elise, mabuti naman at nandito ka na. Darating daw ang big boss!” masayang bulalas sa kaniya ni Penelope nang makalapit ito sa kaniya. “Tara sa lobby. Daming nakaabang sa kaniya doon para makita siya!”

“Big boss? Hindi ba’t si Mr. Sanchez ‘yon?” kuryoso niyang tanong.

“Hindi raw. Si Mr. Sanchez ang pinagkakatiwalan mag-manage ng firm pero itong big boss na makikita natin, siya talaga ang tunay na boss nating lahat. Tara na para makapwesto tayo sa bandang harap.”

Hinila siya ni Penelope papuntang lobby. Napangiwi naman siya, walang interes sa magaganap.

“Intern lang naman tayo. Kailangan bang pati tayo ay naroon?”

“Ano ka ba? Can’t you see na pagkakataon na natin ‘to? Kailangan natin magpa-good shot sa Big Boss para hindi tayo matangga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status