Share

Secretly Married To The Cold Zillionaire
Secretly Married To The Cold Zillionaire
Author: Sofia Heart

Chapter 1

“Ms. Carrero, I’m sorry to say this but you are not pregnant.” 

Tila may nagbara sa lalamunan ni Elise nang marinig iyon. Kasunod niyon ay ang pagkirot ng kaniyang puso. Nag-iinit ang gilid ng kaniyang mga mata habang tulalang nakatingin sa kaniyang Obgyne. 

“Pero ilang araw ng masama ang pakiramdam ko, Doc. Nagsusuka ako at delay din ang period ko…” pumiyok ang kaniyang boses dahil sa nagbabadyang mga luha pero pinigilan niya ang pagkawala ng mga ito.

Umiling ang babaeng doktor sa harapan niya. Kita ang awa sa mga mata nito habang nakatingin sa kaniya.

“Nakararamdam ka ng pagsusuka at pagkahilo dahil ilang araw ng hindi maganda ang kondisyon ng tiyan mo dala ng gastritis. Isa pa, maraming factors kung bakit nade-delay ang period ng isang babae. Dalawa na roon ang stress at pagpupuyat.”

“B-Baka pwede nating ulitin ang mga test, Doc?” mungkahi niya, umaasang may mali sa naunang tests at baka sa pangalawa ay lalabas ng buntis siya… na may maliit na supling na sa sinapupunan niya.

“I’m really sorry, Ms. Carrero.” Umiling ang doktor at bumuntonghininga. “May ibang pagkakataon pa naman. Bata ka pa kaya hindi pa huli ang lahat para magbuntis ka.”

“S-Sige po, Doc… Salamat po,” aniya.

Nakayukong tumayo si Elise at lumabas ng clinic na ‘yon. Nanginginig ang ibabang labi habang hawak ang resulta ng ultrasound na nagsasabing hindi siya buntis. Lahat ng hinala niya sa katawan niya ay pawang hinala lamang…

Buong akala niya ay mabibigyan na niya ng anak si Riguel. 

Tatlong taon na ang nakalilipas nang magpakasal sila ni Riguel De Silva. It was a marriage for convenience. Dahil nag-aaral pa siya ng kolehiyo ay minabuting isekreto ang kasal. Bata pa siya noon kaya naman magkahiwalay pa sila ng kwarto ni Riguel. 

Ngunit nitong mga nakaraang buwan ay nagsimulang magbigay ng atensyon si Riguel sa kaniya. Her husband was cold and mean. Ngunit sa gabi ay tinatabihan siya nito upang makipagsiping sa kaniya, bagay na hindi niya tinatanggihan dahil lihim niya itong minamahal. 

Umaasa siya na nagbunga ang p********k nila dahil gusto na niyang makumpleto ang pamilya nila. Ngunit umasa lamang siya sa wala…

Napahinto siya sa paglalakad nang mapansin ang pamilyar na matangkad na lalaki hindi kalayuan sa kaniya. 

“Riguel…?” bulong niya, naguguluhan kung bakit naroon ang asawa sa ospital. 

Nalaman ba nito na nagpa-check up siya? Was he here to pick her up? 

Unti-unting naibsan ang lungkot sa puso niya sa pag-iisip na nag-aalala sa kaniya ang asawa. Isa ito sa mga gusto niyang iparamdam sa kaniya ni Riguel. 

“Ri—” Tatawagin na sana ni Elise ang kaniyang asawa, ngunit nang makita ang isang napakagandang babae na lumabas sa doctor’s office ay nanlamig ang kaniyang buong katawan. 

Kilala niya ang babaeng ‘to… kahit pa nakasuot ito ng malaking sunglasses at mamahaling mask. Hindi siya maaaring magkamali. 

Nataranta siya nang makitang maglalakad ang mga ito sa direksyon niya. Not wanting to get caught by her husband, she pushed the fire exit door next to her and went in there. Nagtago siya sa sulok, puno ng katanungan ang isip.

Bakit naroon si Riguel? At bakit kasama nito ang babaeng ‘yon? 

Nanginginig niyang nilabas ang phone mula sa kaniyang bag. She hesitated for a while before dialing her husband’s phone number. 

Ilang segundo lamang ay sinagot nito ang tawag. 

“What do you want?” malamig na tanong ni Riguel mula sa kabilang linya. 

Napalunok siya. “H-Honey, nasaan ka?”

“In the company. I have a meeting. Why did you call?”

Kumurap ang kaniyang mga mata sa narinig. 

Sinungaling…

Mabilis niyang binaba ang tawag na ‘yon dahil nagsimula ng malaglag ang kaniyang mga luha. Nagmamadali siyang bumaba ng hagdan. Gusto na niyang makaalis sa lugar na ‘yon at makauwi.

Ngunit sa pagmamadali sa pagbaba ng hagdan ay aksidente siyang natapilok at nahulog. 

Samantala, sa corridor ng ospital. Kunot-noong pinagmasdan ni Riguel ang screen ng kaniyang phone. He couldn’t accept the fact that that woman dared to hang up the phone on him. Sino ba ito sa akala nito? 

“Riguel…” tawag sa kaniya ng mahinhin na boses ng isang babae.

“I’m coming,” sagot niya  at binulsa ang phone. 

Humanda talaga ang babaeng ‘yon sa kaniya. He’ll deal with her once he’s home. 

***

De Silva Residence

Namumula ang mga mata ni Elise dahil sa ilang oras na pag-iyak. Nakahiga siya sa kama sa madilim at malamig na kwarto nila ni Riguel. 

Ang marahang pagbukas ng pinto at pag-ilaw ng maliit na lamp sa gilid ng kama ay indikasyon na nakauwi na ang kaniyang magaling na asawa. 

Narinig niya ang mga yapak ni Riguel papuntang banyo, kasunod niyon ang lagaslas ng tubig mula sa shower. Sumagi sa isip ni Elise ang matipunong katawan nito at mabangong amoy… 

But her heart still ached from what she saw in the hospital earlier. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan siya ng tadhana. 

Bumalik na ang babaeng ‘yon…

Paniguradong gagawa ng paraan si Riguel para mapawalang bisa ang kasal nila dahil sa babaeng ‘yon. Kung siguro ay hindi naangkin ng lalaki ang puri niya ay papayag siya kung makikipaghiwalay ito. 

But now, she actually doesn't want to annul their marriage..

Isa pa ay mahal na mahal niya ito. Nitong mga nakaraang buwan ay sinubukan nilang lagyan ng romansa ang relasyon nila. Sinubukan nilang bumuo ng anak. She even decorated a baby’s room in their house. 

Ayaw niyang itapon ang mga pinaghirapan niya sa relasyon na ‘yon.

Ang bahagyang paggalaw ng kama ang nagpabalik ng isip niya sa realidad. Agad niyang naamoy ang mabangong pabango ni Riguel at ang mainit na kamay nito ay marahang naglandas sa ilalim ng kaniyang lingerie. 

“Huwag mo akong hawakan,” malamig niyang wika at saka inalis ang kamay ng asawa sa hita niya. 

“I thought you wanted to have a baby? Why are you acting like a cold virgin right now?” inis na sabi ni Riguel. 

Kinagat ni Elise ang ibabang labi. Hindi niya maiwasang maalala ang mga nangyari sa ospital kanina–ang pagkabigo dahil nalaman niyang hindi siya buntis, at ang pagtataksil ng asawa niya. Nagawa pa nitong magsinungaling para lang pagtakpan ang kabalastugan niya.

“Ayaw kong makipagtalik sa ‘yo ngayon. Hindi maganda ang pakiramdam ko,” iritable niyang sagot. 

“Are you rejecting me right now?” Bakas ang panganib sa boses ni Riguel. 

Nagulat si Elise nang kagatin ng lalaki ang kaniyang tainga para akitin siya. 

“Ayaw ko nga sabi! Huwag mo akong gagalawin!” galit na wika ni Elise at tinulak si Riguel. 

Ramdam niya ang sakit sa kaniyang puso sa pag-iisip na hinawakan nito ang ibang babae pagkatapos ay makikipagtalik sa kaniya. 

She was very disgusted!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status