Share

Chapter 4

Mabilis na dumating ang araw na kinatatakutan ni Elise. 

Ang araw nang pagpoproseso nila ng annulment  ng kasal nila ni ni Riguel sa korte. 

Maaga siyang bumangon para mag-asikaso. Kahit na sawi ang kaniyang puso ay nag-ayos siya. She wouldn’t want Riguel to pity her just because they were about to be separated. She wanted him to see her as a brave woman who would never tolerate cheating. 

Naglagay siya ng kolorete sa mukha at nagsuot ng magandang bistida. 

Huminga siya nang malalim, pinapatatag ang sarili. 

She would start a new life after the annulment. Hindi na siya iiyak pa sa maling lalaki. 

Pagkalabas sa dorm building ay napansin niya ang pamilyar at mamahaling itim na kotse na nakaparada sa sa tabing kalsada. Bumuga siya ng hangin at sarkastikong napangiti. 

Mukhang atat na atat ang asawa niyang hiwalayan siya… 

At talagang nagpunta pa roon para sunduin siya!

Nagpanggap siyang hindi napansin ang kotse at naglakad sa terminal ng bus. Agad namang umandar ang kotse at nagtungo sa harapan niya. 

The rear window opened, revealing the cold yet handsome face of her husband. 

“Get in,” malamig na utos ni Riguel, ni hindi siya binalingan ng tingin.

“Magba-bus na lang ako.” 

“I said get in, Elise,” matigas ang bawat salita ng asawa. 

Mariing tinikom ni Elise ang kaniyang bibig, at tahimik na sumakay ng kotse. 

Hindi niya ito binati o kung anuman. Nakatuon ang atensyon niya sa may bintana habang dinadama ang sakit ng kaniyang puso. Nagagalit siya dahil alam niyang magkasama si Riguel at ang kabit nito ng ilang gabi. At ngayon, maghihiwalay na sila… 

Saglit na sumulyap sa kaniya si Riguel, napansin ang kakaibang postura at pananamit niya. 

“Are you happy that we are about to get an annulment that you even dressed up like you’re celebrating?” sarkastikong tanong ni Riguel.

Nagtaas ng kilay si Elise. “Oo naman. Bakit naman hindi ako magiging masaya? Sa wakas, hindi ko na kailangan pang magtiis sa ‘yo, old man.”

Nagtagis ang bagang ni Riguel sa narinig. Halos walong taon ang tanda niya kay Elise pero hindi pa siya gano’n katanda. He was just turning 29 this year. How dare she call her old man?

Hindi na niya pinatulan pa ang babae at tahimik na nagmaneho papuntang korte. 

Pagkarating doon ay naunang bumaba si Elise, animo’y hindi na makapaghintay na malatag ang approved annulment nila. Tiningnan ni Riguel ang likod nito. His face became more gloomy annd his thin lips pursed tightly. 

Susundan na niya ang asawa ngunit biglang nag-ring ang kaniyang phone. Nang makita ang pangalan sa phone screen ay mabilis niyang sinagot ‘yon. 

Matapos ang tawag na ‘yon ay hinabol niya si Elise. 

“Elise, we have to go now. Hurry.” 

Kumunot ang noo ni Elise. “Ano? Akala ko ba ay desidido ka ng hiwalayan ako?”

“Grandpa is in the hospital. We need to go there.” 

“Ano??”

Mabilis silang lumabas ng korte at bumyahe papuntang ospital. Hindi mapakali si Elise sa labis na pag-aalala. 

“Ano’ng sakit ni Lolo? Bakit bigla siyang sinugod sa ospita?” nag-aalala niyang tanong. 

Saglit na sumulyap si Riguel sa kaniya. “Don’t worry. I think nagkaroon lang ng problema ang tuhod niya. It shouldn’t be a big deal.” 

“Seryoso ba ‘yan? Baka may iba pang sakit si Lolo na hindi natin alam. ‘Yong puso niya?”

“I’m serious, Elise. I would know if he was hiding a fatal illness, alright?”

Napalunok si Elise at bumuntonghininga. “M-Mabuti naman kung gano’n…” 

Kung may isang tao man siyang pinapahalagaan maliban sa asawa niya ay si Lolo Emilio De Silva iyon. Naalala niya na na-ospital din ito ilang buwan na ang nakalilipas. Ang sabi pa ng doktor ay mabuti na lang daw ay nadala nang maaga sa ospital ang matanda kung hindi ay baka ano na ang nangyari rito. Ayaw niyang may mangyaring masama sa matanda dahil ito na lang ang kakampi niya… 

“About our annulment…” saad ni Riguel. 

Nang marinig iyon ay galit na bumaling si Elise sa asawa. 

“Don’t worry, Riguel. I won’t take advantage of this situation to not get our marriage annulled, okay? Kapag maayos na ang lagay ni Lolo Emilio at nakalabas na siya ng ospital, babalik tayo sa korte para iproseso ang lintek na annulment na ‘yan kaya huwag kang masyadong atat!” galit niyang pahayag. 

Tama, ani Elise sa sarili. Hindi dapat siya magpaapekto kung gustuhin man ni Riguel na makipaghiwalay. Ayon sa usapan nila noon, bibigyan siya ng malaking pera nito kapag natapos na ang pagsasama nila. Iyon na lang ang iisipin niya kaysa ang pagpapakatanga ng kaniyang puso para sa pag-ibig!

Hindi na nagsalita pa si Riguel, ngunit hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Elise. His jaw tightened a bit and the corner of his mouth raised a sarcastic arc. 

Mukhang gustung-gusto ni Elise na hiwalayan siya. 

Para ano? Para makipagbalikan sa ex-boyfriend nito?

He looked at her sideways and glanced at the road again. 

Klaro naman na nanlalaki ang babaeng ‘to. Ilang beses niyang narinig ang pangalan ng lalaking ‘yon na binibigkas ni Elise sa tuwing tulog ito… 

***

Sa ospital, 

Agad na niyakap ni Elise si Lolo Emilio na nakaupo sa hospital bed. 

“Lolo naman! Pinag-aalala mo po ako. Mabuti na lang at ayos na ang lagay mo,” wika ni Elise at nakangusong tiningnan ang matanda. Lubha talaga siyang nag-alala para sa matanda. 

Natawa naman si Lolo Emilio. “I just sprained my leg, hija. Akala ko nga ay babawian na ako ng buhay at muntik pa akong mahulog sa hagdan.” 

“Lolo, huwag po kayong magsalita ng ganiyan. Matagal pa ‘ho ang buhay niyo,” kontra naman ni Elise, hindi maiwasang malungkot dahil sa sinabi ng matanda. 

“Gusto ko rin namang magtagal pa ang buhay ko.” Nag-angat ng tingin si Lolo Emilio kay Riguel na nakatayo sa dulo ng kama. “Gusto ko pang maalagaan ang mga magiging apo sa tuhod ko.”

“Lolo…” Kinagat ni Elise ang kaniyang ibabang labi. Bahagya siyang nakunsensya dahil kung hindi naman nasugod sa ospital sa matanda, ay baka sumambulat na lamang dito ang balitang annuled na ang kasal nila ni Riguel. 

Umiling si Lolo Emilio. “Nauna nang lisanin ng Lolo mo ang mundong ‘to. Ayaw ko naman na harapin siya sa Langit hangga’t hindi ko nakikitang maayos kayong nakabuo ng pamilya ni Riguel. Iyon lang naman ang gusto ko sa buhay, hija.” 

Lumunok si Elise at bumaling kay Riguel na malamig ang mukhang nakatingin sa kanila. 

“You have nothing to worry about, ‘Lo,” sabi ni Riguel. “We are trying to have a child.”

“Talaga ba?”  Nagliwanag ang mukha ng matanda at mabilis na sumaya.

“O-Opo, ‘Lo. Kaya lang ay hindi pa rin kami pinapalad…” nahihiyang wika ni Elise. Alam niya namang sinabi lang ‘yon ni Riguel para pagaanin ang loob ng Lolo nila. 

“Elise, hija, huwag ka masyadong ma-pressure. You can have children anytime. Dapat palagi kang masaya at umiwas sa stress. Dapat healthy ka rin. Mabubuntis ka rin. Ipagkakaloob ‘yan sa inyo.”

“O-Opo, Lolo Emilio…” Huminga siya nang malalim at tiningnang muli si Riguel. “Sana nga po.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status