Share

Chapter 5

De Silva Residence

“Let’s get our annulment processed after you give birth to a child,” malamig na wika ni Riguel sa kaniya. 

Matapos kausapin ang Lolo Emilio nila ay napag-alaman nila sa doktor nito na hindi na maganda ang lagay ng kalusugan nito. May sakit ito sa puso at baka hindi na magtagal…

“Wala namang problema sa akin. Gagawin ko ang lahat para kay Lolo Emilio,” nakahalukipkip na saad ni Elise. “Pero hindi ba’t parang unfair sa akin na mamanduhan mo lang ako ng ganito—”

“One hundred million,” putol ni Riguel sa kaniya. 

“Ano?” naguguluhan niyang tanong. 

“It’s on top of the amount we agreed upon before we got married. Bibigyan kita ng isang daang milyon.”

Napalunok si Elise. Malaking pera ang inaalok ni Riguel. Kung hindi niya makukuha ang pagmamahal nito ay marapat lang na maging pratikal siya. 

One hundred million para sa isang baby?

“Sige,” matapang niyang sagot at tumango. 

“I will ask my assistant to give you another contract later.” 

“Fine. Hihintayin ko na lang,” walang interes niyang sabi at saka tinalikuran ito. 

Gusto na niyang bumalik sa dorm para makapaghanda sa pagpasok sa kaniyang OJT.

“Where do you think you’re going?” tanong ni Riguel.

“Sa dorm na ako titira, remember? Huwag kang mag-alala. Dito ako tuwing Huwebes at Biyernes para magpaka-asawa sa iyo. Sana lang ay nandito ka rin sa mga araw na ‘yon dahil ayaw kong masayang ang oras ko.” 

“Are you asking me to follow your schedule?” Nagdilim ang mukha ni Riguel. 

“Bakit? Ayaw mo?” Hamon ni Elise. “Ayos lang naman sa akin kung ayaw mo. Hindi ko naman talaga kailangan ng one hundred million. It only means hindi ko kailangang sumiping sa ‘yo para magkaanak. Pwede naman akong magkaanak kapag makapagpakasal ako sa lalaking mamahalin ako.” 

Riguel gritted his teeth. At talagang iniisip na ng babaeng ‘to na magpakasal sa iba gayong hindi pa napoproseso ang annulment nila?

“You should stay here during Thursdays, Fridays and Saturdays,” ani Riguel sa mariing boses. 

Sarkastikong ngumiti si Elise at humalukipkip. 

“Okay. At ngayong naghahanda tayo para mabuntis ako, dapat ay itigil mo na ang pag-inom ng alak at paninigarilyo. Isa pa, hindi ka pwedeng sumiping sa ibang babae hangga’t hindi pa ako nabubuntis. Ayaw kong mahawa sa kung anumang sakit na magmumula sa extramarital affairs mo. Don’t worry, you can do whatever you want after this,” walang takot na pahayag ni Elise. 

Tumayo si Riguel mula sa pagkakaupo sa sofa at mabibigat ang lakad na lumapit sa kaniya.

Tinalikuran naman ito ni Elise. Wala nang saysay kung makikipag-away pa siya rito. She was around to walk to the door, but Riguel grabbed her arm, and carried her into the bedroom.

“Ano ba! Ibaba mo nga ako, Riguel!” Hinampas-hampas niya ang dibdib nito. “Ano bang ginagawa mo?? Ibaba mo ako!”

Binaba siya nito sa kama at pinaibabawan. 

“We should have sex so we can have a baby.”

“Hindi! Aba malay ko ba kung may sakit ka na dahil nakipagtalik ka sa iba? Pumunta ka muna ng ospital at magpa-check up bago mo ako gamitin!” 

Nagdilim ang mga mata ni Riguel. “Who told you that I touched other women?”

“Hindi ka umuwi noong nakaraang gabi!” galit niyang ani. 

“Are you jealous, my wife?” Riguel smirked. 

Mas lalo pang diniin ni Riguel ang  katawan nito sa kaniya at hinaplos ang kaniyang pisngi. 

Pagak na tumawa si Elise. “Kung walang nangyaring hindi maganda kay Lolo ngayong araw, hiwalay na sana tayo. Malaya na sana ako at masaya. Iyon ba ang nagseselos?”

“You wicked woman…”

“Hindi ba’t ‘yon din naman ang gusto mo? Isa pa, malaking pera ang makukuha ko kapag maghiwalay tayo. Pwede akong magpakalayo-layo at humanap ng mas gwapong lalaki—”

Bago pa man matapos ni Elise ang sasabihin ay pinatahimik ni Riguel ang kaniyang bibig sa pamamagitan ng marahas na halik. 

Sinakop nito ang labi niya na puno ng init at dahas. 

***

Tanghali nang pumasok si Elise sa accounting firm. Masakit ang pagitan ng kaniyang dalawang hita, at hindi maganda ang pakiramdam niya matapos ang pagtatalo nila ni Riguel. 

Ang unang bumungad sa kaniya ay ang supervisor niyang si Cynthia, na mukhang hindi maganda ang mood nang makita siya. 

“Ms. Carrero, why are you late again? Hindi ba’t dalawang beses ka ng late last week?”

“Pasensya na po, Ms. Cynthia. M-May inasikaso lang po ako kaninang umaga saka bigla pong sumama ang pakiramdam ko. Hindi na po ako mali-late ulit,” aniya sa maingat na boses dahil ayaw na niyang masermonan pa. 

“Palagi na lang ganiyan. Sabihin mo nga, buntis ka ba, Ms. Carrero? Kasi kung oo ay kailangan kitang alisin dito,” segunda pa ni Cynthia at kunot-noo siyang tiningnan. 

“Hindi po, Ms. Cynthia!” Umayos siya ng tindig at tipid itong  nginitian. 

Hindi siya pwedeng maalis sa accounting firm na ‘to dahil dito niya pangarap na magtrabaho kapag maka-graduate na siya ng kolehiyo. 

“Kung gano’n ay magtrabaho ka na. Marami ka pang backlogs na dapat asikasuhin,” masungit na wika ng kaniyang supervisor at saka naglakad palabas ng opisina. 

Bumuntonghinga siya. Kahit na pagod ay pinilit niya ang katawan na magtungo sa kaniyang workstation.  Isa siya sa mga ojt cleck sa firm na ‘yon na tagagawa ng lahat ng iuutos ng mga accountant. Ayos lang naman ‘yon sa kaniya. May iilang beses na rin siyang sinali sa mga mabibigat na proyekto ng firm kung saan naipapamalas niya ang galing niya. 

Matapos ang apat na oras na pagtatrabaho ay sumapit na ang uwian.  

Pagkalabas ni Elise sa firm ay nakita niya ang pamilyar na sopistikadang babae na nakasuot ng itim na aviators at mask. Naglalakad ito palapit sa kaniya. 

“Long time no see, Elise,” marahang bati sa kaniya ni Calista. Tinanggal nito ang aviators at mask at nginitian siya. 

Nanigas siya sa kinatatayuan. “What are you doing here?”

Nilibot ni Calista ng tingin ang paligid bago tumingin sa kaniya. 

“I wonder if you have time to have a coffee with me. Gusto kitang makausap.”

“Wala tayong dapat pag-usapan,” malamig niyang wika at nilagpasan ito. 

Mariing hinawakan ni Calista ang braso niya. 

“Wala nga sabi tayong dapat pag-usapan. Bingi ka ba?” Nilingon niya ito. 

Calista smirked and bit her lower lip. “Hindi mo ba gustong malaman kung saan natutulog si Riguel nitong mga nakaraang gabi?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status