Share

Chapter 6

Nagdilim ang mga mata ni Elise sa narinig at galit na inalis ang kamay ni Calista sa kaniyang braso.  “Riguel told me he didn’t sleep with you.” 

Kung may isang bagay man siyang pinagpapasalamat ay ang pagsasabi ni Riguel nang totoo bago siya ikama nito sa kanilang tahanan. He said he wouldn’t touch Calista while he was still married to her.  

Sa kaniya lamang nakikipagtalik ang asawa. 

Siya lang ang tinatakbuhan nito kung kailangan nitong daluhan ang init ng katawan. 

Elise felt secretly happy to hear it all from her husband. 

Nanlaki ang mga mata ni Calista sa narinig, animo’y hindi ba inaasahan ng babae ang mga salitang ‘yon mula sa bibig ni elise.  Ngunit agad din itong nakabawi at mayabang na ngumisi. 

“That’s because Riguel is a good man. He would never do something that would tarnish his name while he’s still  married to you. Pero alam mo bang nangako siya sa akin na magpapakasal kami kapag na-annul na ang kasal niyo?”

Masakit na marinig ‘yon para kay Elise ngunit hindi niya hahayaang makita ni Calista ang mahinang emosyong kumakain sa kaniya. Alam niyang pinuntahan siya ng babaeng ‘to para lamang insultuhin siya, pero hindi siya papayag na makukuha nito ang gusto nito. 

She smiled mischievously instead of being angry. 

“Oh, did he promise you that? Good luck then.” 

Tila hindi natuwa si Calista sa narinig. “You should be angry.”

Mahinhing tumawa si Elise at umiling. “Hindi ko sasayangin ang lakas ko para magalit sa iyo, Calista.” 

Naningkit ang mga mata ng babae. 

“Oh, kung ganoon pala ay hinihintay mo na lang ang annulment ng kasal namin ni Riguel, tama?” Nagkunwari siyang malungkot upang asarin ang babae. “I’m afraid you have to wait for another year…” 

Nagulat si Calista sa sinabi niya. Malalim itong lumunok at nagtanong, “W-Why?”

Marahang hinaplos ni Elise ang kaniyang puson upang mas lalo pang inisin ang babae. 

“Rigual and I want to have a child first. Mukhang gabi-gabi siyang makikipagtalik sa akin para lang mabuntis ako. Iyon kasi ang usapan namin.”

Pagkasabi nito ay umirap siya at walang imik na tinalikuran ang babae. Taas noo siyang naglakad palayo kahit na kinakain ng inis ang damdamin niya. 

Napapadyak si Calista sa kinatatayuan at sumigaw dala ng inis. Hindi ito makapaniwala sa mga narinig mula sa asawa ni Riguel. 

***

Sa dormitory, 

Nakatuon ang buong atensyon ni Elise sa laptop at binabasa ang article patungkol sa proyekto ng isang kilalang tao na kaniyang tinitingala. A smile escaped her lips as she continued reading. Nang marinig na tumunog ang phone niya ay agad niyang tiningnan ‘yon, ngunit nang makita ang pangalan ni Riguel ay hindi niya sinagot ang tawag nito. 

Naaalala na naman niya ang pagpunta ni Calista sa accounting firm kung saan siya nag-o-ojt para lamang galitin siya. Nagngingitngit pa rin ang kalamnan niya sa inis dahil sa babaeng ‘yon ni Riguel!

Muling tumunog ang phone niya. Riguel called her again. 

Kinagat niya ang ibabang labi. Naiinis siya dahil kailangan niyang pakisamahan ang lalaki at dalhin ang magiging anak nito. Gusto niyang umatras pero kapag naiisip niya si Lolo Emilio ay nakukunsensya siya sa naiisip. 

Hindi niya sinagot ang tawag at hinayaan lang ‘yon na mag-ring. Ayaw niyang kausapin si Riguel dahil puno siya ng disgusto sa lalaki. 

Pinagpatuloy niya ang pagbabasa hanggang sa makarinig ng katok sa pinto. 

Buong akala niya ay si Penelope ‘yon na nakalimutan na namang dalhin ang susi, ngunit nang buksan niya ang pinto ay sumambulat sa kaniya ang galit na mukha ni Riguel habang mariing hawak nito ang phone nito. 

Bumaba ang madilim na mga mata ng lalaki sa screen ng phone na hawak niya. Matabang itong ngumiti. “You named me as your ex-husband? That fast, woman?”

Elise gritted her teeth. “Bakit apektado ka masyado? Hindi ba’t maghihiwalay naman talaga tayo?”

“Change it.”

“Ayoko—”

Tahasang inagaw ni Riguel ang phone sa kaniyang kamay at galit na pinalitan ang pangalan nitong naka-rehistro sa contacts. Pagkatapos ay galit siyang tiningnan nito na animo’y may ginawa siyang matinding kasalanan. 

“What did you tell Calista?” 

Pagak na tumawa si Elise. “Kaya pala! So, nandito ka para ipagtanggol sa harap ko ang babae mo? Akala ko ba nag-usap na tayo?”

“Goddamnit, Elise. She committed suicide!” singhal ni Riguel sa kaniya at malamig siyang tiningnan sa mga mata. 

Nanlaki ang mga mata ni Elise, mas lalong umahon ang galit sa kaniyang dibdib. 

“Ano naman ang kinalaman ko sa ginawa niya, Riguel?” 

Mapang-akusa ang naging titig ng asawa sa kaniya. Para bang sinasabi nito na siya ang may kasalanan sa ginawa ng Calista na ‘yon sa sarili nito. 

Bakit niya naging kasalanan? 

Her heart seemed like it was about to burst due to anger and pain consuming her.  

He was blaming her! Sinisisi siya nito dahil kung anuman ang mga sinabi niya, ito ang nagtulak para gawin ‘yon ni Calista. Wala naman sanang maririnig ang babaeng ‘yon sa kaniya kung hindi ito nagpunta sa firm para insultuhin siya!

“Come with me to apologize to her,” ani Riguel sa seryosong boses. 

Humalukipkip siya at galit itong tiningnan. “No, Riguel. Hindi mo na ako pwedeng manduhan. Kontrata na lang ang nagbubuklod sa atin. I won’t go anywhere with you except when we need to see each other at home or if we have to go to Lolo Emilio. Ayaw kong pinupuntahan mo ako rito sa dorm para sa mga bagay na hindi naman parte ng kontrata natin.”

Pagkasabi niyon ay umatras siya upang isara ang pinto. 

Nagpupuyos ang damdamin niya sa galit. Nagpunta doon ang lalaki dahil gusto nitong humingi siya ng tawad sa kabit nito? Anong iniisip ni Riguel? Na masama siyang babae at binubully ang babaeng hitad na ‘yon?

Bago pa man niya tuluyang masara ang pinto ay pinigilan ni Riguel iyon gamit ang sariling kamay. 

“What did you say, woman?”

Nagtagis ang bagang ni Elise. “Kung hindi lang dahil kay Lolo Emilio, hindi mo na dapat ako nakikita pa.”

Sa sobrang galit ay hindi na napigilan ni Elise ang mga luha ngunit matapang pa rin niyang tinitigan ang asawa. Ang sama ng loob niya sa lalaki! Talagang pinapamukha nito na mas kimakampihan nito ang Calista na ‘yon. Ni hindi man lang magtanong kung ano ba talaga ang totoong nangyari! 

Natigilan naman si Riguel nang makita ang mga luha ng asawa. Kinuyom niya ang mga kamay at kinastigo ang sarili. Alam niyang hindi iiyak nang gano’n gano’n lang si Elise. Naisip niyang masyado na siyang malupit sa babae dahilan para maging emosyonal ito.

“Umalis ka na,” mariing wika ni Elise. “Puntahan mo na ang babae mo, Riguel, at huwag na huwag mo akong masusugod ulit dito sa dorm. Nakakasuka kayo!” 

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status