Share

Kabanata 2

TWO

I was grounded for a month because of what I accidentally did. Well, for sure hindi lamang ito pang-isang buwan. By the look of the hide out, siguradong nawalan na talaga tiwala sa akin ang mga magulang ko. Iisipin nilang hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko at pwedeng sa susunod ay mas malala na ang magawa ko.

My summer vacation was ruined because of my condition. Sa susunod na linggo, magsisimula na naman ang klase pero panigurado namang magiging bantay-sarado ako. Hindi ko mararanasang gumala kasama ang mga friends ko lalo na matapos ang insidente sa hideout.

I was sitting on the gazebo when I felt my brother come to me. Naupo siya sa kabilang dulo ng pasamanong inuupuan ko saka niya sinandal ang likod niya sa poste.

"I'm still mad at you, you know? You broke your promise." Seryoso niyang sabi.

I can't help but roll my eyes. "It wasn't entirely my fault. Naiinis talaga ako kay Frida. Kasalanan ko pa bang hindi ko talaga siya gusto?" Nakataas ang kilay kong tanong.

My brother let out a heavy sigh. "Mabait naman si Frida kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganyan na lang ang galit mo sa kanya. Isa pa, mas matanda siya sayo ng tatlong taon. You should respect her." He mumbled.

Sumimangot ako. "I respect those who deserve to be respected, brother and I can clearly see that Frida doesn't belong in my list."

Napailing na lamang siya. "Ewan ko sayo, Milly. Habang lumalaki ka lalong nagiging maldita 'yang ugali mo. Paano na lang kung wala na ko rito eh di baka araw-araw kang nakikipag-away sa mga hindi mo magustuhan ang ugali?"

Ngumisi ako. "Probably."

He pouted in disbelief. "You are unbelievable, sis."

Kinuha niya sa bulsa ng kanyang jacket ang kanyang headphone. Isinuot niya ito saka siya bumaba at iniwan ako roon.

Bumuntong hininga na lamang ako nang tuluyan kong nakita kung saan pupunta si kuya. As usual, lalabas na naman siya. Tatambay sa mga kaibigan niya habang ako, mag-isa na naman sa bahay.

I stayed in the gazebo for an hour while listening to my favorite playlist. Nang papasok na sana ako ay natanaw ko ang pamilyar na lalakeng nakatayo sa labas ng gate namin.

Kumunot ang aking noo nang makita si Andrei. Inalis ko ang earphones ko saka ako bumaba para puntahan siya.

"Andrei?" Nagtataka kong tanong bago ko ibinukas ang gate. "Anong ginagawa mo rito?"

Ngumiti siya sa akin at tila nahihiyang nagkamot ng batok. "Ano kasi, babalik na kasi ako sa community high school this school year. Nalaman kong same section pala tayo. I was wondering if you could share a little about the school? One month lang kasi ng first year ang nailagi ko ro'n. Third year na tayo at normal high school ang pinasukan ko these passed school years."

Ngumiti ako saka tumango. "'Yon lang ba? Walang problema. Pasok ka muna. Magmiryenda tayo." Alok ko.

Tumango naman siya kaagad. Mas binukas ko ang gate para patuluyin siya saka kami sabay na naglakad papasok ng mansyon.

Naabutan ko si Mom na inaayos ang mga picture frames sa may fireplace. Nang makita niya si Andrei ay gumuhit ang matamis niyang ngiti.

"Andrei? Ngayon ka lang napadalaw. Kamusta na kayo?" Untag ni Mom saka siya lumapit papunta sa amin ni Andrei. "Sit, hijo. Feel comfortable."

"Okay lang naman po. This year sa community high na ulit ako mag-aaral. Magiging kaklase ko si Millana kaya naisipan kong dumalaw para humingi ng kaunting tip tsaka para makabonding na rin siya. Ang tagal naming hindi nagkita eh. No'ng birthday ni Rocky hindi na kami nagpang-abot dahil sa nangyari." Tugon naman ni Andrei.

Bigla akong tinamaan ng hiya sa narinig. Napayuko ako at pilit tinago ang pamumula ng aking mukha. Ngayon lang ako nahiya dahil sa gulong ginawa ko sa hideout. Nawala rin talaga sa isip kong darating si Andrei noong araw na iyon.

"

That's nice to hear. Mabuti pa ipaghanda ko kayo ni Millana ng miryenda. Diyan muna kayo." Untag ni Mom bago siya nagtungo sa kusina.

Nilibot ni Andrei ang tingin niya sa paligid. Hindi ko naman mapigilang pagmasdan siya pinagmamasdan niya ang mga nakadisplay na larawan sa pader.

"M-Matagal na ba mula no'ng bumalik kayo ng Severuz? Parang hindi namin namalayan." Kumento ko.

Tumingin siya sa akin saka siya umiling. "Actually ilang araw pa lang kaming nakakabalik bago nangyari 'yong sa hideout." Tugon naman niya.

Napatango ako. "Kaya pala. Akala ko tuloy barkada na kayo ni kuya."

Napaismid siya. "Masungit kuya mo sa akin. Hindi nga ako kinibo no'n no'ng una kong punta sa hideout." He mumbled. Dinampot niya ang photo album sa ilalim ng coffee table saka siya umayos ng upo sa sofa.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang ang nakuha niya ay ang naglalaman ng baby pictures ko. Kukunin ko sana sa kanya pero mabilis niyang nilayo ito sa akin habang nakangisi. "Chill. Gusto ko lang namang makita eh." Untag niya.

Nakagat ko ang ibaba kong labi. Sa huli, wala na rin akong nagawa kun'di ang hayaan siya. Bawat lipat niya ng pahina, napapansin kong natutuwa siya sa nakikita.

"Cute ka talaga mula pa noon, noh?" Kumento niya habang nakatitig sa picture kong naka-pumpkin costume. Oh, that's my Dad's idea. I hate that photo so much.

"Hay, naku Andrei. Kung aasarin mo rin ako dahil diyan sa costume 'wag mo nang ituloy. Kotang-kota na ako sa mga pang-aalaska." Untag ko.

Nabaling sa aking ang kanyang tingin habang nakakunot ang noo. "Bakit naman kita aasarin totoo namang cute. Bagay nga sayo."

Sumimangot ako. "Andrei naman."

Mahina siyang tumawa. Muli niyang binalik ang tingin sa album. "Basta cute ka dati pa. Tapos."

Lalong namula ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Gusto kong tumakbo papunta sa kwarto ko para itili sa unan ang kilig na nararamdaman ko kaso hindi pwede. Baka mahalata niya lang. Mahirap na. Ang mga lalake pa naman kapag alam nilang humahanga sa kanila ang babae lumalaki ang ulo nila.

Alam ko namang mabait si Andrei kaya lang ay hindi ko maiwasang mag-isip ng ganoon. Siguro nadala na ako masyado sa mga kwento ng mga kaibigan ko. Noong nalaman ni Jestin na may gusto sa kanya si Perry, niligawan niya si Perry. Sinagot siya ni Perry pero wala pang one month naghiwalay sila kaagad dahil natuwa lang pala si Jestin na may gusto sa kanya ang kaibigan ko.

Ayaw kong mangyari sa akin 'yon. Gusto ko kung magkakagusto sa akin ang isang lalake, dapat gusto talaga niya ako hindi iyong natipuhan lang niya ako dahil may paghanga ako sa kanya.

"Talagang pure-blooded human si Wesley 'no? Wala siyang pictures na baby pa siya?" Tanong ni Andrei habang pinagmamasdan ang pictured noong first birthday ko. Oh, look at me! I was so cute on my tutu dress. It's violet and purple.

"Wala. Hindi naman kasi sina Mom ang tunay niyang magulang." Untag ko.

Biglang nabaling sa akin ang tingin ni Andrei. "Seryoso, Millana?"

I nodded. "Yes. Kuya Wesley is not my real brother. Anak siya ng kaibigan ni Mom pero mula pa bata sina Mom na ang nag-alaga sa kanya. Noong namatay ang tunay niyang Daddy, kinuha siya ulit nina Mom. Doon na nagdecide sina Daddy na i-adopt siya."

"Nice." He mumbled after closing the album. "Buti naipagtapat sa inyo ng parents niyo?"

I flashed a half smile. "Nabully kasi before si kuya Wesley. Inaasar siyang hindi siya katulad ng ibang vampires at hindi rin daw namin siya kamukha. Pati ako ay napapaaway dahil doon kaya pinagtapat sa amin nina Mom ang totoo. I was eight yata no'ng nalaman ko. Natakot nga sila na baka magrebelde si kuya Wesley pero awa ng Diyos, hindi naman. In fact mas natanggap niya ang sarili niya as a human. Unti-unti, nakahanao siya ng mga kaibigan niyang walang pakeelam kung hindi siya tulad namin."

"Akala ko talaga naging anak siya nina Senyor Yvann habang human pa ang Mommy mo iyon pala ampon siya." Ani Andrei.

"He may be adopted but my folks loved him so much. Siguro kaya hindi rin nagrebelde si kuya kasi alam niyang hindi naman siya itinuring na iba ng parents namin." I mumbled.

"Maswerte kayo sa mga magulang ninyo." Untag ni Andrei habang may matipid na ngiting nakaguhit sa kanyang mga labi.

Tumango ako at piangmasdan ang family portrait namin sa itaas ng fire place.

"Yeah. We really are..."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status