Share

Seven Steps Away (Original Tales of Remorse)
Seven Steps Away (Original Tales of Remorse)
Author: Celestine_Lemoir

Kabanata 1

ONE

I've always been fascinated with the stories mom used to tell us every night. The knights, the princesses, the kings, the happily ever afters.

I grew up in a place where everyone labeled me as a princess. My actions are prim and must always be proper. There shall be no room for misbehaviors for I will reflect how my parents raised me and my brother...but ofcourse, I am the daughter of Castiel Yvann Devonaire. Misbehavior is a part of my DNA.

Hindi ko na nabibilang ang mga buwan at araw. Naging masaya ang aking pagkabata dahil sa kapatid kong si Wesley at mga kalaro naming mga batang bampira ngunit nang sumapit ako ng sampu, nagsimulang makaranas ng maselang kundisyon ang katawan ko.

My grandma's blood on my system started to be as active as my vampire blood. Minsan ay bigla na lamang itong lumalabas na nagiging dahilan ng kakaibang aggression ko. Sabi ni Daddy, masyado raw maagang lumitaw ang wolf ko kaya masyado akong nahirapan sa pagkontrol nito.

Madalas ay sa mansyon ng Devonaire na lamang ako nananatili. Hindi ako masyadong pinapayagan ni Dad na lumabas lalo na kung hindi ko kasama ang kuya Wesley ko.

Kuya Wesley and I were really close kahit na apat na taon ang agwat ng aming mga edad. Kaya lang, nang nagsimula na siyang magbinata, mas madami na siyang oras na binibigay sa mga kaibigan namin. He stopped playing with me. Most of the time, he'll stay in his room and get himself busy with his phone. Kung hindi naman ay sa tambayan nilang magkakaibigan siya nagpupunta kaya hindi ko maiwasan ang mainggit dahil siya, malayang nakakasalamuha ang iba.

"Ma, sige na please? Doon lang naman kami kina Tita Paris. Hindi naman kami magpupunta sa kung saan-saan." Pakiusap ko...sa pang sampu na yatang beses.

Ibinaba ni Mama ang kubyertos saka siya nagpakawala ng marahas na buntong hininga. "Sinabi na ng Daddy mo, hindi ba? Sumusumpong na naman ang kondisyon mo, Millana. Mahirap na kung kailan nasa labas ko doon na naman magkaproblema."

Sumimangot ako at malungkot na inilayo ang aking pagkain. "Bakit si kuya Wesley pwedeng maglaro sa labas?" Maktol ko.

Pinunasan ni Dad ang kanyang bibig saka niya dinampot ang basong may lamang purong dugo. Itinaas niya ito saka ako tinuro. "We both know why, Millana. You're having problems with your wolf. Gusto mo bang habang nakikipaglaro ka sa mga kaibigan mo bigla na lang sumumpong ang aggression mo? Paano kung makasakit ka ng iba?"

"Paano kung hindj naman sumumpong?" Reklamo kong muli.

My Dad let out a heavy sigh. Bumaling siya kay Mommy saka siya bahagyang ngumuso. "That's really your child, wife."

My Mom let out a soft chuckle. Mahina niyang sinipat ang braso ni Dad saka niya ako binalingan. "Basta, Millana. Hindi talaga pwede, anak. Isa pa ang laki-laki mo na. You're already fourteen you still want to play with the other kids?"

"Bakit si Kuya Wesley, eighteen na nakikipaglaro pa rin ng hide and seek?" I mumbled.

My brother stopped chewing his pasta. His green with brown strands eyes narrowed at me. "I'm not. We're just hanging out, Milly." Kuminang ang hikaw niya sa kanyang kaliwang tenga.

Sumimangot lalo ang aking mukha. "I said stop calling me Milly. The other kids make fun of my name because of you." Inirapan ko siya.

Iniling niya ang kanyang ulo saka niya ininom ang kanyang juice. Mayamaya'y muli niyang nilapag ang baso sa mesa saka niya pinunasan ang kanyang bibig. "Hindi ko sila naririnig na tinatawag kang Milly. Ako lang ang tumatawag sayo no'n. Stop being too paranoid, sis." Walang gana niyang tugon.

Tumayo siya at lumapit kay Mom para humalik sa pisngi nito. "Pupunta muna ako kina Jestin, Mom, Dad." Paalam ng magaling kong kapatid.

"Jestin. Jestin. Kay Frida ka lang pupunta eh." I murmured while making faces. Matalim kong tinitignan ang pasta sa aking harap. If I have laser beams in my eyes, this pasta plate in front of me would be burned right now...at isusunod ko si kuya.

"Young lady, enough with the murmurs." Suway ni Dad sa akin.

"Ganyan 'yan, Dad. Nagmamaldita nga 'yan palagi kaya ayaw ko na isama minsan. Muntik na silang mag-away ni Frida last week." Sumbong niya.

Kumunot ang noo ni Mom dahil sa sinabi ni kuya Wesley. Mayamaya'y tinaasan niya ako ng kilay. "Is that true?"

"No!" I scoffed. Tiniklop ko ang mga braso ko sa tapat ng aking dibdib.

"No ka diyan tignan mong muntik na ngang umatake 'yang kundisyon mo dahil lang hindi kayo nagkasundo sa papatugtuging kanta sa hideout. Kawawa si Frida sa kamalditahan niya." Untag ng kapatid ko.

Sinaman ko siya ng tingin. Nagngitngit ang aking mga ngipin sa inis. "Sino bang kapatid mo, ha?"

Napailing siya saka nagpakawala ng marahas na buntong hininga habang kinakamot ang kanyang sintido. "Hindi naman kasi pwedeng ikaw ang kinakampihan ko, Milly. Mali ka kaya hindi ako kakampi sayo."

Lalo akong sumimangot sa narinig. Kumuyom ang mga kamao ko at marahas kong tinulak ang aking silya. Padabog akong nagmartsa palabas ng dining hall.

"Millana, get back here, sweety." Tawag ni Dad pero hindi ko sila pinansin. I even heard Dad said, "She really is your daughter, wife."

Inis na inis ako nang isara ko ang pinto ng kwarto. Sumusobra na siya. Akala mo naman kapag siya ang naiipit sa gulo hindi ko siya pinagtatakpan.

Tumalon ako papunta sa purple kong kama. Well, my whole room is filled with purple and violet stuffs. Even the paints on the wall and the curtains are all purple. The color relaxes me so much but my brother hates it. He's just like Dad. Mas gusto niya ang itim.

Nagtalukbong ako saka ko ginawa ang sinabi ni Mom na dapat gawin sa tuwing nararamdaman ko ang init ng aking ulo. Pumipikit ako at humihinga ng malalim hanggang sa tuluyan akong kumalma.

Mayamaya'y narinig ko ang pagbukas ng pinto. Inalis ko ang pagkakatalukbong ng comforter ko saka ko tinignan ang gawing pinto. I know it's him. Gusto ko lang talagang iparamdam sa kanyang nainis ako sa ginawa niya.

Kuya Wesley's hands were buried on his pull-over's pocket. Nang makita niya ang talim ng tingin ko ay kumawala ang marahas niyang buntong hininga.

I faced the veranda side when he started walking towards me. Naupo siya sa kama at bahagya itong umalog. Sinandal niya ang likod niya sa aking balakang saka niya mahinang hinila ang kumot para makita niya ang aking mukha.

"Milly." He mumbled softly.

Hindi ko siya kinibo. Tinitigan ko ang mga fake butterflies na nakadikit sa glass door papunta sa veranda. Of course they are all in violet and purple wings.

He let out a sharp sigh. Hiniga niya ang ulo niya sa braso ko saka niya mahinang tinusok ang aking pisngi. "Kapag ba sinama kita ipapangako mong hindi ka magmamaldita?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Kailan ba ako nagmaldita? Ikaw lang naman nag-iisip na nagmamaldita ako eh."

Mahina siyang natawa. His dimple on his cheeks and his perfect set of white, fangless teeth revealed.

Kinurot niya ang aking pisngi. "Sige na oo na. Pero please lang, Milly. Hangga't kaya mong layuan sina Frida huwag mo na lang dikitan."

I let out a sigh of defeat. "Fine." I murmured.

Bumangon ako at ganoon din siya. Ipinatong niya ang kanyang baba sa aking tuhod. Iniangat niya ang kanyang kamay saka niya pinakita ang pinky finger niya. "Swear, princess."

I rolled my eyes. I pinky promised like what I use to do whenever my brother wants to make sure I'll do as he said.

Pinaalam ako ni kuya sa mga magulang namin. Noong una ay ayaw pumayag ni Mom pero nang si Dad na ang nagsabing pwedr akong sumama kay kuya, kumaripas na kami ng takbo bago pa kami masaway ni Mom.

Kuya Wesley and I were laughing our asses off the moment we reached the next street. Tumigil kami dahil napagod siya sa ginawa naming pagtakbo. The cons of being a human, I must say.

Pinalis niya ang namuong pawis sa kanyang noo saka niya iniakbay ang kanyang braso sa akin. Mabagal na kaming naglakad habang binabagtas ang daan papunta kina tita Paris.

"Nandoon sila Andrei. Post birthday celebration kasi ni Rocky kaya ayaw sana kitang isama." Untag niya habang diretso ang tingin sa daan.

Bahagyang namula ang pisngi ko sa narinig. Hinawi ko ang ilang hibla ng aking buhok at pinigilan ang ngiti. "M-Madalas ba na sumama si Andrei sa grupo niyo nina Rocky? I feel so out-dated with our friends. Kayo kasi masyado kayong over-protective." I mumbled.

Kumunot ang noo ni kuya Wesley. Nang balingan niya ako ay nakataas na ang isa niyang kilay na animo'y hindi nagustuhan ang tanong ko.

"Crush mo pa rin si Andrei?" Seryoso niyang tanong.

Nanlaki ang mga mata ko. "H-Hindi na ah." Namumula ang mukha kong pagsisinungaling.

"Tss." Ginulo niya ang buhok ko. "Sabing bawal pa ang crush crush. You're just fourteen and you're a vampire. You got forever to find love."

Hindi ako nakasagot. I can't help but to imagine an infinite lifetime but I can't picture out myself yet with a guy. All my life, nakuntento na ako sa dalawang lalake sa buhay ko--si Dad at kuya. It's true that I had a crush on Andrei when I was ten but that's just something you feel because your friends keep on saying he likes you. For a girl who never tried to love or have a crush, I fell in love with the idea of it.

Tama na ang sinabi ni kuya. Post birthday celebration nga ni Rocky. Nagkalat ang pagkain sa mesa at may mga drinks ding kasama. Rocky is as old as my brother and he hates balloons. Mas gusto rin nilang magbabarkada ang jamming keysa magulong party.

I had a few catching up with my girl friends. Marami sa kanilang nag-aral sa ibang lugar kaya naman nanabik din akong makipag-kwentuhan sa kanila.

We were already having fun when Frida and her minions came. As expected, she's wearing short skirts and tank top...again. I really don't like her especially her fake smiles.

Hindi ko na naintindihan ang mga sinabi ng friends ko. Halos nakatutok na lang ang mga mata ko kung saan pumunta si Frida. Nang makita kong sa kapatid ko siya nagpunta, uminit na naman ang dugo ko.

Ilang minuto silang nag-usap. My brother was smiling ear-to-ear while Frida keeps on touching his arm. Napakahalata na. She's trying to flirt with my brother. Kung magkakagirlfriend man ang kapatid ko, utang na loob huwag lang talaga si Frida. Baka isumpa ko ang kapatid ko kapag nangyari iyon.

Mayamaya'y biglang pumasok ang mga loko-lokong anak ni tito Crane. Nagpaputok sila ng mga lobo dahilan para magulat si Frida. Nang makita ko kung paano siyang yumakap kay Kuya Wesley habang humahagikgik, pakiramdam ko bigla na lang nagdilim ang paningin ko.

Hindi ko alam ang nangyari matapos kong maramdaman ang kakaibang init ng katawan. I lost control of myself and I felt something else controlled me from with in.

...The next thing I knew, the whole hide out was already wrecked and my brother was so furious while he's carrying me on his shoulder like a bag of potato.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status