Share

Kabanata 16

APAT NA araw na mula nang huli kaming magkausap at magkita ni Ken. Hindi ko sinasagot ang mga tawag niya, hindi ako nagrereply sa mga texts niya, at hindi ko rin hinahayaang magkatagpo kaming dalawa. Hindi pa rin kasi maalis sa isip ko iyong halik ni Ken. First kiss ko iyon! I mean, iyon iyong unang kiss na naalala ko except iyong kay Karl.

At isa pa, iniisip ko rin kasi kung bakit at paano nawala sa isip ko si Ken at ang mga kaibigan niya. Ang ibang detalye sa pagkabata ko ay naalala ko. Kung hindi nga lang nabanggit ni Ken ang tungkol sa nakaraan namin ay iisipin kong wala naman akong ganitong sitwasyon.

Hindi rin malinaw sa akin kung bakit kilala ng Phoenix na iyon ang mama at papa ko. Hindi kaya may kinalaman sila sa pagkamatay nila? Pero imposible iyon. Ang sabi ni Tita Gloria, namatay sa car accident ang mga magulang ko.

Hinilot ko ang sentido ko at pinakatitigan ang kisame ng kwarto ko. Alas nuebe na kasi ng umaga pero nakahilata pa rin ako rito sa kuwarto ko. Ilang araw nang pi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status