Share

Kabanata 18

“ANG GAGUWAPO ng mga ka-table natin, ano? Parang mga prince charming na naghihintay lang ng pagsunggab ng mga naggagandahan nilang mga prinsesa,” kinikilig-kilig pang sabi ni Gwen.

Narito kami ngayon sa comfort room para mag-retouch ng mga make-up namin dahil unti-unti na kaming nagiging oily. Actually, inaya ko lang talaga rito si Gwen para na rin pasimpleng hanapin sila Ken. Tapos na kasing magkainan sa party pero hindi pa rin sila nakakabalik. Magdadalawang oras na silang wala.

Ilang beses kong sinubukang tawagan ang cell phone ni Ken pero hindi naman siya sumasagot. Imposible namang hindi niya napansin ang tawag ko dahil maraming beses kong ginawa iyon. Kung tama si Maureen sa sinabi niya kanina, paniguradong nakikipagsuntukan na nga kung kani-kanino ang mga iyon. Hay naku talaga, parang mga bata!

“Sira ka talaga! Anong ‘pagsunggab ng mga prinsesa nila’ ang pinagsasasabi mo riyan? Tayo pa talaga ang lalapit sa kanila, ganoon? Sa ganda nating ito? Gusto mo bang tularan iyong babae n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status