Share

Kabanata 17

TAMA SI Ken sa desisyon niyang saka na lumabas ng sasakyan kapag wala na gaanong makakakita sa amin dahil iyon nga ang siyang nangyari nang magtungo na kami sa kasiyahan. Busy na kasi ang mga tao dahil nagsimula na ang party sa tulong ng Masters of Ceremony.

Nililibot ko ang tingin ko sa paligid. Hindi na kataka-takang sobrang ganda ng mansyon ng mga Alvarez dahil pareho silang successful sa kani-kanilang mga business. Malapit sa pool ang venue ng party ni Tita at mahahalata mong mayayaman ang mga bisita dahil sa naggagandahang suot ng mga ito. Pati pagkilos ay talagang sobrang ayos.

Nagpatianod lang ako kay Ken sa kung saang puwesto niya ba ako gustong dalhin. Obvious na ayaw ni Ken sa masyadong maraming tao dahil napansin kong sa medyo tagong bahagi siya ng venue nagpunta. Kanina ngang ipinatatawag siya para sa entrance ng Mommy niya ay talagang hindi siya sumama.

Napunta kami sa tapat ng magkatabi na dalawang malaking pabilog na mesa. Nakita ko roon sila Karl, Lawrence, at Coach Kob
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status