Share

Chapter 1: Fan Girling

Yannie Ace Ruiz

"Veron, bilisan mo naman at baka ma-late tayo! Dali!" malakas na sigaw ko mula sa sala ng bahay nina Veron. At ilang sandali pa nang nagmamadali namang lumabas ng kwarto si Veron habang basang-basa pa ang magulo nitong buhok.

"Oo na nga. Ito naman taeng-tae lang 'te?" aniya sabay irap sa akin.

"Dalian mo! Baka ma-late tayo tapos sa dulo pa tayo mapapunta niyan!" pagmamadaling sabi ko sa kanya kasabay ng mabilis kong paghigit sa kanya palabas ng bahay nila.

"Sandali! Hindi pa ako nakakapagsuklay!" reklamo niya pero patuloy ko lamang siyang hinihila palabas.

"Tita, aalis na po kami ni Veron!" paalam ko sa nanay ni Veron na siyang abala ngayon sa pagwawalis sa tapat ng bahay nila.

"O, sige. Mag-iingat kayong dalawa ha. Malayo ang Manila at baka maligaw kayo!" Narinig pa naming sigaw nito.

Mabilis kaming pumara ni Veron ng tricycle para sumakay roon. Ilang minuto pa ang lumipas ay ibinaba kami nito sa highway. Pagkatapos ay agad naman kaming naglakad ni Veron patungo sa terminal ng mga jeep sa likod ng Central Mall.

"Grabe ka, Yannie. Ala una pa ang start ng press conference ng 4SBLUE mo. At alas otso pa lang ngayon ng umaga. Grabe mo akong madaliin," reklamo ni Veron sa akin nang makasakay na kami sa jeep. Sinusuklayan niya ang basang buhok niya.

"Mabuti na 'yong maaga tayo, Veron. Paano kung ma-late tayo dahil sa traffic? Saka ang layo-layo ng SM Megamall dito sa atin. Kapag na-late tayo mapupunta lang tayo sa likuran, hindi ko makikita nang malapitan ang blue boys ko."

"Whatever! Alam ko namang wala akong maipapanalo sa iyo pagdating dyan sa 4SBLUE mo," napapailing na tugon na lamang niya sa akin.

Veron Velasquez is one of my close friends and classmate sa college. Dalawang taon pa lang kaming magkaibigan at magkakilala pero sobrang gaan na ng loob ko sa kanya. Schoolmate ko siya noon sa senior high school. Actually, kilala ko na rin talaga siya noon dahil kay Belle—classmate ko naman noong nasa senior high school ako.

Belle and Veron is mortal enemies and rivals. Ang kwento kasi sa akin noon ni Belle ay galit na galit sa kanya si Veron dahil pinagbibintangan siya nito na inagaw at inakit ang jowa nito. Which is, totoo naman pala talaga. Well, based on my experience na rin kasi. Totoong mang-aagaw ang Belle na iyon. At nang dahil sa ginawa nilang panloloko sa akin ni Kris ay kinalimutan ko na sila.

Magsama sila hanggang sa gusto nila. Maging masaya sana sila! Pero wait, hindi naman na ako bitter.

Ilang sandali pa ang lumipas nang makarating na ang jeep na sinasakyan namin ni Veron sa Pacita. Mabilis kaming bumaba ng jeep at nagpunta naman sa terminal ng mga bus. Sumakay kami roon at sakto naman na dalawang pasahero na lamang ang hinihintay bago ito umandar.

"Yes! Thank You, Lord, nakaalis agad tayo," masayang wika ko.

"Excited na excited ang bata," pang-aasar ni Veron sa akin kasabay ng pagpalatak niya.

"Thank you sa pagsama sa akin huh. Love mo talaga ako," malambing na wika ko sa kanya habang yakap-yakap ko ang braso niya.

"Ang cheesy!" anas niya at sabay na lang kaming natawa.

Pagkalipas ng ilang oras na byahe ay narating nga namin ni Veron ang SM Megamall. Mabilis kaming pumasok sa loob at nagtungo sa event center kung saan gaganapin ang public press conference ng 4SBLUE. At dahil mahigit dalawang oras pa naman bago magsimula ang event, ay kumain na muna kami ni Veron ng lunch sa isang fast food chain, na malapit lang sa event center ng mall.

"Grabe! Hindi ako makapaniwala. This is it! Makikita ko na sila ng live mamaya!" galak na galak na saad ko habang si Veron ay patuloy lamang sa pagkain.

"Ubusin mo na muna 'yang pagkain mo. Para mamaya ay may energy ka sa pagfa-fan girling mo," saad niya.

Habang masaya kaming kumakain ni Veron ay hindi sinasadyang magawi ang tingin ko sa katabing table namin. At mula roon ay nakita ko ang isang grupo ng mga kababaihan na may mga suot na official concert t-shirt ng 4SBLUE. May dala rin silang mga banners ng 4SBLUE.

"Mga fan din ng 4SBLUE," masaya at mahinang turo ko kay Veron.

"Mga katulad mo ring baliw, ano?" pang-aasar ni Veron na siyang binalewala ko. Sanay na ako sa kanya sa tuwing sinasabihan niya ako ng mga ganito.

Dahil sa huli pa rin naman ay ramdam na ramdam ko ang suporta niya sa mga ginagawa ko. Imagine, napapayag ko siyang samahan ako ngayon dito. Napaka-supportive niyang kaibigan!

Nang kapwa kaming matapos na sa pagkain ay mabilis na kaming nagtungo sa event center at naghanap ng mapupwestuhan. Kahit medyo marami na ang tao ay swerteng nakakuha pa rin kami ni Veron ng maganda-ganda at maayos na pwesto.

"Sana makita ko rin si Lian," excited na bulong ko kay Veron.

"Lian? Sino naman iyon?"

"Iyong soon-to-be-wife ni Justin Song," nakangiti at kinikilig na tugon ko.

"Don't tell me fan ka rin no'ng Lian?"

"Pwede naman. Gustong-gusto ko kasi siya para kay Justin. Simula nang maging sila, mas lalong gumwapo si Justin at kitang-kita sa mga mata niya na sobrang saya niya."

Ilang minuto lang ay nagsimula na nga ang event. At nang pumasok na ang apat na miyembro ng 4SBLUE ay nag-ingay na ang buong crowd. Syempre, isa na ako sa mga nag-ingay at nagsaya.

Gwapong-gwapo ang apat na miyembro ng 4SBLUE band sa mga simpleng suot nila. Lalo pa sa tuwing ngumingiti ang mga ito.

"Magandang araw, kami po ang 4SBLUE!" sabay-sabay na bati ng apat na gwapong nilalang na nasa ibabaw ng entablado.

"I love you, singkit!" kanda-tili ng isang babaeng nasa tabi ko. May itinaas pa itong banner ng mukha ni Kang Jae Hee.

Agad akong napangiti dahil natutuwa akong makita na may taong katulad ko na baliw na baliw sa 4SBLUE.

"I love you, Justin!" sigaw ko naman. Kahit alam kong malabong marinig ng apat iyon dahil sa dami ng ibang mga tao na naroon at nakikisigaw.

Napatingin sa akin ang babaeng nasa tabi ko na may hawak ng banner ni Kang Jae Hee at matamis itong ngumiti sa akin.

"Si Justin ang bebe mo?" unang pagkausap niya sa akin.

"Lahat po sila, pero mas matimbang lang ng kaunti si Justin," nakangiting tugon ko rito. Tumawa siya sa sinabi ko saka nagsalita.

"Ako rin. Apat silang bebe ko, pero matimbang ng kaunti si Jae Hee."

Kapwa kaming nag-enjoy ni ate mo girl sa panonood at pakikinig sa 4SBLUE. Habang si Veron naman ay tahimik na nanonood din sa tabi ko. Masayang natapos ang event nang hindi na namin namalayan ang oras. Ala una nagsimula ang press con pero alas sais na ng gabi ito natapos.

Bago tuluyang mamaalam isa-isa ang 4SBLUE ay nag-imbita pa ang mga ito sa nalalapit nilang concert dito sa Pilipinas.

Paalis na kami ni Veron sa pwesto namin nang makita ko ang banner na hawak kanina ng babaeng katabi ko sa lapag. Dinampot ko iyon at sakto naman na nakita ko siyang naglalakad. Bago pa lamang lumalayo sa amin. Tumakbo ako at hinabol ko siya upang maibigay ang nahulog niyang banner.

"Oh my gosh! Thank you so much!" aniya.

"Welcome po."

Maganda at matamis na ngumiti sa akin si ate mo girl saka niya inilahad ang palad niya sa akin. "By the way, I'm Rica Montez. And you?" pakikipagkilala niya sa akin.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
KheiceeBlueWrites
thank you for reading ...
goodnovel comment avatar
Gloria Estrada
nice story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status