Share

Chapter 2: Moved On

Yannie Ace Ruiz

"Ako po si Yannie Ace. Pero Yannie na lang po ang itawag mo sa akin," magalang na tugon ko kay ate mo girl. Halata naman din kasi sa itsura niya na hindi na siya estudyante katulad namin ni Veron. Na mas matanda siya sa amin siguro ng ilang taon.

Nakangiting nakipagkamay sa akin si ate Rica. Hanggang sa, nilapitan na rin kami ng ibang mga babae na kasama niya.

"Hi! I'm Renalyn."

"Ako naman si Becca."

"Hello, I'm Christine!"

"Ako si Jan."

Pagpapakilala sa akin ng mga kasama ni ate Rica. Isa-isa ko silang kinamayan at nagpakilala rin ako sa kanila. Bago kami tuluyang umuwi ni Veron ay sumama na muna kami sa grupo nila para sumabay sa pagkain ng dinner.

"So, ilang taon ka na, Yannie? Working ka na rin ba?" tanong sa akin ni ate Becca.

"20 years old na po ako. 2nd year college po. Pareho po kami ni Veron, classmate ko po siya," tugon ko.

"Really? Anong kurso mo?" tanong naman ni ate Rica.

"BSOA po. Bachelor of Sciene in Office Administration po."

"Oh, saang school? Taga saan ka nga ulit?" tanong ulit ni ate Rica habang iniikot-ikot niya ang pasta sa kanyang hawak na tinidor.

"PUP Biñan po. Taga-Biñan Laguna po kami."

At nagpatuloy nga ang masayang pakikipagkwentuhan ko sa kanila habang sabay-sabay kaming kumakain. Naging magaan ang loob ko sa kanila. Dahil na rin siguro sa pare-pareho kami ng interes at sa pagiging fan girl ng 4SBLUE.

"Let's meet again sa concert ng 4SBLUE," nakangiting sabi ni ate Rica sa akin.

"Naku po ate, mukhang malabo po iyan," may kalungkutan na sabi ko.

Kaya nagkaroon ng public press conference ngayon ang 4SBLUE, ay dahil sa nalalapit nilang concert na gaganapin sa susunod na dalawang araw dito sa bansa.

"Huh? Bakit? Hindi ka ba a-attend ng concert nila?"

"Hindi po eh. Wala po kasi akong budget pangbili ng concert ticket nila. Kaya pinilit ko na lang po talaga na makapunta ngayon dito sa public press conference nila.  Para hindi ko man po sila mapanood sa concert nila, ay at least nakita ko naman po sila ngayon."

Ate Rica smiled sweetly at me.

"You're so honest, Yannie," aniya.

"Po?"

"Anong social media account mo? Add ka namin," nakangiting sabi ni Jan sa akin. Nalaman ko kanina na magkasing-edad lang kaming dalawa. Kaya mabilis ko rin siyang nakagaanan ng loob.

Actually, lahat naman sila ay mababait lahat. Lalo na si ate Rica na siyang unang nakipagkaibigan sa akin.

Ibinigay ko sa kanila ang social media account ko at ganoon din sila sa akin. Nakipagpalitan rin ako ng numero sa kanila.

"Thank you po sa masayang pakikipagkwentuhan. Nag-enjoy po ako ngayong araw. Bukod sa nakita ko ang 4SBLUE ay nakilala ko pa po kayo," masayang sabi ko sa kanilang lahat.

"Thank you rin, Yannie. You're so sweet and nice. Ingat kayo sa pag-uwi," sabi ni ate Rica sa akin at tuluyan na nga kaming nagpaalam sa kanila ni Veron.

Nang makauwi na ako sa bahay ay saka ko lamang na-check ang social media account ko. At nakita ko ang mga naka-tag na pictures sa akin na kinunan namin kanina kasama sila ate Rica.

Mabilis na lumipas ang mga araw hanggang sa sumapit na ang concert ng 4SBLUE. Hindi ko man sila napanood ng live sa big dome ay sa live stream na lang ako nagtyagang manood. At sa simpleng bagay na iyon ay wala nang mapaglagyan ang kasiyahan na nararamdaman ko.

Naging tuloy-tuloy ang pakikipag-communicate ko sa mga nakilala kong bagong kaibigan dahil sa 4SBLUE. Lalo na kay ate Rica na ilang araw ko nang nakakapalitan ng mga chat sa social media at mga text messages.

"May bago ka ng friends huh," puna sa akin ni Jenny habang naglalakad kami palabas ng campus.

"True! Mas lagi na niyang kausap ang mga iyan kaysa sa atin," pagsang-ayon naman ni Veron sa sinabi ni Jenny.

"Yes. May bago akong friends pero hindi naman ibig sabihin no'n ay ipagpapalit ko na kayo," natatawang saad ko sa kanila.

"Hindi, Yannie. Okay lang naman." Si Ivory na siyang nagsusuklay ng mahaba at kulot niyang buhok habang naglalakad.

Habang masaya akong nakikipagkulitan sa tatlo kong mga kaibigan, ay hindi sinasadyang may bigla akong mabangga pagkalabas namin ng gate ng school.

"Naku, sorry!" paghingi ko agad ng paumanhin sa taong nakabanggaan ko sa paglalakad.

"Sorry din, Ms.” Nag-angat ako ng mukha at agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang nakabangga ko.

Hindi ko inaasahang makikita ko pang muli ang lalaking huling nakapanakit sa akin. Si Kris.

"Y-Yannie…” Halata sa boses nito ang pagkagulat na makita akong muli. “K-Kumusta ka na?" tanong niya pa sa akin.

"Kilala mo siya?" mahinang tanong sa akin ni Jenny habang nakatingin din siya ngayon kay Kris.

"T-Tara na," nabubulol na mabilis na yaya ko sa mga kaibigan ko. Nagsimula akong humakbang palakad pero agad akong tinawag ni Kris.

"Yannie, pwede ba tayong mag-usap?"

"Uy, Yannie, tawag ka niya," awat ni Veron sa akin.

"Kausapin mo na muna," bulong naman ni Ivory sa akin.

Napasinghap ako saka muling hinarap si Kris. Nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa kanyang mga mata pero pinili kong balewalain na lamang iyon. Dahil baka guni-guni ko lang din iyon.

"Sige na, Yannie. Hintayin ka namin dito," wika ni Jenny.

Nagpunta kami ni Kris sa katabing park ng school. At hindi ko rin naman alam sa sarili ko kung bakit pa ako pumayag na pagbigyan siya.

"Yannie..."

"May sasabihin ka ba?" deretsyong tanong ko rito.

"Kumusta ka na?"

"Okay ako. Iyon lang ba?"

"Yannie... alam kong galit ka sa akin—"

"Kris, kung kaya mo ako gustong kausapin ay para lang ibalik ang nakaraan, please huwag na." Tinalikuran ko siya pero agad din akong napahinto nang magsalita siya ulit.

"Minahal kita, Yannie,” seryosong wika niya. "Minahal kita ng totoo."

Muli akong humarap sa kanya saka marahan na tumawa.

"Pinapatawa mo ba ako?"

"Yannie—"

"Minahal mo ako? Tapos kayo ng kaibigan ko?" mapait na tanong ko sa kanya.

"Yannie, hindi ko sinasadyang mahulog noon kay Belle—"

"Okay," putol ko sa kanya. "Kung wala ka ng sasabihin, aalis na ako."

"Yannie, patawarin mo sana ako."

"Matagal ko na kayong pinatawad, Kris. Kahit noong hindi kayo nag-explain sa akin ng ayos, pinatawad ko na kayo. Kasi sino ba naman ako 'di ba? Hindi mo naman ako girlfriend. Kaya wala akong karapatan na kamuhian kayong dalawa. At least maaga niyo 'yong ginawa. Maaga pa lang ay nagising na ako sa katotohanan kung anong klaseng tao kayo."

"Yannie..."

"Sa susunod na magkikita ulit tayo, sana hindi mo na banggitin ang pangalan ko." Pagkasabi ko no'n ay tuluyan ko na siyang tinalikuran at iniwanan.

I admit it. Noong malaman ko na sila na ni Belle ay labis akong nasaktan. Gusto ko na siya no’n eh. Ready na akong sagutin siya at maging nobyo ko. Pero ganoon lang pala ang gagawin niya. Mabilis niya akong pinalitan dahil mabilis niyang napasagot ang ahas kong kaibigan.

Pero matagal ko na rin namang nilimot ang lahat ng iyon. Kaya sa halip na magmukmok ay itinuon ko na lang ang atensyon ko sa ibang bagay. Madaming dahilan para sumaya kaya lagi kong pinipili ang maging masaya.

Dahil sayang ang oras kung ilalaan ko lamang iyon sa kalungkutan.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Hazel Uganiza
Wala pa po ba next episode?
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status